The Family of Saint Sharbel-Philippines
  • San Sharbel
    • Talambuhay
    • Mga Himala
    • Mga Patotoo >
      • ​Patotoo Ni Maria G. Foley
      • Patotoo Ni Olivier Giroud-Fliegner
      • Patotoo Ni Georgette Larose
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Margaret Bieser
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Homer Wiggins
      • Ang Himalang Pagpapagaling Kay George Pospisil
    • Mga Panalangin
  • Mga Karanasan
  • Tungkol sa Amin
    • Paliwanag sa Logo
  • Mag-donate
  • Mga wika1
    • English
    • Español
    • Português

Ikapitong Karanasan: Ang Paglalakbay Mo Sa Mundong Ito Ang Iyong Biyahe Tungo Sa Kabanalan

7/11/2024

 
Picture
Lahat ng tao ay binigyan ng tainga upang makarinig, subalit ang nakikinig ay kaunti, at sa mga nakikinig, ang nakauunawa ay kaunti, at napakakaunti sa mga nakikinig at nakakaunawa ang nagsasabuhay ng kanilang narinig at naunawaan. Ang mga patungo sa kaharian ay kaunti, at ang pinto ay makipot.
 
Makinig, unawain, at maging mga saksi. Makinig sa tinig ng Panginoon, at unawain ang katotohanan, at saksihan ang katotohanang nadama, at isabuhay ito. Manahimik upang makarinig, at makinig sa tinig ng Panginoon. Subalit mag-ingat na iwasang makinig sa mga umaalingawngaw sa iyong mga kaisipan. Lampasan ang mga kaisipan mo, at pabayaang ang salita ng Diyos ang magpadalisay sa mga ito, burahin ang anumang dapat na alisin at itala ang dapat na isulat muli.
 
Ang tao ay bahagi ng kabuuan, at ang bahagi ay dapat makinig sa kabuuan. Tulad ng ang patak ng tubig ay sa ilog, ang patak ng tubig ay hindi maaaring maging ilog, kahit na taglay nito lahat ng nasa ilog; subalit ang ilog ay mga patak ng tubig na sabay ang daloy. Ang isang patak ng tubig sa ilog ay ilog, subalit ang patak ng tubig sa labas ng daloy ng ilog ay isa lamang patak ng tubig. Makinig sa daloy ng sansinukob, dahil bahagi ka nito.
 
Ang buong sansinukob ay nasa paglalakbay tungo sa puso ng Ama, tulad ng ang dalaoy ng mga ilog ng mundo ay patungo sa dagat. Huwag magkamali sa pagsunod sa paglalakbay na ito; ang patak ng tubig sa labas ng ilog ay hindi makararating sa dagat.
 
Makinig, unawain ang katotohanan at bayaan itong manuot sa iyong espiritu. Sirain lahat ng panlabas na mga suson at sirain lahat ng mga naipon na ibinalot sa iyo ng mundo at nagtatakip sa iyo ng mukha ng Diyos. Magpakumbaba at iwaksi ang mga kaisipang humaharang sa iyo sa tinig ng Diyos, kahit pa ang ilan dito ay naghubog at gumawa sa iyo. Makinig nang may kababaang-loob at bayaang ang puso ay lumambot at ang isip ay lumaya. Ang pakikinig na may kababaang-loob at pagsisisi ay tulad ng isang alingawngaw na nawala sa mga lambak; kahit gaano kalakas ang alingawngaw, ang bundoy ay nananatiling bundok, ang lambay ay lambak at ang bato, ay bato. Makinig nang may kababaang-loob, unawaaing malalim ang katotohanan, at magbigay saksi na may katapangan.
 
Makinig upang makaunawa at makaalam, at mabuhay ayon sa katotohanan na iyong nabatid; hindi sapat sa iyo na malaman ang landas, dapat mong tahakin ito.
 
Lilinawin ng Diyos ang mga pahina, subalit kailangang ikaw ang magbasa; tatanglawan ng Diyos ang daan, subalit ikaw ang dapat maglakad. Sinumang umaakyat, umaakyat gamit ang kanyang mga paa at sinumang bumababa, bumababa gamit ang kanyang mga paa.
 
Saanman ikaw makarating, ang mga paa mo ang nagdala sa iyo doon. Maging palaging nakikinig at laging nagsusuri ng budhi. Ulit ang mga pagtantiya bawat araw, baguhin ang iyong buhay at panibaguhin ito. Kung makikinig kang may kababaang-loob maririnig mo at mauunawaan ang katotohanan at ang katotohanan ang magpapalaya sa iyo. Kalagan ang sarili sa mga lubid na nakatali sa iyo: ang iyong mga kaisipan, ang iyong mga sariling paniniwala, at ang iyong mga masidhing damdamin na nagtatali sa iyo tulad ng lubid na nagtatali sa bangka sa pampang. Ang bangka sa pampang ay isang pantalan na nakatali ng mga lubid, na nagbibigay ng kaligtasan subalit pumipigil sa paglalayag. Bayaan mong ang salita ng Diyos ang kumalag sa mga lubid mo, at pumutol sa mga dapat putulin, lubid pagkatapos ng lubid, kahit magdusa ka. Huwag mabuhay sa loob ng iyong mga damdamin at kaisipan, kahit pa nagbibigay ito sa iyo ng kapahingahan at kasiguruhan.
 
Ang kasiguruhan ay isang ilusyon na walang kapayapaan ni Kristo. Ang pahinga ay isang panlilinlang kung hindi ito nasa puso ng Diyos. Huwag matakot na pakawalan ang sarili sa pampang at umalis sa pantalan. Bayaan mong palayain ka ng Diyos, ang Kanyang salita ang maging gabay mo at ang Espiritu ang pumuno sa mga layag mo. At mararating mo ang pampang ng liwanag. Ang bangka ay dapat maglayag sa dagat at hindi manatili sa pampang. Para ang bangka ay makarating sa gitna ng dagat, dapat makalag ang lahat nitong mga lubid, at kahit isang lubig lang ang nakatali, mananatili ito sa pampang.
 
Itago lamang ang mga lubid na pangtali sa iyong mga layag at gagabay sa iyo, kasama ng mga lubid ng pag-ibig at pagsasama na nag-uugnay sa iyo sa iyong kapatid sa sangkatauhan. Ang paglalakbay sa mundong ito ang biyahe tungo sa kabanalan. Ang kabanalan ang kalagayan ng palaging pagbabago mula sa bagay tungo sa liwanag.
 
Manalangin upang makinig, manalangin upang makaunawa at manalangin upang isabuhay ang pananampalataya, ilapat ito at magbigay saksi. Manalangin upang magpanibago sa liwanag. Makinig kalakip ang panalangin, unawain ang katotohanan kalakip ang panalangin, mabuhay at magbigay saksi kalakip ang panalangin. Ang buong buhay mo nawa ay maging panalangin at paglilingkod. Kung magdarasal kang walang paglilingkod, ginagawa mo ang Krus ni Kristo na isang pirasong kahoy lamang sa buhay mo; ang kung maglilingkod na walang panalangin, pinaglilingkuran mo lang ang iyong sarili. Magdasal sa iyong silid. Magdasal kasama ng pamilya mo, at magdasal sa pamayanang ng Simbahan. Magdasal sa silid na kaulayaw ang Diyos; at maililigtas mo ang iyong kaluluwa at bubuksan ang isip mo sa hiwaga ng Diyos. Magdasal kasama ng pamilya mo; at mapangangalagaan mo sila at mailalagay sa puso ng Santissima Trinidad. Magdasal kasama ng Simbahan; at mapangangalagaan ka ng Simbahan at madadala palapit sa kaharian. Ang personal na panalangin mong mag-isa kasama ang Panginoon ang maglalagay sa iyo sa puso ng Diyos , ang panalangin mo sa puso ng pamilya ang maglalagay sa iyo sa puso ng Santissima Trinidad, at ang panalanging pam-pamayanan sa puso ng Simbahan ang magbibigay katibayan sa iyo sa katawan ni Kristo.
 
Ang taong nagdarasal ay nabubuhay sa hiwaga ng pag-iral, samantalang ang taong hindi nagdarasal ay halos hindi nabubuhay. Masanay sa katahimikan; ang uri ng katahimikan na nakikinig, buhay, at malayo sa katahimikan nang kawalan. Masanay sa katahimikan; pandayin ang sarili sa pagmamahal, lumago sa kabanalan. Makinig upang makarining, magpakumbaba upang makaunawa, manalig, at maging matapang na sumaksi, at magmahal upang maging banal.

Ika-Anim Na Karanasan: Ang Pagpapakabanal Ay Isang Pasya

7/11/2024

 
Picture
​Naghahanap ang mga tao ng mga himala upang maniwala at makakita, at ng mga mensahe, upang makarinig at makaalam, at ng isang landas upang malakaran at marating ang kaligtasan at kaligayahan. Ang himalay ay ang Eukaristiya, ang tanda ay ang Krus, ang mensahe ay ang Mabuting Balita, at ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng Simbahan.
 
1 – Ang pinakamahalaga, pinakadakila, at pinakabanal na tanda ay ang tanda ng Krus. Ang krus ang tanda ng pagmamahal ng Diyos sa iyo; ito din nawa ang maging tanda ng pagmamahal mo sa Diyos. Ang tanda ng Krus ay isang tanda ng pagmamahal, hindi tanda ng pagsubok, at ang liwanag nito ay magniningning sa buong mundo.
 
2 – Ang kaligtasan ng sangkatauhan ay sa pamamagitan ng Simbahan. Ang Simbahan ay nagtataguyod ng proyekto ng kaligtasan, na sinimulan ni Kristo 2000 taon na ang nakararaan, at hindi matatapos hanggat hindi katapusan ng mundo. Lahat ng alon ng kasamaan ay hahampas sa bato ng Simbahan. Italaga ang sarili sa Simbahan at sa kanyang mga aral nang buo, at huwag mamili lamang sa mga ito.
 
3 – Ang pinakamahalaga at pinakadakilang mensahe ay ang mensahe ng Mabuting Balita, na nagtataglay ng katuruan ni Kristo. Walang isa man sa Kanyang mga salita ang lilipas bago lumipas ang mundo. Sinumang hindi nakakaalam ng Mabuting Balita ay nananatiling mangmang at nakatira sa kadiliman, kahit pa nasa kanya ang lahat ng kaalaman ng mundo. Sinumang hindi nagsasabuhay ng Mabuting Balita ay hindi nabubuhay. Ang katotohanan ng Mabuting Balita ay palaging nananatili.
 
4 – Ang pinakamahalaga at pinakadakilang himala ay ang Banal na Eukaristiya, ang Katawan ni Kristo, ang Korderong Pampaskuwa na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo, ang buhay na Diyos na muling nabuhay mula sa mga patay.
 
Walang kabuluhan ang paghahanap ng mga mas mahalaga pang tanda kaysa sa tanda ng Krus. Huwag humingi ng mga mensahe na paniniwalaan mong mas mahalaga pa kaysa Mabuting Balita. Huwag maghanap ng iyong kaligtasan sa labas ng Simbahan ni Kristo. Huwag maguluhan, naghahabol ng mga himalang nakama-mangha sa mga mata. Wala nang higit pa sa himala ng Banal na Eukaristiya. Lumayo sa mga mapanlinlang na mahika dahil magdadala ito sa iyo sa kawalan.
 
Iwasan ang tanda na hindi magdadala sa iyo sa tanda ng Krus. Huwag pansinin ang mensahe na hindi nag-uugat sa Mabuting Balita. Tanggihan ang himala na hindi magdadala sa iyo sa Eukaristiya, at sa pamamagitan ng Simbahan, makikilatis mo silang lahat. Sa pamamagitan ng Krus, ikaw ay mapababanal. Nilikha ka ng Diyos upang maging banal at hindi upang mamatay.
 
Ang kabanalan ay hindi nagkakataon lamang, ang kabanalan ay isang pasya. Huwag maghintay na bumaba ito sa iyo mula sa labas; dapat mo itong isabuhay at kamtin mula sa loob. Ang Kaharian ng Diyos ay nasa iyong puso.
 
Ang kabanalan ay biyaya at kalooban; ang biyaya ay mula sa Diyos at ang kalooban ay mula sa iyo.
 
Ikaw ay maaaring maging santo; magsikap na maging tunay na santo.

Ikalimang Karanasan: Walang Pagod Na Paggawa Ng Kabutihan

7/11/2024

 
Picture
​Ang paglalakbay ng sansinukob ay ang lugar na pinagtatayuan ng Kaharian ng Diyos. Mistula itong pinagtatayuan ng isang dakilang templo, na ang mga bato ay inukit mula sa mga bato ng mga tibagan sa mundong ito. Ang mga tao ang mga manggagawa sa tibagan sa kapangyarihan ng Diyos, at sila ang mga tagapagbuo ayon sa Kanyang kalooban. Hinuhukay nila ang mga bato mula sa mga tibagan ng mundong ito at isa-isa silang nagtatayo ng mga istruktura, paunti-unti. Ang Diyos ang nagbibigay ng buhay sa kanila at nagiging mga buhay na bato silang gusali ng templo.
 
Maraming mga tao ang nagtatayo ng kanilang mga templo sa batong hinahango nila at inaangkin bilang kanila. Isa-isa nila itong binubuo, paunti-unti, subalit hindi nila kayang bigyan ang mga ito ng buhay at nananatili itong patay, dahil ang Diyos lamang ang makapagbibigay-buhay. Iniiwan ng mga lumilipas na taong ito ang mga bato, ang mga bato at mga tibagan, at lumilisan mula sa mundo, at ang mga munting templong binuo mula sa mga patay na bato ay nasisira at naglalaho pagdaan ng panahon.
 
Panandalian, hindi nagtatagal ang mga ito, at gayundin ang kanilang mga templo. Tanging ang templo ng Panginoon ang walang hanggan at permanente dahil buhay ito. Buuin ang walang hanggang templo ng Panginoon at maging mga buhay na bato dito; huwag magbuo ng inyong mga pansamantalang munting mga templo mula sa mga patay na bato na papawiin ng panahon. Gumawa na may tiyaga, galak, pagkakakisa, at pagmamahal. Gumawa na may pagtitiis, pagpapakababa at pagsunod sa Panginoon ng templo. Dahil nagbubuo ka kalakip ang Kanyang kapangyarihan, magbuo ayon sa Kanyang kalooban.
 
Walang pagod na gumawa ng mabuti. Huwag maghanap ng pahinga – ang pahinga ay isang malaking panganib sa iyo. Kung makita mo ang isang manggagawang hindi gumagawa ng kanyang trabaho, huwag pintasan o husgahan o alipustahin ito, sa halip, kunin ang iyong piko (pickaxe) o iyong karit (sickle) at patuloy gumawa. Ang gawain mo ang mag-uudyok sa kanyang gumawa din. Ang gusali ay sa iyo at sa kanya. Ang ani ay sa iyo at sa kanya. Lahat ng ito ay para sa Panginoon ng templo at sa Diyos ng ani. Masdan mo ang iyong kapatid gaya ng pagmamasid sa iyong sarili. Nasasaiyo ang lahat ng nakikita mo sa iyong kapatid, dahil bawat tao ay ikaw na may kaunting mga pagkakaiba. Sa halip na magsalita tungkol sa iyong kapatid, puntahan at kausapin siya, o manatili sa mapagmahal na katahimikan. Huwag kailanman humatol o manghusga batay sa nakikita ng iyong mga mata. Huwag husgahan ang tubig na nakikita mo sa palayok, dahil hindi malalaman ng iyong mga mata kung ito man ay matamis o maalat, sariwa o panis. Ang lalagyan ng alak ay pareho sa panlabas, kahit na ang alak sa loob ng mga ito ay magkakaiba. Tumingin sa tulong ng iyong mga mata sa panlabas at tumingin sa tulong ng iyong puso sa panloob. Ang puso ay hindi nanghahatol.
 
Huwag magpanggap na may lubos na kaalaman. Magbuo lamang ng mga templong katumbas ng iyong kaalaman, dahil guguho ang mga ito sa iyong ulo at papatayin ka nito kung magkagayon. Kailangan ng kaalaman ng pagmamahal upang maging pagkilatis. Gaano man ang iyong nalalaman, kung hindi ka nagmamahal, hindi mo maiintindihan, kahit marami ka pang alam. Mas higit ang pagmamahal kasya katalinuhan. Ang katuwiran ng pagmamahal ay mas mataas kaysa sa katuwiran ng katalinuhan. Ang kaalamang walang pagmamahal ay hubad sa Espiritu at mapanganib sa tao. Ang lupa ay isang banal na planeta, kung saan lumakad ang mga paa ng Diyos ng sansinukob at kung saan nagliwanag ang mga ilaw ng Espiritu, at ang puso ng Diyos ay tumitibok para dito.
 
Ang mga tao, sa pamamagitan ng kaalamang walang pagmamahal, ang nagdala sa mundo sa pagkakasakit. Ang pagkain nila ay naging lason sa kanila at ang inumin nila naging uhaw, ang gamot nila naging karamdaman. Sinasakal sila ng kanilang hangin. Ang kanilang pahinga  naging pagod, at ang kanilang kapayapaan, naging pag-aalala. Ang kanilang galak ay kalungkutan at ang kanilang kaligayahan, paghihirap. Ang kanilang katotohanan ay isang ilusyon, at ang kanilang ilusyon, katotohanan. Ang kanilang liwanag ay naging kadiliman.
 
Ang tao ay nagkaroon ng maraming kaalaman at kaunting karunungan. Ang mga teoriya sa isip ng mga tao ay naging tila hamog sa bundok at sa mga kapatagan, hindi nito hinahayaang makakita sila ng anuman: ang kanilang mga teoriya ang mga takip sa kanilang paningin. Tumataas ang kanilang mga gusali, bumababa naman ang kanilang moralidad. Dumadami ang kanilang ari-arian, ang mga pagpapahalaga namay ay nababawasan. Dumadami ang kanilang mga salita at ang kanilang panalangin, kumokonti. Ang kanilang mga interes ay malalim, ang kanilang mga ugnayan ay mababaw. Ang mga palamuti sa bintana ay puno, ang loob ng bahay ay walang laman. Ang kanilang mga lansangan ay lumalapad, samantalang ang kanilang mga pananaw ay kumikitid. Ang mga kalsada ay dumadami subalit hindi naman nagdadala sa kanila sa isa’t-isa. Ang kanilang paraan ng komunikasyon ay madami subalit hindi naglalapit sa kanila. Ang kanilang mga kama ay malaki, matatag, at kumportable subalit ang kanilang mga pamilya ay maliit, watak-watak, at pagod. Sanay silang magmadali pero hindi sanay maghintay. Nagmamadali silang magkaroon ng kabuhayan subalit nakakalimutan nilang tiyakin ang kanilang pamumuhay at ang kanilang mga buhay. Nagmamadali sila sa panlabas at napapabayaan ang panloob.
 
Mga bilanggo, nagmamalaki sa ginhawa ng kanilang mga bilangguan; ligaw, nagyayabang sa layo ng kanilang tinahak; patay, nagmamalaki sa karangyaan ng kanilang mga libingan. Namamatay sila sa gutom samantalang nakaupo sa harap ng kanilang mga saganang kainan, mahirap samantalang nakaupo sa mga kayaman nilang tinabunan. Bakit kayo pumupunta sa ilalim ng lamesa upang kumain ng mga nahulog na mumo, kung nakahain na ang hapag ninyo? Nagsasabog ang mga tao ng mga tinik sa mundo, na ngayon ay malambot at nakakakiliti sa mga paa, subalit kapag lumaki at tumigas, siyang hihiwa at magsusugat sa mga paa ng darating ng mga salinlahi. Nagsisibak kayo ng kahoy, nag-iimbak, nagsusunog, nagpaparikit, tumatalon sa apoy na inyong sinindihan, at nagtataka kayong nasunog kayo? Naligaw na ang sangkatauhan, maysakit na ang tao, at ang mundo ay nasusunog.
 
Ang Diyos ay pag-ibig. Siya ang pakay at gabay ng naligaw na sangkatauhan. Si Kristo ang gamot para sa maysakit, at ang tubig ng binyag sa Espiritu ang pumapatay sa siga ng mundo. Buuin ang bawat kaalaman kay Kristo, lahatng kaalaman na nabuo sa labas ng pundasyon ni Kristo ay wawasak sa iyo. Ang kaalamang walang espiritu ay kamangmangan. Mas lalong tumataas ang gusaling itinayo sa tao, mas lalo ding babagsakan nito ang tao sa ilalim nito.
 
Patuloy na mabubuhay ang tao sa kalungkutan at pag-aalala, at hindi makukuntento o mapapawi ang uhaw niya hanggang matagpuan niya ang sarili niya sa puso ng Diyos. Mag-abot ng kamay sa isa’t-isa, magbatian sa isa’t-isa, magdamayan sa isa’t-isa sa mga salita ng pagmamahal at panghihikayat. Lumabas sa sarili at puntahan ang bawat isa, at yakapin sa pagmamahal ni Kristo. Gumawa sa bukid ng Panginoon na walang pagod at walang pagsasawa. Hayaang ang tunog ng inyong mga piko ang pumuno sa mga lambak at lumunod sa ingay ng mundo, at hayaang ang mga karit ninyo ang magpaalala sa mga tao ng panahon ng pag-aani. Hayaang ang mga panalangin sa Panginoon ang bumiyak sa mga binging bato at magpa-agos sa mga bukal mula dito.

Ika-Apat Na Karanasan: Nariyan Ang Kahinaan Upang Iyong Mapagtagumpayan

7/11/2024

 
Picture
​(Tinangaap ni Raymond ang mensaheng ito sa Biyernes Santo ng 1996)
 
Bawat seradura o padlock ay may susi, at bawat pinto ay may kandado na mabubuksan lamang ng susi nito. Isinarado ng kamatayan ang pintuan ng langit at ikinandado naman ito ng kasalanan. Ang krus ang susi na kumakalag sa seradura ng kasalanan, nagbabakbak ng kandado ng kamatayan, at nagbubukas ng pinto ng langit. Ang Krus ang susi ng pintuan ng langit; walang ibang susi.
 
Ang pinto ng langit ay kung saan nagtatagpo ang langit at lupa, sa tuktok ng Golgota. Ang pintong ito ay malinaw, mahihipo, at makikita, at lahat ng taong may mata ay mamamasdan  ito. Akala ng iba wala itong kandado at bukas sa sinumang tutulak dito. Subalit kapag nilapitan mo ang pinto, mauunawaan mong mayroon itong kandado at mabubuksan lamang ito ng sariling susi.
 
Hindi makikilala ang tunay na susi malibang ipasok ito sa seradura. Isa lang ang tanging tunay na susi: Ang Krus ni Kristo. Huwag nang magpagod na maghanap ng ibang susi maliban sa Krus na nagbubukas ng pinto ng langit, at huwag mag-abalang gumawa ng ibang susi. Maraming tao ang nagsasayang ng buhay nila sa paggawa ng kanilang sariling susi; humuhulma at tumutuklas ng sariling disensyo ng susi, sa paniniwalang ang mga ito ang magbubukas ng pinto para sa kanila. Maraming tao ang nanlilibak sa Krus ni Kristo. Subalit sa pinto ng langit, ang katotohanan ay mabubunyag, at lahat ng susi ay papalya.
 
Lahat ng paglalakbay ng inyong buhay ay tungo sa pintong ito; at sa dulo ng paglalakbay, maaaring taglay mo ang susi at makakapasok ka sa pinto, o tatayo ka doon hawak ang susi na pinag-aksayahan mo ng buhay mo, at ngayon ay bibigo at sisiphayo sa iyo. Tanggapin mo ang Krus ni Kristo, at mahahawakan mo ang susi ng pinto ng langit.
 
Tanggapin mo ang Krus ni Kristo na may galak, determinasyon, at lakas ng loob. Huwag makinig sa mga nanlilibak, huwag tumigil at umiyak kasama ng mga nananaghoy, at huwag manghinayang kapag nakasama mo ang mga nagsisisi. Ang pag-iyak o panghihinayang ay kapwa hindi makagagawa ng kasaysayan ng kaligtasan, at kahit pa pagdagok sa dibdib at pagtangis ay hindi magbubukas ng pinto ng langit. Ang kasaysayan ng kaligtasan ay nagagawa sa pamamagitan ng mga luha ng tunay na pagsisisi. Isang luha ng pagsisisi ay magbubukas ng pinto ng langit. Ang luha ng pagsisisi ay papatak lamang sa pisngi ng isang matapang na tagasunod.
 
Tanggapin ang Krus ni Kristo at tahakin ang kanyang landas, at tulad niya, magiging katabi mo ang Mahal na Birhen. Sa tuwing masusugatan ka, sabihin: “Kaisa ng mga sugat ni Kristo!” Sa tuwing magdurusa ka, sabihin: “Kaisa ng Iyong pagpapakasakit, O Hesus!” At sa tuwing uusigin, lilibakin, at iinsultuhin ka, sabihin: “Para sa Iyong kaluwalhatian O, Panginoon!”
Nariyan ang iyong kahinaan upang mapagtagumpayan mo at hindi upang gawing palusot. Kung tatanggapin mo ang Krus ni Kristo, hindi ka maitutumba ng sakit, ni hindi madudurog ng hirap, at maglalakad ka na may katatagan, pagtitiyaga, at katahimikan. Kapag dumating ka sa pinto, ang galak ng pagtawid mo sa pasukan nito ay hihigit pa sa sakit at pagod ng iyong paglalakbay, at ang kaligayahan ng iyong pagdating ay hihigit pa sa pagdurusa ng iyong paglalakbay.
 
Ang landas mo tungong Golgota ay napakalayo sa puntong  ito sa mundo, at ang Krus ni Kristo sa Silangan ay nasa iyong mga balikat; marami kang kaaway dahil mga kaaway sila ng Krus. Huwag mo silang gawing kaaway. Kausapin mo sila lagi sa lengguahe ng Krus, kahit na mga kaaway mo sila dahil dito. Ang mga darating na mga buwan at taon ay magiging napakahirap, matindi, mapait, at simbigat ng Krus.
 
Tiisin mo sila na may malalim na panalanging may pananampalataya, may pagtitiyagang kalakip ang pag-asa, at may pag-ibig mula sa Krus. Mapupuno ng karahasan ang mundo, masusugatan ng mga kutsilyo ng kamangmangan at poot ang planeta; lahat ng mga tao ay halos susuray sa sakit, lalaganap ang takot sa buong mundo na tila daluyong na hangin, at gayundin ang kalungkutan sa mga puso ng mga tao. Ang mga taong mangmang at puno ng poot ang magkakaroon ng hawak sa kapalaran ng kanilang mga bayan at mag-aakay sa kanila sa paghihirap at kamatayan sa pamamagitan ng bulag na pagkapoot, na tatawagin nilang katarungan, at sa pamamagitan ng madilim na kamangmangan, na tatawagin nilang pananampalataya. Poot at kamangmangan ang mananaig sa buong daigdig. Subalit ikaw, manatili kang matatag sa pananampalataya at pag-ibig.
 
Ang balat ng lupa ay mababago; ikaw, panatiliin mo ang mukha ni Kristo. Ang mga hangganan, pamayanan at sistema ng tao ay mapapawi at maisusulat na panibago, at ang mga bayan ay babagsak dahil sa apoy at bakal. Ang pag-ibig mo nawa ay maging walang hangganan, ang Simbahan ang maging iyong pamayanan, at ang batas mo, ang Mabuting Balita. Maging angkla na gumagabay sa mga naliligaw, walang tahanan, at naghahanap ng tulong. Sa pamamagitan ng iyong mga panalangin, hihingin mo ang habag, at pauulanin mo ng pag-ibig sa mundo.  Manalangin na ang mga matigas na puso ay lumambot, ang maitim na isip ay mabuksan, at ang mga kalamidad at sindak ay mabawasan. Huwag matakot, sa huli, ang liwanag ni Kristo ang sisikat, ang tanda ng Krus ang magniningning, at ang Simbahan ang magsasabog ng liwanag.
 
Manatiling matatag sa iyong pananampalataya kay Kristo at huwag nang matakot, at magtiwala sa Diyos ng Pagkabuhay at buhay; ang Kanyang kaluwalhatian ay laging dumarating.

Ikatlong Karanasan: Ang Gawain Mo Sa Mundong Ito

7/11/2024

 
Picture
​Si Kristo ang daan; manatiling matatag kay Kristo at sundan ang daan, at huwag pabayaan ang anuman na maglayo sa iyo sa Kanya.
 
Tumigil para sa bawat kapatid mo, kahit na sandali, ituro sa kanya ang daan, ituro sa kanya ang liwanag. Kung piliin niyang sumabay sa iyo, pabayaan mo siyang mauna, at kung hilingin niyang hawakan ang iyong kamay, hawakan mo ang dalawang kamay niya. Kung subukan niyang ilayo ka sa daan, o itulak ka pabalik, iwanan mo siya, dahil mahaba ang lansangan at marami ang gampanin; ang gawain mo ay maghasik sa mundo ng panalangin at insenso. Maghasik ng pag-ibig sa mundo. Maghasik sa bato dahil ang mga halaman ay tutubo sa anumang baton a may kaunting lupa. Durugin ang baton a dapat durugin. Patuloy mong basagin ang bato at huwag manghinawa, dahil kung hindi ito mawawasak matapos ang una at ikalawang hampas, mawawasak ito matapos ang isandaan. Huwag mapagod o maiwan sa huli, dahil kung gagawin ito, iba ang dudurog sa bato, mag-aararo, at maghahasik. Naghahasik kapag panahon na at umaani kapag panahon na.
 
Hampasin ang bato at huwag matakot, dahil sa iyo ang braso, subalit ang lupa ay hind isa iyo pati na ang martilyo. Huwag mangyamot, magmaktol, maglikot, o magreklamo. Ang trigo na ginigiik para mahiwalay sa ipa ay hindi nagrereklamo sa bigat ng pang-giik o dahil sa tigas ng lupa, dahil ito ay inihahanda na maging tinapay at pagkain. At ang mga ubas ay hindi naglilikot habang dinidiinan, pinipiga, dinudurog sa mga bato ng pigaan, dahil sila ay nagiging alak at galak. Kung wala ang krus, wala din ang tinapay o alak. Sinumang nais maging tinapay at alak ay dapat magpasan ng krus. Pasanin ang krus at lapitan ang liwanag. Sa mundong ito, kumikilos ang tao mula sa pampang ng kadiliman at kawalang-buhay tungo sa pampang ng walang hanggang liwanag, at dumadaan siya sa mga dagat ng mundo lulan ng isang barko. Ang mga barko ng mundong ito ay marami.
 
1 – Ang ibang barko ay napakaganda, marangya, at kumportable, dahil ang mga layag nito ay humihilig sa hangin at ang mga dambaan nito ay sumasabay sa mga alon. Hindi sila nakaharap sa hangin man o mga alon. Wala silang direksyon man o destinasyon. Maraming tao ang nagmamadaling sumakay sa mga barkong ito, dahil wala na silang nakikitang iba sa mundong ito kundi ang paglalakbay, at ang tanging nais nila ay ang paglalayag nila ay maging kaaya-aya at ang kanilang paglalakbay ay maging maginhawa. Subalit walang paglalakbay sa dagat na ito na nagtataglay magpakailanman; natatapos ang paglalayag, at ang mga pasahero ng mga barkong ito ay humahantong sa ilalim ng dagat, malapit sa pampang kung saan sila umalis.
 
2 – Isa pang uri ng barko ay ginawa mula sa manipis na layag at mahinang kahoy. Ang mga barkong ito ay nasisira agad kapag nasa gitna ng dagat, kung saan ang mga alon ay matataas, at ang mga bagyo ay nagiging malakas, at ang mga pasahero ay humahantong sa isang lugar sa ilalim ng dagat.
 
3 – Ang ikatlong uri ay mga barkong ginawa mula sa matibay na kahoy at buong layag na tila maganda at kaakit-akit. Subalit ang kapitan ay isang impostor na nagdadala sa mga pasahero mula sa isang pampang ng kamatayan tungo sa iba pa. Kaya, ang mga pasahero ng mga barkong ito ay humahantong sa pampang ng kamatayan kung saan hindi na sila makababalik.
 
4 – At nariyan ang barko ng Panginoon, na mayroong matibay na kahoy at makapal na mga layag, at ang kapitan ay puno ng karunungan, lakas ng loob, at pagmamahal. Ang barkong ito ay naglalayag sa malalim na dagat nakaharap sa mga malalakas na bagyo at hangin, at sinasagupa ang mga matataas na alon sa laot. Ang paglalakbay sa barkong ito ay magalaw, subalit ang pagdating naman ay tiyak.
 
Kumapit sa barko ng Panginoon; huwag matakot sa mga bagyo at matataas na alon. Huwag hayaang maakit ng mga marangya at kumportableng barko na sumakay dito, dahil hindi sila nakararating sa paroroonan. Isipin lamang ang destinasyon at hindi ang paglalakbay. Huwag hayaang maaliw sa pusod ng dagat at mahila pababa. Ang dagat ng mundong ito ay para maglayag at hindi para sumisid. Hindi ka maaaring sabay na nasa barko at nasa ilalim ng tubig dagat, o nasa dalawang barko nang sabay.
 
Kumapit sa barko ng Panginoon at tulungan ang iyong mga kapatid na kumapit din kasama mo: Sa bawat pantalan na mararating, anyayahan ang mga tao na makilakbay sa iyo upang maibahagi mo sa kanila ang pagdating sa paroroonan. Sabihin mo sa kanila ang iyong barko at kapitan at ang pampang ng liwanag. Subalit, maging tiyak na hindi ang sasabihin mo ang siyang magpapasakay sa mga tao sa barko ng Panginoon, kundi ang iyong pagmamahal sa bawat isa at ang iyong pagmamahal sa kapitan at ang iyong tiwala at pananalig sa Kanya, at ang kalagakan sa inyong mga mukha.
 
Maging tiyak din na ang paglalakbay sa barkong ito ay magtatapos lamang sa pampang ng liwanag upang magpatuloy kasama ng liwanag, dahil ang tao ay nilalang-kosmiko na ang hangganan ay ang liwanag, at hindi nilalang-makamundo na ang hangganan ay lupa at tubig. Ang tao ay alabok at liwanag: Sinumang namumuhay sa alabok ay babalik sa alabok at mamamatay sa alabok. Sinumang nabubuhay sa liwanag, magbabalik sa liwanag at mamumuhay sa liwanag. Huwag magpakulong sa mundo, dahil ang dulo ng iyong tinubuang-bayan sa mundong ito ay ang dulo ng dagat at ang simula ng langit. Huwag paalipin sa mundo; maging malaya. Ang kalayaan ay tanging iyong kalayaan sa kasalanan; kung ikaw ay malaya sa kasalanan, ikaw ay malaya, at walang makapang-aalipin sa iyo. Subalit kung ikaw ay alipin ng kasalanan, ikaw ay laipin kahit pa hawak mo ang tungkod ng hari sa iyong kamay.
 
Panatiliin ang biyaya ng pagmamahal at ang tanda ng pagpapakumbaba. Maging tunay ng mga saksi ni Hesukristo. Harapin ang kasamaan ng pagmamahal, subalit huwag gamitin ang pagmamahal na dahilan upang iwasan ang kasamaan; ang magsasaka ay hindi tumitigil sa pag-aararo dahil mabato. Huwag matakot, sisirain ng kasamaan ang sarili nito.
 
Ganap na italaga ang sarilii sa Simbahan at sa kanyang mga turo, at magpunyagi sa panalangin. Igalang ang ating Ina, ang Mahal na Birheng Maria, at kasangkapanin ang Rosaryo, dahil ang pangalan ng Birheng Maria ay nagpapalayas ng kadilimin at dumudurog sa kasamaan.
 
Maging tila monghe sa inyong puso sa mundong ito, kahit na wala kayong suot na abito. Maghasik sa mundo ng panalangin at insenso. Maging mga banal at pabanalin ang mundo. Ang daan ng kabanalan ay mahaba subalit tiyak na kung ang mga kaisipan ng Diyos ang nasa inyong isip at ang pagmamahal ng Diyos ang nasa inyong puso, ang lakas ng Diyos ay mapapasainyong mga bisig at kayo ay makararating sa hantungan. Mapanatag na anumang ang iyong dasalin, ipagdarasal ko kayo, upang kayo ay maging banal, at ang pangalan ng Panginoon ay luwalhatiin.

Ikalawang Karanasan: Mamamatay Ang Tao Kung Hindi Siya Mababago Ng Pag-Ibig

7/11/2024

 
Picture
​Bakit pababa ang direksyon ng tao gayong ang daan tungo sa Diyos ay paitaas? Nagpapasan ang mga tao ng maraming dalahin at pabigat na bumabali sa kanilang likod; nakasubsob na ang noo sa lupa, at hindi na sila makatayo nang tuwid at maiangat ang ulo upang mamasdan ang mukha ng kanilang Panginoon. Sinisikap nilang palayain ang sarili at isa’t-isa sa kanilang mga pasanin; inihahagis nila ito sa isa’t-isa at pinabubuhat sa kanila, na lalong nagpapabigat ng dalahin.
 
Tanging si Hesukristo lamang ang makapapalaya sa mga tao sa kanilang  mga karga, dalahin, at pabigat, dahil hindi kaya ng isang alipin na palayain ang isa pang alipin. Ipinanganak ang tao na nakatali ng mga lubid at tanikala at nakakadena sa mga bigkis kung saan siya pinalalaki at nabubuhay, at marami ang namamatay na doon.
 
Nasasanay na ang mga tao sa mga bigkis na ito, na nagiging bahagi ng kanilang buhay, kaya mahirap na silang sagipin mula sa pagkakataling ito. Ang ningning ng mga tanikala ay nakaaaliw sa kanila kaya hindi na nila nakikita ang mukha ng Panginoon, at ang tunog ng kanilang kadena ay nakabibingi na hindi na tuloy nila madinig ang tinig ng kanilang Panginoon. Nagmamalaki sila sa ningning ng kanilang tanikala, na nakakapilay sa kanila, at nagigiliw sila sa taginting ng mga kadenang nakatali sa kanila. Ang kadena ay kadena, gaano man ito kakintab, at ang tanikalang nakatali sa iyo ay mananatiling tanikala ng pagka-alipin, kahit pa gawa ito sa ginto. Sa halip na pakintabin ang kadena, basagin ito, at sa halip na gumawa ng musika sa taginting ng iyong mga tanikala, kalasin mo ito at lumaya ka sa lahat ng mga ito.
 
Naghihirap ang Panginoon kapag nakikita ang mga taong dahilan ng kanyang pagkakatawang-tao upang mapalaya sa kadena bilang mga alipin, na naghahanap ng kaligayahan sa mga lugar kung saan hindi ito matatagpuan. Upang magibgay buhay at walang hanggang kaligayahan sa mga taong ito kaya siya namatay at muling nabuhay.

  • Ang kaligayahan sa mundong ito ay wala sa mundong ito. Kung mula ka sa mundo, dito ka lamang mananatili.
  • Ang kaligayahan ay wala sa mga bato. Ang mga bato ay hindi nagbibigay ng kaligayahan. Bakit naghahanap ang tao ng ginto? Upang bigyang halaga ang sarili? Mas higit na mahalaga ang tao kaysa ginto, ang tao ay anak ng Diyos; ang halaga niya ay likas. Hindi kayang palayain ng ginto ang tao mula sa kanyang mga kadena; kaya lamang nitong pakintabin ito.
  • Ang kaligayahan ay hindi din matatagpuan sa ibang tao, dahil hindi nila kayang ialay ang kaligayahan na hindi nila taglay, at walang makapagbibigay ng hindi nila pag-aari.
 
Tanging si Hesukristo lamang ang makapagbibigay ng tunay na kaligayahan. Subalit, naging hambog ang mga tao, nakatira sa aspalto at semento. Ang mga isip nila ay naging aspalto, at ang kanilang mga puso, semento. Nagbubunga lamang ang mga isip nila ng madidilim at malalagim na kaisipan, at ang kanilang mga puso ay naging matigas, malupit, at walang pagmamahal. Naging bagay na lang ang mga tao na walang espiritu, at iba sa kanila ay mga batong kumikilos na naghahasik ng mabahong amoy. Naging hambog ang mga tao at pinipilit nilang makatagpo ng kaligayahan sa kasalanan. Ang kasalanan ay nagbibigay lamang sa kanila ng pagkabagabag, kalungkutan, paghihirap, at kawalang-laman. Ang mga tao ay naging hambog; nagyayabang sa sarili nila, nagyayabang sa iba at nagyayabang sa Diyos. Hindi kaya nila alam na kaya silang gawin ng Diyos na alabok sa isang kislap ng kidlat?
 
Subalit dakila ang pagmamahal ng Diyos. Lubhang mahal tayo ng ating Panginoon dahil tayo ay mga anak Niya, at ginawa Niya tayong ilaw ng daigdig.
 
Bawat tao ay isang sulo ng liwanag; nilikha siya ng  Panginoon upang tanglawan ang daigdig. Bawat tao ay isang lamparang gawa ng ating Panginoon upang magningning at magbigay ng liwanag. Sinumang tumatanggap ng lampara, tumatanggap nito upang tanglawan ang kadiliman. Ang lampara ay ginawa upang tanglawan ang kadiliman. Subalit ang mga lamparang ito ay abala sa kanilang panlabas na lalagyan; kinukulayan nila ang kanilang lagayan, pinipinturahan ito, pinapalamutian ito, at pinagaganda ito. Ang mga lalagyang ito na ginawa ng ating Panginoon na manipis at malinaw upang pangalagaan ang liwanag, ay naging makapal at matigas, at humaharang sa liwanag, at kaya nalublob ang daigdig sa kadiliman. Ang mga lamparang ginawa ng ating Panginoon na magdala ng liwanag, at tumanglaw sa daigdig, ay naging mga likha ng sining, may dekorasyon, may palamuti, at nakulayan subalit hindi na kayang magbigay ng liwanag. Ang ang saysay ng isang lamparang hindi kayang magpailaw sa dilim? Hindi makikita ang lampara sa dilim kung hindi ito magniningning ang ilaw nito. Anumang ganda ng lampara, higit na maganda ang ilaw.
 
Nalulublob ang daigdig sa dilim, at nagaganap ito habang kayo ang liwanag ng mundo. Ang salamin ninyo ay dapat mabawi ang linaw upang makapagbigay kayo ng liwanag sa daigdig at makamit ang hangarin kung kaya kayo nilikha ng Diyos.
 
Nilikha ng Diyos ang bawat nilalang upang tumupad ng layunin ng pag-iral nito. Masdan mo ang mga nilalang ng mundong ito; bawat isa ay tumutupad sa tungkulin nito na may tumpak at buo, at wala isa man ang kulang-palad. Ang pinakasawimpalad na nilalang sa balat ng mundo ay mas masaya kaysa sa makasalanan. Sa araw ng pagtutuos, ang makasalanan ay hindi mag-aalala sa matinding  pagtutuos kundi mapapahiya siya sa harap ng kadakilaan ng pag-ibig ng Diyos, ang pag-ibig na lumikha sa sansinukob at nagbigay buhay. Ang pag-ibig ang tanging kayamanan na inipon mo sa mundong ito, at nananatili sa iyo hanggang sa kabila.
 
Lahat ng kayamanan, salapi, luwalhati, at tagumpay na akala mo ay sa iyo sa mundong ito at pinaniwalaan mong pag-aari mo ay mananatili sa mundong ito; kahit ang mga buto mo ay hindi sa iyo. Tanging pag-ibig lamang ang sasama sa iyo sa kabilang buhay, at sinumang haharap sa Panginoon na walang pagmamahal ay mamamatay sa hiya, at iyon ang magiging sandali ng kanyang tunay na kamatayan.
 
Namamatay ang tao kung hindi siya nagiging pag-ibig, dahil ang Diyos ay pag-ibig, at tanging pag-ibig ang walang hanggan. Maghari nawa ang pag-ibig sa inyong mga puso at ang kababaang-loob ang gumabay sa inyong mga isip. Manalangin at magsisi. Manalangin kay Hesukristo at diringgin Niya kayo; buksan ang inyong puso sa Kanya, at papasok Siya dito, at daratal ang kapayapaan doon. Subalit manalangin nang buong puso. Huwag umusal ng mga salita mula sa mga labi gayong ang puso ninyo ay nasa ibang lugar. Batid ng Panginoon ang nasa puso ninyo at nais Niya ang ang mga puso ninyo.
 
Huwag magpagod sa paghahanap ng katotohanang malayo kay Kristo. Walang katotohanan maliban kay Kristo. Si Kristo ang katotohanan, at kapag kilala ninyo si Kristo makikilala ninyo ang katotohanan at lalaya kayo, at gusto ni Kristo na lumaya kayo. Huwag matakot; maging matapang at maging tiyak at malakas ang loob na nilupig na ni Kristo ang daigdig.

Unang Karanasan:  Si Kristo Ang Katotohanan Ng Pag-Ibig Na Nagkatawang-Tao

7/11/2024

 
Picture
Bago pa ang simula, nariyan na ang pag-ibig. Lahat ay nagkaroon ng pag-iral (existence) sa pamamagitan ng pag-ibig, at kung walang pag-ibig, anumang nagkaroon ng pag-iral mula sa simula, o kahit ngayon, o kahit kailanman, ay hindi magaganap. Sa simulang-simula ay pag-ibig. Ang batayan ng sansinukob (universe) – ng mga batas at panuntunan nito – ay pag-ibig. Kapag natapos ang lahat, tanging pag-ibig lamang ang maiiwan; lahat ng nasa labas ng pag-ibig ay lilipas.
 
Ang Diyos ay pag-ibig. Ang Diyos ay katotohanan. Ang Diyos ang tunay na pagmamahal. Ang daigdig ng Diyos ay daigdig ng pagmamahal; ito ang daigdig ng katotohanan, at walang katotohanan sa labas ng pag-ibig. Hindi magkakaroon ng katuparan sa tao maliban sa pamamagitan ng pag-ibig, at hindi niya mararating ang katotohanan maliban sa daigdig ng Diyos. Ang tao ay para sa Diyos; siya ay anak ng pag-ibig, anak ng Diyos, at ang tunay niyang tahanan ay ang daigdig ng Diyos.
 
May landas patungo sa daigdig ng Diyos, at ang landas ay si Kristo. Si Kristo ang katotohanan ng pag-ibig na nagkatawang-tao. Siya ang pagpapahayag ng katotohanan ng buhay, at Siya ang daan patungo sa daigdig ng Diyos.
 
Bawat tao, sa kanyang paglalakbay sa mundong ito tungo sa kabila, ay tinatawag na sumunod sa landas. At tulad ng ibang paglalakbay sa mundong ito, ang isang tao ay dapat magdala ng mga kakailanganin at sandata sa kanyang paglalakbay sa ibang mundo. Ang tanging kinakailangan sa paglalakbay na ito ay pag-ibig, at ang tanging sandata ay pag-ibig. Ang pag-ibig na ito ay dapat yumakap sa lahat ng tao, huwag maghintay ng kapalit, walang anumang hangganan, at wala dapat anumang kondisyon. Ganito magmahal ang Diyos sa inyo, kaya magmahalan kayo ng parehong pagmamahal, ng pagmamahal ng Diyos.
 
Hindi maibibigay ng tao sa sarili niya ang pag-ibig na ito subalit matatanggap lamang niya ito mula sa Diyos, sa pamamagitan ni Hesukristo, na mapuno ng pag-ibig na nito, sa espiritu. Magaganap ito sa pamamagitan ng panalangin. Tanging sa pamamagitan ng panalangin matatamo mula sa Diyos Ama, ang bukal ng pag-ibig, sa pamamagitan ng Diyos Anak, si Hesukristo – Pag-ibig na Nagkatawang-tao – at ang pag-ibig na ito ay ang Espiritu ng Diyos sa kalooban ng tao. Manalangin na makamit ang pag-ibig, na mahalin ang lahat ng tao na walang kabayaran, walang hangganan, walang kondisyon, tulad ng Diyos na nagmamahal, at magiging mga Anak kayo ng Diyos. Nagmula ang tao sa puso ng Diyos at babalik siya sa puso ng Diyos.

Ang Karanasan Ni Raymond Nader Kay San Sharbel

7/11/2024

 
Picture
​Si Raymond Francis Nader ay isang Maronite Catholic Christian na isinilang noong 1961; may-asawa siya at tatlong anak. Nagtapos siya ng kursong Electro-Mechanical Engineering mula sa Saint Joseph University sa Beirut. Sa London, nagpakadalubhasa siya sa nuclear physics at nagtrabaho sa larangan ng mga advanced technology.
 
Mula pagkabata, namangha na siya sa kasaysayan ng sangnilikha (creation) at ng sansinukob (universe).
 
Noong digmaan sa Lebanon (1975-1990), bumalik si Raymond sa Lebanon upang makapiling ang mga magulang at mga kababayan niya. Nagpalista siya sa Lebanese Christian Forces ang nakiisa sa iba’t-ibang mga digmaan sa pagtatanggol ng pamayanang Kristiyano. Tumaas ang kanyang rangko at naging Commander ng paaralan ng mga opisyal.
 
Nang matapos ang digmaan, nagbalik siya sa buhay sibilyan at nagtrabaho bilang CEO ng isang kompanyang Swedish sa Beirut.
 
Mula 1985, nakaugalian na niyang magdasal at dumalo sa spiritual retreat kung saan nagalalaan siya ng panahong manalangin at magnilay. Isa sa mga lugar na kanyang pinupuntahan ay ang bahay-ermitanyo (hermitage) ni San Sharbel, na nasa Annaya, Lebanon.
 
Noong gabi ng ika-10 ng Nobyembre 1994, nagdarasal si Raymond sa labas ng bahay-ermitanyo ni San Sharbel kung saan napakalamig. Habang nagdarasal, pinagkalooban siya ng bagong karanasan ng pagmamahal at pagka-Ama ng Diyos, at ng Kanyang pagkalinga. Narito ang kanyang salaysay sa naganap:
 
“Nagdarasal ako, tulad nang nakaugalian ko na ng ilang taon, at sa pagkakataong ito sa harap ng bahay-ermitanyo ni San Sharbel sa Annaya. Nakita ko ang sarili ko sa ibang mundo… tumigil ang lahat. Hindi ko na makita ang mga nakasinding kandila, o ang mga puno, o ang lupa. Wala akong madinig na anumang tunog. Hindi ko maramdaman ang aking katawan. Nagsimula akong makita – subalit hindi ng mga mata – ang mga bagay na hindi ko nakita sa aking buhay. Napatigil ang pandinig ng aking tainga, subalit nagsimula kong madinig ang mga bagay na hindi ko pa nadinig noon. Nagsimulag maramdaman ko sa aking puso ang hindi ko pa naramdaman dati na tila ang puso ko ay hindi na gawa sa laman at dugo. Nakakita ako ng kakaiba at kamangha-manghang Liwanag na hindi tulad ng ibang liwanag na aking nakita na; isa itong dagat ng liwanag na kalat mula sa isang dulo ng sansinukob hanggang sa kabilang dulo. Magmimistulang munting kandila ang araw kung ihahambing sa Liwanag na ito. Hindi ito natural na liwanag; kahit pa malakas hindi ito nakasisilaw o nasusunog. Ang Liwanag ay banayad at payapa, mahinahon, subalit malakas at makapangyarihan din naman. Kulay kristal ito ay sobrang linaw at busilak na Liwanag. Naramdaman kong tila ako isang munting patak ng tubig, lumalangoy sa napakalawak na dagat ng kahanga-hangang Liwanag na kristal. Naramdaman kong lubha akong ligtas tulad ng isang munting sanggol na tiwalang naglalangoy sa tubig sa loob ng sinapupunan ng kanyang ina. Naramdaman ko ang hindi maipaliwanag na kagalakan at lubhang pagkamangha!
 
Naramdaman kong para bagang nakatayo, nakaupo, o lumalangoy o iba pang hindi ko mawari. Tila ako ay nasa harap ng isang dakilang bagay o nasa puso ng isang napakalakas at kahanga-hangang bagay. Ang presensyang ito ay ang kaganapan ng kapangyarihan, kaalaman, habag, at pagmamahal. Naramdaman kong tila nakaugnay ako sa isang bagay samantalang, sabay nito, nakaugnay ako sa lahat ng nilalang sa sansinukob. Tila ang buong sansinukob ay naging isa at bahagi ako nito. Tila ang sansinukob ay natunaw sa Liwanag na ito, at gayundin ako. Pagkatapos, nakipagtalastasan ako sa Liwanag. Nakipag-usap ito sa akin na walang mga salita, walang tinig, walang wika, subalit sa paraang malinaw pa kaysa anumang mga salita, at mas mahusay pang magsalita sa anumang wika. Ang Liwanag na ito ay tahasang nakikipag-usap sa aking kaluluwa at tahasang nagsasalita sa aking isip at puso – na hindi dumadaan sa aking tainga o aking mata o anumang makamundong pandama ko, na hindi ko na nga napapansin pa.”
 
Sinabi ko sa sarili ko, “Baka nananaginip ako.” Tumugon siya sa Kanyang paraan at sa Kanyang wika, na walang mga salita, tunog o wika. Ipinaunawa niya sa akin – sa malinaw na paraan na hindi magkakamaling isalin o unawain o ipaliwanag – na hindi ako nananaginip. Subalit, patuloy kong sinasabi sa sarili, “Tiyak na ako ay walang malay.” Sa parehong kamangha-mangha at malinaw na paraan ipinaliwanag Niya sa akin na ako ay nasa taluktok ng kamalayan at na hindi ko pa narrating sa aking buhay ang antas ng pagkamulat sa aking buhay tulad ng nararanasan ko sa sandaling ito. Tila ba sinasabi Niya sa akin: “Mas higit kang mulat ngayon kaysa sa dati mo nang naranasan sa iyong buhay. Ikaw ay nasa pinakamulat na sandali ng iyong buhay.”
 
Pagkatapos napag-isip ako: Nasaan baa ko? Ano ang Liwanag na ito? Sino itong nakikipag-usap sa akin? Sa sandaling iyon, nadama ko ang kahanga-hangang pakiramdam na kayang madama ng isang tao: napakalubhang kapayapaan, isang hindi maipaliwanag na kagalakan, isang matindi at lubos na kaligayahan. Ito ay isang ganap at kamangha-manghang kalinawan, isang dalisay at malakas na pagmamahal na milyong beses na higit sa pagmamahal na nasa puso ng lahat ng mga tao na pinagsama-sama… isang dakila at pambihirang pagmamahal, subalit hindi tulad ng sa tao, iba ito doon. Isang dakilang banal na pagmamahal na tanging ang Liwanag na ito ang maaaring magkaloob.
 
Habang nalulunod ako sa magandang pakiramdam, at lubos na natunaw dito, “nadinig” ko Siyang nagsasabi sa akin: “Ito ako.” Tila ba napakatagal ko na Siyang kilala, mula pagsilang, o maaaring kahit bago pa ako isilang. Naramdaman kong tila kilala Niya ako nang lubos mula pa sa sinapupunan ng aking ina at bago pa doon. Tila alam Niya ang bawat atom ng aking katawan; at alam Niya bawat cell ng aking utak. Tila ba alam Niya lahat ng kaisipan ng aking kaluluwa, at ang aking mga pakiramdam nang higit pa sa akin. Naramdaman kong lubha akong hubad sa harapan Niya at naramdaman kong tumagos ang Liwanag mula sa isang gilid ng aking katawan patungo sa kabilang gilid nito. Walang aninong nagmumula sa Liwanag; tumatagos siya sa lahat ng bagay… naramdaman kong pumasok siya sa bawat sulok ng aking puso.
 
Ninais kong manatili ang Liwanag na ito nang palagian. Ninais kong manatili sa Kanya lagi at kung nais man Niyang umalis, na sana dalhin Niya ako kasama Niya. Subalit tumugon Siya sa Kanyang paraan na tila sinasabi sa akin: “Narito ako lagi at sa lahat ng lugar; hindi Ako lumalayo. Lagi Akong nasa panahon, at sa labas nito; nasa lugar at sa labas nito.”
 
Tumagal nang apat na oras ang karanasang mistiko na ito. Pinilit ni Raymond na bigyang saysay ang lahat ng naganap sa kanya, subalit hindi niya makaya, dahil patuloy na naglagablab sa puso niya ang kaaya-ayang pakiramdam. Pinulot niya ang kanyang Bibliya, mga kandila, at ibang ari-arian at tumungo sa kotse. Paliwanag niya:
 
“Kalapit ng estatuwa ni San Sharbel, may naramdaman akong mainit sa aking kaliwang braso. Kumati ito at akala ko ay may kumagat sa akin. Umiinit ang aking braso kahit na ang buong katawan ko ay malamig. Nang makarating sa kotse, hinubad ko ang aking pangginaw at itinaas ang aking manggas.
 
Nakita ko ang (tatak) ng limang daliri sa itaas ng aking braso. Nakaukit itong tila kamay sa aking braso at napapalibutan ng pulang sinag na tila ba itinatak sa pamamagitan ng apoy. Subalit wala akong ibang nadama kundi mainit. Nagmaneho ako pauwi. Nang makita ng asawa ko ang aking braso, nag-Krus siya at tinanong ako kung kaninong kamay (ang nakatatak). Napanatag ako. Hindi ko na kailangan pa ng patunay. Ang naganap sa akin ay tunay!”
 
Ang mapaghimalang tatak sa kanyang braso at sa kanyang puso ang nagpabago sa kanyang buhay. Ipinasailalim ni Raymond ang kanyang sarili sa awtoridad ng Simbahan at sumunod sa pakiusap na idokumento ang pangyayari, matapos siyang dumaan sa pagsusuri ng katawan at isip.
 
Tatlong beses na sinuri ni Dr. Nabil Hokayem, isang plastic surgeon sa Beirut, ang braso ni Raymond (1994, 1995 at 1996). Sa kanyang opinyong propesyunal, ang tatak ay isang third-degree burn na sumunog sa kapwa itaas at ibabang suson ng balat. Sinabi ng doktor na noong una niya itong makita, nais niya sanang gamutin at balutan tulad ng karaniwan, subalit tumanggi si Raymond, dahil hindi naman daw siya naaabala nito. Bukod sa hindi masakit, paliwanag ng doktor na hindi pangkaraniwan na ang paso ay hindi nag-iwan ng peklat, kundi dahan-dahan lamang na naglaho hanggang “tuluyan nang gumaling.”
 
Kumbinsido si Raymond na si San Sharbel ang nagtatak sa kanyang braso upang tiyakin sa kanya na ang kanyang karanasan ng presensya ng Diyos ay tunay tulad ng tatak na nasa kanyang braso. Matapos ang limang araw ang sugat ay ganap nang naghilom sa sarili nito, at hindi nag-iwan ng peklat.
 
Matapos ang natatanging karanasang espirituwal na ito, itinalaga ni Raymond ang kanyang buhay sa paglilingkod kay Kristo. Noong 1995, kasama ang isang grupo ng mga layko at mga pari, monghe, at madre, itinatag niya ang isang prayer group sa Annaya sa ilalim ng pangalang “The Family of Saint Sharbel.” Nagtitipon sila tuwing Biyernes nang gabi para sa Bible study, pagdiriwang ng Divine Liturgy (Banal na Misa), at saka may prusisyon patungo sa bahay-ermitanyo ni San Sharbel, habang nagro-Rosaryo at nagninilay sa Salita ng Diyos.
 
Libu-libo ang sumapi sa “Family of Saint Sharbel” mula 1995, sa ilalim ng patnubay ng Maronite Catholic Church at kumalat ito sa ibang bansa. Ang pangunahing layunin nito ay ang tunay na isabuhay ang Mabuting Balita, ang mga aral ng ating Panginoong Hesukristo at ng Simbahang Katoliko. Matapos ang siyam na taon ng karanasan at masusing pagmamatyag ng Simbahan (ayon sa batas sa pagtanggap ng mga bagong grupo sa Simbahan), ang Family of Saint Sharbel ay tumanggap ng opisyal na pagkilala bilang isang “ecclesial community” noong 2010.
 
Noong 1996, sumapi si Raymond sa Tele Lumiere, ang Christian TV station sa Lebanon, na nagsasahimpapawid sa Middle East at sa buong mundo. Siya ang Executive Director ng Tele Lumiere sa satellite channel nitong tinatawag na Noursat.
 
Mula 2000 naglalakbay si Raymond sa buong mundo upang ipakilala ang Tele Lumiere at Noursat at nagsisikap siyang palawakin ang mararating ng istasyon sa buong mundo, pinauunlad ang mga program at mga kagamitan, at nagtatatag ng Family of Saint Sharbel groups (USA, Poland, Ukraine, UK, France, Australia, atbp.), habang matibay na naniniwalang ang mensahe ni Kristo ng pagmamahal, kapayapaan, at pagkaka-unawaan ng mga tao ay dapat makarating sa lahat ng puso sa daigdig na ito.
 
Noong 2007, nang matigatig ng mensahe ni Saint Pope John Paul II, na “ang Lebanon ay higit pa sa isang bansa, ito ay isang Mensahe,” itinatag ni Raymond ang “Liban Message Movement” (Lebanon the Message Movement) na may layong kumilos para sa pagkakasundo at pagbubuo ng tulay sa pagitan ng mga magkakaibang partidong Lebanese na napaghiwalay ng digmaan. Bilang pangulo ng Family of Saint Sharbel, pangulo ng Liban Message Movement, at executive director ng Noursat, itinalaga ni Raymond ang buhay sa paglilingkod sa Panginoon, sa pangangalat ng Kanyang Mabuting Balita, at sa pagtawag sa mga tao na tumugon sa tawag ng Diyos sa bawat isa na tuparin ang Kalooban ng Diyos sa kanilang buhay, na walang iba kundi ang pagiging banal sa pamamagitan ng pagsunod sa halimbawa at mga turo ng Panginoong Hesukristo.
 
Hanggang nitong 2020, ang mga pakikipagtagpo ni Raymond kay San Sharbel ay naulit nan ang 100 beses. Lahat ay naganap sa Annaya sa Lebanon maliban sa dalawa na naganap sa simbahan ng Most Holy Trinity Monastery sa USA. Sa mga karanasang ito, ang tatak sa kanyang braso ay nauulit isa o dalawang beses bawat taon. Nakatanggap na din siya ng mga 45 mensahe, at labing-anim dito ay nailathala na.
Forward>>

    Mga Karanasan

    Ang Karanasan Ni Raymond Nader Kay San Sharbel
    Unang Karanasan
    Ikalawang Karanasan
    ​Ikatlong Karanasan
    Ika-Apat Na Karanasan
    ​Ikalimang Karanasan
    Ika-Anim Na Karanasan
    Ikapitong Karanasan
    Ikawalong Karanasan
    Ikasiyam Na Karanasan
    Ika-Sampung Karanasan
    ​Ika-Labing-Isang Karanasan
    ​Ikalabing-Dalawang
    Karanasan

    ​Ikalabing-Tatlong Karanasan
    ​Ikalabing-Apat Na Karanasan
    Ikalabing-Limang Karanasan
    Ikalabing-Anim Na Karanasan
    ​Mga Sipi Mula Sa Nalalabing Lima Pang Mensahe

Pamilya ni San Sharbel USA
​9340 Braymore Circle, Fairfax Station, VA 22039
  • San Sharbel
    • Talambuhay
    • Mga Himala
    • Mga Patotoo >
      • ​Patotoo Ni Maria G. Foley
      • Patotoo Ni Olivier Giroud-Fliegner
      • Patotoo Ni Georgette Larose
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Margaret Bieser
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Homer Wiggins
      • Ang Himalang Pagpapagaling Kay George Pospisil
    • Mga Panalangin
  • Mga Karanasan
  • Tungkol sa Amin
    • Paliwanag sa Logo
  • Mag-donate
  • Mga wika1
    • English
    • Español
    • Português