Paliwanag sa Logo ng Pamilya ni San Sharbel

Logo ng Pamilya ni San Sharbel
Bahagi ng logo: Ang Pamilya

Ang Pamilya

Nakasulat sa malikhaing Arabic, sumasagisag sa pangalan ng pamayana at sa bukod espirituwal at pamilya.

Bahagi ng logo: Ang Talukbong ng Monghe (Iskeem)

Ang Talukbong ng Monghe (Iskeem)

Ang talukbong ng monghe ay sagisag ni San Sharbel, ama at patron ng Family. Kumakatawan din ito sa mga monghe na siyang mga saksi sa isang buhay na nakatalaga sa, at radikal na pagsasabuhay ng Ebanghelyo.

Bahagi ng logo: Ang Barko

Ang Barko

Ito ang barko ng kaligtasan, at sagisag ng Iglesiang Banal, Katolika at Apostolika.

Bahagi ng logo: Ang Isda

Ang Isda

Gamit ng mga sinaunang Kristiyano, ang isda ay tanda ng ating Panginoong Hesukristo, ang Panginoon at Tagapagligtas (Ichtus sa Griyego).

Bahagi ng logo: Ang Krus

Ang Krus

Ang Krus ay sagisag ng pagmamahal ng Diyos at ng nagtutubos na sakripisyo ng Kanyang Kaisa-isang Anak, ang Panginoong Hesukristo – ang tanda ng lubos, malaya, walang hangganan at walang kondisyon na pagmamahal.

Bahagi ng logo: Ang Espiritu Santo

Ang Espiritu Santo

Ang Diyos Espiritu Santo ang buklod ng pagkakaisa at ng pagmamahal ng Family at ang batayan nito.

Bahagi ng logo: Ang Banal na Kasulatan

Ang Banal na Kasulatan

Ang Banal na Kasulatan ang naglalaman ng karanasan ng tao sa piling ng Diyos, sa mga aral ng Panginoong Hesukristo, at sa mga karanasan ng Simbahan. Ito ay bukal ng pagninilay at panalangin at gabay sa buhay.

Bahagi ng logo: Ang Apoy

Ang Apoy

Ang Apoy ay sagisag ni Kristo, ang Liwanag ng daigdig, at ng lampara ni San Sharbel.