Patotoo Ni Maria G. Foley (Louisiana, USA)
Nais kong isalaysay ang pinakanakamamanghang “insidente” na naganap sa akin kahapon (11/12/2020) habang namimili ako sa Mary’s Helpers Organization. Nagtanong ako tungkol sa isa sa aking pinakamamahal na santo – si San Sharbel. Una ko siyang nadinig sa isang malapit na kaibigan, ilang taon na ang nakalilipas, at mula sa Mary’s Helpers Newsletter. Alam kong maraming mga himala sa pamamagitan niya sa Lebanon at sa buong mundo. Nais kong makilala pa siyang lubos; sabik akong makabili ng kanyang talambuhay. Laking tuwa ko nang sabihing may dalawang talambuhay niya na available. Nagpunta ako at tiningnan ang pabalat ng isang aklat. Hindi ko mailarawan ang aking pagkagulat! Nakatingin siya diretso sa akin; buhay na buhay ang kanyang mga mata! Sinabi kong hindi yata ito totoong nangyayari! Nagmadali akong mag-isip ng isang mabilis na solusyon. Matapos na ilapag ko ang aklat, inisip kong baka ginawa ng manlalathala na ang larawan ay magmukhang nakatingin sa taong nagmamasid dito. Kasi sa ibang mga larawan niya siya ay laging magalang na nakayuko. Hindi ako nagsalita. Pagdating sa bahay, nang ilabas ko ang mga pinamili ko, laking gulat ko na naman!! Ang larawan ni San Sharbel sa pabalat ng aklat ay nakayuko!!! Pinanatag ko ang aking sarili at hindi ako magkamayaw sa pasasalamat sa kanya sa “tanda,” sa regalong ipinagkaloob niya sa akin. Araw-araw akong nagdarasal sa kanyang pamamagitan at ginagamit ang kanyang banal na langis. Lalung-lalo, ipinagdarasal kong gabayan at pangalagaan niya ang dalawa kong mga pamangkin, na namatay ang ama hindi pa katagalan. Lebanese din ang amang ito.
Hindi ko mapigilang mangiti at magpasalamat kay San Sharbel mula noong “insidente.” Nagpasya akong magkuwento dahil Maganda itong ibahagi. Magandang palakasin ang loob ng isa’t-isa at malamang narito si San Sharbel upang tulungan tayo sa ating mga kahilingan.
(Nagbibigay inspirasyon ang aklat. Napakahusay nitong gabay sa paglalakbay sa mundo; dahil natututo tayo ng kababaang-loob, ng pagmamahal, ng pagtulong sa kapwa-tao).