Talambuhay ni San Sharbel
Maikling Talambuhay
Isinilang si San Sharbel Makhlouf sa Bekaa Kafra noong ika-8 ng Mayo, 1828. Ang Bekaa Kafra ay isang munting pamayanan sa bundok (may taas na 5118 talampakan o 1560 metro above sea level), sa rehiyon ng Bsharri (Hilagang Lebanon). Sa kapaligiran nito matatagpuan ang mga sinaunang Sedro ng Lebanon, mga puno na tinatawag ng mga naninirahan doon na “mga Sedro ng Panginoon.”
Matatanaw mula Bekaa Kafra ang lambak ng Qadeesha kung saan dalawang amain ni Sharbel ang nanirahan bilang mga monghe sa monasteryo ni San Antonio ng Kozhayah. Naging mga inspirasyon at huwaran sila para kay Sharbel. |
Bininyagan si Sharbel noong ika-16 ng Agosto 1828 at pinangalanang Youssef Antoun Makhlouf. Siya ang bunso sa kanyang dukha subalit marangal na pamilya; mayroon siyang dalawang kapatid na lalaki at kapatid na babae. Ang pamilyang Makhlouf ay miyembro ng Maronite Catholic Church sa Lebanon, isang Simbahan sa Silangan na sangay ng Simbahang Katoliko at nasa ilalim ng pamumuno ng Santo Papa sa Roma. Ang punong-obispo nila ay tinatawag na Patriarka (Maronite Patriarch).
Noong ika-8 ng Agosto 1831, pumanaw ang ama ni Sharbel matapos magbalik ito sa sapilitang serbisyo sa Turkish Army sa panahon ng pamumuno ng mga Ottoman sa Lebanon.

Kasama ng ibang mga bata, nag-aral ng mga wikang Arabic at Syriac si Youssef mula sa pari ng kanilang nayon.
Makadiyos si Youssef mula pagkabata kaya tinawag siya ng mga kapitbahay na “ang Santo.” Araw-araw niyang isinusuga ang kanyang munting kawan sa kabukiran kung saan hinahayaan niya ang mga ito na manginain habang siya naman ay taimtim na nagdadasal sa isang larawan ng Mahal na Birheng Maria sa isang kalapit na grotto. Ang grottong ito ang siyang naging una niyang altar at unang tahanang-ermitanyo. |
Noong 1851, sa gulang na 23, nilisan ni Sharbel ang kaniyang pamilya at nayon upang simulan ang unang taon ng nobisyado (o novitiate, paghahanda sa buhay-monghe) sa monasteryo ng Mayfouk. Pinili niya ang pangalang “Sharbel” bilang pagpupugay sa isang martir ng ikalawang siglo sa simbahan ng Antioquia.
Lumipat siya sa monasteryo ng Annaya noong 1852 para sa ikalawang taon ng nobisyado. Doon niya ipinahayag noong ika-1 ng Nobyember 1853 ang kanyang mga panata bilang monghe – ang kalinisan, pagdaralita, at pagtalima.
Tumanggap siya ng paghubog sa Teolohiya sa monasteryo nina San Cipriano at San Justino sa Kfifan mula 1853 hanggang 1859. Naging guro niya doon si Padre Nemtallah Kassab El-Hardini na na-iproklamang santo noong ika-17 ng Mayo 2004.
Na-ordenahan bilang pari si San Sharbel noong ika-23 ng Hulyo 1859 sa ilalim ng Maronite Order sa Lebanon. Ginugol niya ang 16 na taon (1859-1875) sa monasteryo ng Annaya, kung saan siya nagdasal at nagtrabaho sa bukid kasama ang mga kapatid na monghe. Walang pasubali siyang sumunod sa mga nakatataas, matapat na nagsabuhay ng mga batas-monastiko, at matiyagang nagsakripisyo sa gitna ng payak na situwasyon.

Pumayag ang kanyang Superyor na lumipat siya sa bahay-ermitanyo (hermitage) ng San Pedro at San Pablo sa karatig burol, matapos nitong masaksihan ang “himala ng lampara.” Isang gabi, hiniling ni San Sharbel sa isang manggagawa sa monasteryo na punuin ng langis ang kanyang lamparang ginagamit. Sa halip na langis, tubig ang inilagay nito sa lampara, subalit patuloy na nagsindi ito tulad ng dati at tumagal pa nga ng buong magdamag.
|
Nagsimula ang paninirahan ni San Sharbel sa bahay-ermitanyong ito noong ika-15 ng Pebrero, 1875 at tumagal ito nang 23 taon. Ginugol niya ang bawat sandali sa panalangin, pagninilay, at pagsamba, at gayundin sa pagta-trabaho sa mga bukid at ubasan. Huwaran siya ng pagsa-sakripisyo ng sarili at ganap na pagtalikod sa mundo. Nasalamin kay San Sharbel ang biyaya at lakas na kaloob ng Diyos para sa pagsasabuhay ng mga panata ng isang monghe, ang kalinisan, pagdaralita, at pagtalima. Hindi niya nilisan ang bahay-ermitanyong ito maliban na lamang sa mg pagkakataong pinakiusapan siya ng kanyang mga nakatataas na dumalaw sa mga maysakit upang ipanalangin ang paghilom sa mga ito.
Tinahak niya ang landas ng buhay-ermitanyo sa payak na pagdarasal kay Hesus sa Banal na Eukaristiya, tahimik na panalangin sa Kanya, at ganap na pakikiulayaw sa Kanya sa buong magdamag. Nakilala si San Sharbel bilang “ang santong umaapaw sa pagmamahal sa Diyos.” Habang nabubuhay pa siya, hindi lamang siya nagpagaling ng mga karamdamang pisikal, kundi maging espirituwal, kasama na ang pagpapalayas ng mga masasamang espiritu.
Habang nagdiriwang ng Banal na Liturhiya (o Divine Liturgy na siyang tawag ng mga Kristiyano sa Silangan sa Banal na Misa) noong ika-16 ng Disyembre 1891, inatake (stroke) si San Sharbel at naghirap ng walong araw bagamat tinanggap niyang lahat ito nang mahinahon, tahimik, at sa diwa ng panalangin. Paulit-ulit niyang inusal ang panalanging hindi niya natapos sa Banal na Liturhiya: “Ama ng katotohanan, masdan ang Iyong Anak, ang sakripisyong kinalugdan Mo. Tanggapin Mo Siya na namatay para sa akin…” Inulit-ulit din niyang bigkasin ang mga pangalan ni Hesus, Maria at Jose, at ng mga santong sina Pedro at Pablo, ang mga patron ng kanyang bahay-ermitanyo. Pumanaw si San Sharbel noong bisperas ng Pasko 1898, at inilibing sa monasteryo sa gitna ng araw na napalamig at nagye-yelo. Ilan lamang sa mga monghe ang nakadalo sa kanyang libing.
Ang Superyor ni San Sharbel, si Padre Antonios Mishimshany ay nagsulat sa talaan ng mga yumao ng monasteryo tungkol sa kanya: “Ika-24 ng Disyembre 1898, si Padre Sharbel, ermitanyo ng Bekaa Kafra, ay pumanaw matapos maghirap bunga ng atake (stroke) at matapos tumanggap ng mga Sakramento para sa namamatay. Inilibing siya sa sementeryo ng monasteryo. Siya ay animnaput-walaong taong gulang. Si Padre Antonios Mishimshany ang superyor ng monasteryo. Anuman ang gagawin ng Diyos matapos ang kanyang kamatayan ay sapat nang patunay ng kanyang kapuri-puring pagtupad sa pagsasabuhay ng kanyang mga panata, na masasabi naming tungkol sa kanyang pagtalima, ay mala-anghel at hindi basta sa tao.”

Matapos Ang Kamatayan Ni San Sharbel
Matapos ang kanyang kamatayan, naiulat ng mga tao na nakakakita sila ng mga liwanag sa kanyang puntod. Nang pabuksan ng mga awtoridad ng Simbahan ang kanyang libingan, natagpuang buo at hindi naagnas ang kanyang katawan at may nagmumula ditong pawis at dugo.
Noong ika-15 ng Abril 1899, pinahintulutan ng Patriarka ng mga Maronites na ilipat ang katawan sa natatanging kabaong, na inilagay sa bagong libingan sa loob ng monasteryo. Nagdatingan ang mga tao sa libingang ito upang magdasal at humingi ng kanyang panalangin. Marami sa kanila ang nakatanggap mula sa Diyos ng pisikal na kagalingan at pagpapalang espirituwal.

Ang proseso tungo sa pagkilala bilang banal kay San Sharbel ay opisyal na ipinadala kay Papa Pio XI noong ika-12 ng Disyembre 1925.
Dahil sa dumadaloy na pawis at dugo, ang kabaong ni San Sharbel ay makailang ulit ding pinalitan sa pagdaan ng mga taon. Noong ika-24 ng Hulyo 1927, inilipat ang kanyang katawan sa ikatlong libingan.
Noong 1950, muling binuksan ang libingan sa harapan ng mga kilalang doktor at mga miyembro ng opisyal na komite ng Simbahan at ng pamahalaan ng Lebanon, na nagpatunay na buo pa ang kanyang katawan. Gumawa sila ng isang ulat na inilagay sa isang kahon sa loob ng kabaong. Kahanga-hangang dali-daling dumami ang mga paggaling ng mga maysakit! Libu-libong mga tao mula sa iba’t-ibang relihyon at pamayanan ang dumagsa sa monasteryo ng Annaya, upang hingin ang panalangin ng banal na ermitanyo. Patuloy na dumudugo at nagpapawis ang katawan ni Shan Sharbel animnapu’t-limang taon matapos siyang pumanaw.

Ang Beatipikasyon Ni Padre Sharbel
Sinang-ayunan ni Papa Pio XII ang dekretong kumikilala sa mga kabutihan ng kandidato sa pagka-santo noong ika-2 ng Abril 1954. Si Papa San Pablo VI naman ang nanguna noong ika-5 ng Disyembre 1965 sa pagdiriwang ng Beatipikasyon (ang huling yugto bago ang pagkilala bilang ganap na santo) ni Padre Sharbel sa Vaticano sa pagtatapos ng Ikalawang Konsilyo Vaticano (Second Vatican Council). Mula noon, tinawag na siyang “Beato (Blessed) Sharbel.”
Ang pasyang igawad ang Beatipikasyon ay bunsod ng dalawang himala:
Kanonisasyon Ni San Sharbel
Noong ika-9 ng Oktubre 1977, pinangunahan ni Papa San Pablo VI ang kanonisasyon (proklamasyon bilang ganap na santo) ni Beato Sharbel, na ginawaran na ng taguring “San Sharbel.” Tinanggap ng Simbahan ang himalang paggaling noong 1967 ni Miriam Awad mula sa kanser ng lalamunan bilang opisyal na milagrong kinakailangan para sa kanonisasyon.
|