Patotoo Ni Georgette Larose (Louisiana, USA), 2019
Ang aking ina si Valerie Vercher ay nagpupunta at nagdadasal sa Mary’s Helpers. Siya ang tipo ng tao na nagdarasal higit para sa iba kaysa para sa sarili niya; ganoon talaga siya.
Georgette LaRose ang pangalan ko at nabiyayaan ako ng unang anak na lalaki noong 40 taon ako. Pangalan niya ay Luke; mapagmahal na bata, masayahin, at may pinakamalaking imahinasyon sa mga bata. Narito ang aking kuwento at patotoo…
Sa edad na 3, nakita kong si Luke ay malikot, hindi tumitigil. Sa simula, sabi ng iba, ganyang talaga ang batang lalaki, dapat aktibo. Subalit ibang uri ito, hinding-hindi siya tumitigil, laging malikot. At napansin kong hindi siya nagsasalita, kaya bilang ina, dinala ko siya sa pediatrician at sinuri ilang beses. Autism ang tumatak sa isip ko dahil nakita ko ang mga sintomas. Inilagay naming siya sa paaralan, at hindi siya mapigil at ang sabi nila “pagod na ang mga guro.” Kaya hiniling na ilagay siya sa ibang lugar. Mapalad namang natagpuan ko ang isang babaeng sugo ng langit na magbantay kay Luke at binabantayan siya tuwing holidays at summer. May anak din siyang katulad ni Luke, kaya nauunawaan niya at kaya niyang makipag-ugnayan sa kanya.
Tatlong taon ang nakalilipas, natuklasan na si Luke ay may ADHD, Developmental Delayed at Sensory Processing Disorder. Kaya mula sa private school, inilagay siya sa public school (special ed), kung saan nagsimula siyang tumanggap ng tulong at pang-unawa na hindi makukuha sa private school. Maraming gabi at araw na umiiyak ako hanggang pagtulog at paggising ay iiyak na naman dahil nagtataka ako kung ano ang aking pagkakamali. At ang nanay ko, sabi niya laging magdasal at magdasal. Maraming beses akong sinabihan, na alam ng Diyos ang kanyang ginagawa at nang bigyan ako ng special child, inisip ng Diyos na natatangi ako kaya kaya ko itong dalhin. At may mga oras na mahirap. Lagi lang akong nagdadasal at nagtatanong sa Diyos, “Plis, huwag mo pong baguhin ang anak ko, basta bigyan mo lang ako ng lakas na dalhin ito.” At malaking tulong ito.
Isang gabi, nang sunduin ko si Luke sa paaralan, nagbigay ang nanay ko ng isang supot na papel na sabi niya ay nilagyan ni Mrs. Gayle ng langis na ipahid ko daw kay Luke at magdasal at magsunog ng insenso at ipahid ang isang tela sa kanya. Ang langis, dasal, insenso at relic ay lahat nakaugnay sa isang santong ang ngalan ay San Sharbel. Tatlong buwan ko na itong ginagawa gabi-gabi. Dahil may iba pa siyang gamot, mahirap itong gawin subalit sa loob ng 3 buwan, mula sa maraming “red days” (masamang lagay ng aking anak), ngayon ay mas marami nang “purple days” (magandang lagay). Nakita ko ang sobrang pagbabago. Pinakamahalaga sa akin ay ang kanyang edukasyon, gusto ko siyang matuto at huwag tawagin na masamang bata. Talagang naniniwala ako na sa aking pananampalataya sa Panginoong Hesukristo at sa tulong ni San Sharbel, gumaganda ang lagay ni Luke. May mga araw pa ding hindi gaano, subalit hindi na tulad nang dati. At naniniwala akong nagpagdala ang Diyos ng guro na malaki ang naitulong sa kanya. Mula nang magdasal ako kay San Sharbel, gumanda ang mga araw niya sa paaralan. Hindi na ako nag-aalala na biglang may tatawag sa telepono.
Sabi ng iba, iyon ay dahil sa gamot, maaari nga… pero ang aking pananampalataya at puso ang nagsasabing ito ay si San Sharbel at saka ang guro ni Luke na dumating matapos ipagdasal na may tutulong sa kanya, magtuturo at magpapasensya. Lagi kong sinasabi sa kanya na siya ang tugon sa panalangin ko. At ginawa niya si Luke na LEARNING MACHINE. Lahat ito dahil sa panalangin. At hindi ako hihinto sa pagdarasal para sa anak ko. At panghuli, ang dasal ay epektibo. Maaaring hindi agad-agad subalit ang pananampalataya at pananalig na kasama natin ang Diyos at gagawa siya ng paraan. Basta manalig lang at huwag tumigl magdasal.
Sa mga tao sa Mary’s Helpers: Salamat sa pagdadala at pagpapakilala ninyo sa akin at sa aking anak kay San Sharbel at sa mga panalanging alay ninyo para sa kanya. Gumagana lahat. Mula sa kaibuturan ng aking puso, salamat, at patuloy pang magdasal. Gumagana talaga.
Sumasainyo, Georgette LaRose
May pahintulot mula sa Mary's Helpers, INC. N33, Vol 11-12, page 7, Nov 25-Dec 25, 2020.