Panalangin Para Sa Tunay Na Pagbabalik-Loob
Panginoong lubhang banal at luwalhati ng mga banal, pinukaw mo si San Sharbel, ang banal na monghe, na tahakin ang ganap na buhay bilang isang ermitanyo. Pinasasalamatan ka namin sa pagkakaloob sa kanya ng biyaya at lakas na talikuran ang mundo upang buong sigasig na maisabuhay ang mga panata ng isang monghe - ang pagdaralita, pagtalima, at kalinisan – at maisulong ang mga ito sa kanyang buhay-ermitanyo.
O Diyos, upang pagpalain ang lahat ng tao, minarapat mong pillin si San Sharbel bilang huwaran ng lahat ng kabutihang-espirituwal, at ginawa mong magbalik-loob ang marami sa iyo sa tulong ng kanyang mga gawa at halimbawa.
Hiling namin ngayon na ipagkaloob mo sa pamamagitan ng pagkalugod mo sa kanya at sa kanyang pananalangin na tunay kaming magbalik-loob, tumalikod sa pagkakasala at sa lahat ng masamang pita, at maging higit na kalugud-lugod sa iyo, sa pagsasabuhay ng tunay na kabutihang-espirituwal. Sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Panalangin Upang Magkamit Ng Natatanging Biyaya
O Panginoon, lubhang banal at luwalhati ng mga banal, pinukaw mo ang banal na monghe at ermitanyong si San Sharbel upang mabuhay at mamatay ayon sa landas ni Hesukristo at pinagkalooban mo siya ng lakas na talikdan ang daigdig upang manaig sa kaniyang buhay-ermitanyo ang mga panata ng buhay bilang monghe.
Nagsusumamo kaming ipagkaloob mo sa amin ang biyayang mahalin at paglingkuran ka sa pamamagitan ng pagsunod sa kanyang halimbawa.
Diyos na makapangyarihan, na nagpamalas ng bisa ng pananalangin ni San Sharbel para sa amin sa tulong ng mga himala at biyaya, loobin mo nawang makamtan naming ang biyayang ito… (banggitin ang kahilingan). Amen.
Ama Namin, Aba Ginoong Maria, Luwalhati.

Nobena kay San Sharbel
Unang Araw
O San Sharbel, santo ng mga dakilang hiwaga, mula sa mapaghimala mong katawan dumadaloy ang makalangit na halimuyak, mangyaring saklolohanan ako, kung ito’y para sa kaluwalhatian ng Diyos at para sa kabutihan ng aking kaluluwa, na kamtin mula sa Panginoon ang biyayang aking kailangan…. (banggitin ang kahilingan). Amen. San Sharbel, ipanalangin mo ako. O Panginoon, na nagkaloob kay San Sharbel ng biyaya ng pananampalataya, nagsusumamo ako alang-alang sa pagkalugod mo sa kanya, at sa bisa ng kanyang pananalangin para sa amin, na punuin din ako ng ganitong biyaya, sa gayon mabubuhay ako ayon sa iyong mga utos at sa Mabuting Balita. Purihin ka nawa, magpakailanman. Amen. Ama Namin, Aba Ginoong Maria, Luwalhati. |
Ikalawang Araw
O San Sharbel, saksi sa buhay-monastiko na dumanas ng mga pagdurusa, ginawa ka ng ating Panginoong Hesus na isang maningning na tanglaw. Sa iyo ako ngayon ay dumudulog upang hingin ang iyong panalangin para sa biyayang ito… (banggitin ang kahilingan). Umaasa ako sa tulong mo. Amen.
San Sharbel, sisidlan ng matamis na halimuyak, ipanalangin mo ako.
O Mahabaging Diyos, na nagparangal kay San Sharbel sa pamamagitan ng mga dakilang himala, maawa po kayo sa akin at ipagkaloob sa akin ang aking hinihiling sa tulong ng kanyang panalangin. Sa iyo ang luwalhati magpakailanman. Amen.

Ikatlong Araw
O minamahal na San Sharbel, ikaw na nagniningning tulad ng isang maliwanag na bituin sa kalawakan ng Simbahan, maging ilaw sa aking landas at katatagan ng aking pag-asa. Mula sa iyo hinihingi ko ang biyayang ito… (banggitin ang kahilingan). Hingin mo ito para sa akin mula kay Kristong Nakapako sa krus na walang humpay mong sinasamba. Amen.
San Sharbel, huwaran ng pagtitiis at katahimikan, ipanalangin mo ako.
O aking Panginoong Hesukristo, na nagpabanal kay San Sharbel na malapit mong kaibigan sa pamamagitan ng kapayakan, pagsasakripisyo at pagpapasan ng krus, ipagkaloob mo po sa pamamagitan ng kanyang panalangin na dalhin kong may pagtitiis at ganap na pagpapaubaya sa iyong Dakilang Kalooban ang anumang mga paghihirap sa buhay. Sa gayon, walang hanggan kitang pasasalamatan. Amen.

Ikaapat Na Araw
O mahabaging ama, San Sharbel, dumudulog ako sa iyo. Pagtitiwala sa iyong tulong ang laman ng aking puso. Sa tulong ng makapangyarihan mong pananalangin sa harap ng Diyos, hinihintay ko ang katuparan ng biyayang aking hinihiling… (banggitin ang kahilingan). Muli mong ipakita ang iyong kapangyarihan at awa. Amen.
San Sharbel, hardin ng mga kabutihan, ipanalangin mo ako.
O Diyos ko, na nagkaloob kay San Sharbel ng biyayang tularan ka sa lahat ng kabutihan, ipagkaloob mo pong ako din, sa tulong niya, ay lumago sa lahat ng kabutihang Kristiyano. Mahabag po kayo sa akin. Kaawaan po ninyo ako nang habangbuhay kitang purihin. Amen.

Ikalimang Araw
O San Sharbel, minamahal ng Diyos, liwanagan mo ako, tulungan mo ako, at turuan mo akong tupdin ang kalugud-lugod sa Diyos. Magmadali ka, O Diyos ko, sa pagtulong sa akin. O mahabaging banal, nagsusumamo akong hingin mo sa Diyos para sa akin ang biyayang ito… (banggitin ang kahilingan). Amen.
San Sharbel, kaibigan ni Kristong Nakapako sa krus, ipanalangin mo ako.
O Diyos ko, nakatingala akong nananalangin sa iyo. Dinggin mo po ang aking kahilingan sa pamamagitan ni San Sharbel. Hanguin mo po ang aking puso sa kapighatian. Pagkalooban mo po ako ng kapayapaan. Papanatagin mo po ang aking kaluluwang nababagabag. Sa iyo ang papuri magpakailanman. Amen.

Ikaanim Na Araw
O San Sharbel, makapangyarihang tagapamagitan, hinihiling kong kamtin mo para sa akin ang biyayang aking kinakailagan… (banggitin ang kahilingan). Isang salita mo lamang ay sapat na upang kamtin para sa akin ang awa ni Hesus, ang kanyang kapatawaran, at ang kanyang tugon sa aking panalangin. Amen.
San Sharbel, galak ng langit at lupa, ipanalangin mo ako.
O Panginoon, na pumili kay San Sharbel bilang tagapamagitan sa iyong Dakilang Harapan, ipagkaloob mo po ang biyayang ito sa tulong niya. Sa gayon, kasama niya, ikaw ay luluwalhatiin ko magpakailanman. Amen.

Ikapitong Araw
O San Sharbel, mapagmahal sa lahat at katuwang ng mga nangangailangan, matatag akong umaasa sa iyong pananalangin para sa akin sa harap ng Diyos. Kamtin mo para sa akin ang biyayang higit ko ngayon kinakailangan… (banggitin ang kahilingan). Amen.
San Sharbel, bituing gabay ng mga naliligaw ng landas, ipanalangin mo ako.
O Diyos ko, hadlang ang maraming kong mga kasalanan sa pagdaloy ng mga biyaya mo. Ipagkaloob mo pong pagsisihan ko ang mga ito. Tugunin mo po ako sa tulong ni San Sharbel. Panumbalikin mo po ang galak sa puso kong nagdurusa sa pamamagitan ng pagkakaloob ng aking kahilingan, ikaw na Karagatan ng mga Biyaya. Sa iyong ang luwalhati at pasasalamat magpakailanman. Amen.

Ikawalong Araw
O San Sharbel, tuwing pagninilayan kitang nakaluhod sa panalangin, o nag-aayuno, o namumuhay nang payak, o nakatutok sa matimyas na pakikipag-usap sa Diyos, tumitibay ang aking pag-asa at pananampalataya. Tulungan mo ako, ang samo ko, na tanggapin mula sa Diyos ang biyayang aking hinihiling… (banggitin ang kahilingan). Amen.
San Sharbel, punung-puno ng Diyos, ipanalangin mo ako.
O matamis kong Hesus, na umakay sa kaganapan ng kabanalan kay San Sharbel na nagmahal sa iyo, nagsusumamo akong ipagkaloob mo po sa akin ang biyayang gugulin ang nalalabing mga sandali ng aking buhay ayon sa iyong kalooban. Minamahal kita, O Diyos ng aking kaligtasan. Amen.

Ikasiyam Na Araw
O ama, San Sharbel, narrating ko na ang dulo ng pagnonobena. Gumiginhawa ang aking puso sa tuwing kausap kita. Ganap ang aking pag-asa na makakamtan ko mula kay Hesus ang biyaya na aking hiningi sa pamamagitan mo. Nagsisisi ako sa aking mga kasalanan at nangangakong hindi na muling magkakasala. Hiling kong kamtin mo ang katuparan ng aking kahilingan… (banggitin ang kahilingan). Amen.
San Sharbel, pinutungan ng luwalhati, ipanalangin mo ako.
O Panginoon, na nakinig sa panalangin ni San Sharbel at nagkaloob sa kanya ng biyayang makaniig ka, maawa po kayo sa akin sa sandali ng kagipitan at iligatas ako sa mga tuksong hindi ko makayanan. Sa iyo ang luwalhati, papuri, at pasasalamat magpakailanman. Amen.