Patotoo Ni Olivier Giroud-Fliegner (Montreal, Canada), 2020
Ang pangalan ko ay Olivier Giroud-Fliegner. Ako ay 53 taong gulang. Ipinanganak sa Pransya at ngayo’y nakatira sa Montreal. Nagtuturo ako ng piano. Ang ama ko ay Katoliko at ang aking yumaong ina ay Hudyo na nakaligtas sa Holocaust at mula sa Poland at Austria. Lumaki akong Hudyo. Ang aking buhay pamilya, buhay emosyonal, bagamat may mga magagandang sandali, ay may mga malalalim na sugat din.
Naranasan ko ang tinatawag na “gabi ng puso” (parang “gabi ng mga pandama” ni San Juan dela Cruz), mula 1987 hanggang 2018. Hindi ko nais maranasan ito ng iba, maliban kung hahantong ito sa pagbabalik-loob at pagdadalisay na tulad ng ibinigay sa akin noong 2018 at mga taong sumunod.
Ang puso ko ay patuloy na nagalusan ng magkakahalong iba’t-ibang dahilan. Una, ang imposibilidad na matagpuan ko ang tugon sa kahulugan ng pagdurusa ng tao, kasama na ang Holocause, sa pananampalataya Hudyo. Ikalawa, ang katotohanang pinilit akong mag-aral ng musika mula sa batang edad. Nasira ang kaugnayan ko sa aking pamilya matapos ang 1987 dahil dinamdam kong pinag-aral ako ng musika laban sa aking kagustuhan. Ang ikatlo ay ang kabiguan ng ilang relasyon na nagdulot ng aking pagiging walang asawa at walang anak habang hinarahap ang pressure ng pamilya at ng Lipunan. Ikaapat, hindi ganap na natanggap ng aking mga magulang ang aking dalawang pangingibang-bansa (una sa Israel, at pagkatapos sa Canada); pinersonal nila ito, lalo na ang aking ina na talagang nasaktan, at napakahirap nitong unawain at tanggapin dahil siya din ay isang nangibang-bansa. Bagamat taon-taon kong dinadalaw ang aking mga magulang (minsan dalawang beses sa isang taon), nilason ng aking pangingibang-bansa ang ugnayan ko sa aking pamilya.
Lahat ng mga sangkap na ito kung pagsasamahin ang pumilay sa ugnayan ko sa aking pamilya at nag-udyok sa akin na tingnan ang pamilya bilang sanhi ng pagdurusa at kapighatian. Ang puso ko ay unti-unting nagbalik sa aking pamilya.
Ang lalim ng mga sugat ay tila nahulog pa sa bangin noong 2011 namatay ang aking ina; nang ma-ospital ako noong 2012 sa emergency na nagsimula sa atake ng puso na dulot ng isang wasak na puso at ng viral myopericarditis; at muli noong 2015 nang akala ko ay hindi ko na malalampasan ang aking kalungkutan at paghihirap. Nag-isip akong magpatiwakal.
Sa kabila nito, matapos mamatay ang aking ina, ang tanging mahalaga sa akin ay samahan ang aking ama (tulad nang pagsama din niya sa akin) at asikasuhin ang kaligtasan ng aking kaluluwa, ang buuin ito muli. Ilang taon ding hindi ko malaman paano ayusin ang kaligtasan ng aking kaluluwa. Sa wakas nabuksan ang puso ko kay Hesus sa dulo ng Enero 2018 sa paghingi sa Diyos ng biyaya ng pagbabalik-loob, isang napakalaking biyayang ipinagkaloob sa akin. Sa sandaling tinanggap ko si Hesus bilang Mesiyas, nagbagong lubos ang buhay ko. Nakipag-ugnayan ako sa pamayanang Kristiyano agad, at sa Pasko ng Pagkabuhay 2019 ako ay tumanggap ng mga sakramento ng Binyag, Unang Pagkokomunyon, at Kumpil. Isinilang akong muli at naligtas, subalit ang landas ng paglago ng aking kaluluwa ay nagsisimula pa lamang.
Hindi natigil ang mga biyaya doon. Noong 2020, pinagkalooban ako ng isang pangunahing espirituwal at emosyonal na paghilom, isang pagpapagaling na hindi ko naman hiningi; ipinagkaloob ito sa akin ng Panginoon, sa pamamagitan ni San Sharbel Makhlouf. Sa pananampalatayang Kristiyano, ang ginawa ni San Sharbel sa aking buhay ay tinatawag na “pamamagitan.” Isa pang katangian ng paghilom na ito ay ang ako’y pinagkalooban nito sa panahon ng aking panimulang pagkilatis sa kung ako ay para sa pagpapari (na nagdala naman sa akin sa katapusan, na ang bokasyon ko ay maging isang layko, sa diwa ng hindi pag-aasawa, panalangin, at sakripisyo). Sa aking pamilya, hindi kilala si San Sharbel, ni ang kanyang pangalan. Natuklasan ko lamang siya noong 2019, at kung tama ang tanda ko, pista niya noon, Hulyo 24. Subalit noong Huly 24, 2020 pa lamang siya tuluyang pumasok sa aking buhay.
Sa panimula ng aking pagninilay kung magpapari ako, nagtaka ako kung magiging mabuti ito para sa akin dahil marami sa gawain nito ay tungkol sa pamilya tulad ng binyag, paghahanda sa kasal, kasal, at libing. At sa kabila ng aking pagbabalik-loob at sa mga sakramentong tinanggap, nakita kong wala naman akong pamilya. Walang asawa at anak, at ang mga magulang ko ay wala ding mga kapatid; naisip kong para sa akin, tila ang buhay pamilya ay isang bagay sa nakaraan, isang taong walang pakialam sa buhay pamilya. Habang nagninilay ako noong dulo ng Hulyo 2020, nagsimula ako, bago ang pista niya, na magkaroon ng pangangailangang magdasal kay San Sharbel araw-araw, na ngayon lang naganap. Napilitan akong magdasal sa kanya at kilalanin ang buhay niya; at nagsimula akong magsaliksik kung ano ang sinabi o isinulat niya. Sa simula ng Agosto, natagpuan ko ang 20 pahina sa internet sa Ingles, sa URL na https://www.slideshare.net/karim86/words-of-saint-charbel, walang anumang binanggit na may-akda. Nag-print ako at ginawa ang mga ito na booklet.
Ang mga pahinang ito, tinawag na “Words of Saint Charbel,” ay walang nilalamang impormasyon tungkol sa pinagmulan, at hindi ko malaman kung sino ang nagsulat nito; basta nakita kong nilalaman nito ang mga kaisipan ni San Sharbel. Binasa ko at tinanggap sa akin puso na may pananampalataya, na baka isinulat ito ng mga taong nakarinig kay San Sharbel.
Sa aking isipan, nang nabasa ko ang katotohanan sa mga pahinang iyon, para akong sinunog nang buhay na tila dayaming natutupok. Ang kabuuan ng mga mensahe ay nakatulong sa aking paggaling, subalit sa kabuuaan ng mga nilalaman ng mga teksto, ang talagang nakapagpabilis ng paghilom ay ang mga kaisipan ni San Sharbel tungkol sa pamilya. Sabi niya ang pamilya ay banal sapagkat ito ang larawan ng Banal na Sangtatlo. Ibig sabihin para sa akin, sa unang pagkakataon, na anumang pagdurusang maganap sa pamilya (kahit pa pagkawasak), ang pamilya ay likas pa ding banal – ang likas na pagiging esprituwal at ang kahulugan ng pamilya ay nananatiling buo. “Ang pagkadinig” dito ay walang katumbas; ito ay “nagpakita” sa akin na ang pamilya ay may kaluluwa na maaaring manatiling buo sa kabila ng anumang pagdurusa at kapighatian. Biglang bigla, nagkaroon ng lubos na pag-asa! “Nakikita” ko ang pamilya na hindi tulad nang dati, at ang nakikita ko ay napakaganda!
Sinabi din ni San Sharbel na ang demonyo, para sirain ang gawain ng Diyos, ay pinipiling salakayin, unang una, ang pamilya. Ito ay nakatimo, nakasira, at nakalusaw ng lahat ng dati kong kaisipan tungkol sa pamilya sa pangkalahatan, kasama na ang tungkol sa aking pamilya. Matapos mabasa na ang pamilya ang unang sinasalakay ng demonyo kapag inaatake niya ang Diyos mismo, nadama kong totoo ang kaisipang ito. Nagkaroon ako ng malinaw at maningning na pang-unawa na ang lahat ng hilahil ng pamilya ay nakaugat sa kasamaan na akala ko ay ako ay maysakit na pisikal, at nadamang masama ang pakiramdam, walang pokus, at naligaw. Nadama ko ang layo ng pagitan ng katotohanan at ng aking ugnayan sa institusyon ng pamilya. Matapos ang dalawang araw, matapos na ang aking pagkamangha, pagkalito, at takot ay humupa, lahat ng aking mga sugat emosyonal, kabilang ang anumang masakit na kaugnay ng mga relasyon sa pamilya, pati ang masakit na pagluluksa sa pagpanaw ng aking ina, lahat ay wala nang sakit.
Ano ang naganap?
Ito ang naganap: Habang nagsisikap akong magkilatis kung ako ay magpapari, na ipahayag na ako ay hindi pampamilyang tao, na taong-labas ako pagdating sa pamilya, ang mga salita ni San Sharbel ay hindi lamang sumalungat sa akin, kundi winasak pa nito halos pisikal na mga bahid ng paninindigang ito sa akin. Nagkamali ako tungkol sa pamilya. Bunga ng mga pagdurusa sa aking pamilya, mali ang aking naisip, at bilang kaloob ng Diyos sa kamaliang ito, buong awa akong nakatanggap ng pagpapagaling ng Diyos. Tunay nga na naunawaan ko agad na ito ay biyaya ng Diyos, na ito ay kalooban ng Diyos, at ako ay nakaharap sa katotohanang namagitan si San Sharbel. Nahilom ako sa pisikal at espirituwal na paraan.
Nang tanggapin ko nang buong puso at pikit-mata ang pagbabago na naranasan ko na hindi mahulog sa pagkasiphayo, tinanggap ko ang mga salita ni San Sharbel bilang mga salitang mula sa Diyos.
At muli: humingi ako ng biyaya ng pagbabago, subalit hindi ng biyaya ng paghilom espirituwal.
Sumulat ako sa Annaya monastery sa Lebanon (tahanan ni San Sharbel) at dito sinabi ko sa mga monghe ang lahat. At kahit na bahagi na ako ng isang Latin parish, sumapi pa ako sa ikalawa (kapwa ko dinadaluhan), ang Maronite parish ng Monastery of Saint Anthony the Great, dito sa Montreal. Alam ng mga mongheng pari ang naganap, at isa sa kanila ang nagkumbinsi sa akin na gawin kong patron saint si San Sharbel.
Hindi ko pa lubos na nauunawaan ang pinagmulan ng mga salita ni San Sharbel na naghilom sa akin, at ako ay nahihirapan pang malaman ito.
Noong Disyembre 27, 2020, buong pagkagulat, nakita ko sa Youtube ang iba-t-ibang mga panayam ni Raymond Nader, iba sa Ingles at iba sa Arabic (https://www.youtube.com/watch?v=7UatXxxzk_Y&t=30s). Dito ko natuklasan si Raymond Nader.
Walang kahulugan sa akin ang pangalan, subalit tula nakita ko na ito dati: binalikan ko ang French version ng aklat kay San Sharbel na sulat ni Father Hanna Skandar, na nabasa ko (Saint Sharbel… L’intemporel) at nakita ko ang pangalan ni G. Nader na binanggit dalawang beses. Subalit nakalimutan ko ito dahil walang ibang impormasyong ibinigay ang may-akda, at sa halip, inilahad lang ang kasaysayan ni Nouhad Al Chamy. Kaya wala akong alam kay Raymond Nader hanggang Disyembre 27, 2020, kalahating taon mula nang gumaling ako.
Nagitla ako, ang nakapagpahilom sa akin ay mga mensahe ni Raymond Nader na tinanggap mula kay San Sharbel. Nakakagulat, at naunawaan kong lalo ang halaga ng aking paghilom, dahil si R. Nadery ay may marka sa kanyang brasao ng kamay at mga daliri ni San Sharbel, na napansin ko lang noong Disyembre 27, 2020. Hindi ko din pinansin ang kanyang apostolate (The Family of Saint Sharbel), at kahit na matapos ang aking paggaling nadinig ko ang tungkol sa Tele-lumiere, dahil naglalathala sila ang mga patotoo ng paghilom, hindi ko alam na si R. Nader ay may kaugnayan sa satellite nito na Noursat.
Sa puntong ito, kinailangan kong kontakin si R. Nader at sabihin lahat ng aking paggaling. Nais ko din siyang pasalamatan sa ginagawa niyang apostolate, na mas alam ko na ngayon. Noong Disyembre 31, 2020, kinontak ko ang Family of Saint Sharbel sa US, at sinabi ang aking kuwento. Dahil sa kanila nasabi ko ang kabuuan kay R. Nader noong Enero 7, 2021.
Matapos ang aking pagbabago na nagligtas sa akin (2018) at ang pagtanggap ng mga sakramento na nagpatawad sa akin (2019), pumasok si San Sharbel sa aking buhay noong 2020 upang baguhin pa akong lubos; ang kanyang pamamagitan at pananalangin ang nagpabuti ng ugnayan ko sa Panginoon sa pamamagitan ng paghilom espirituwal sa kanyang pangalan.
Tunay ako namamangha at nagpapasalamat. Nalasap ko ang mga biyaya bawat araw. Mula nang ako’y gumaling, ako ay isang puting pahina muli, naibalik muli. May galak na napabilang muli ako sa pamilya ko, sa mga buhay at sa mga namatay na; at masaya ako para sa pamilya ng iba, na dati hindi naman ganito. Ang hindi inaasahang paggaling ay nagpabuti ng aking pandama tungkol sa bokasyon ng aking buhay mula ngayon; masaya akong nabubuhay na walang asawa, nagdarasal at nagsasakripisyo para sa mga kaluluwa upang ang iba din ay gumaling; at upang maging laan para sa iba, at makapagbahagi ng salita ng Diyos at ng kuwento ng aking paghilo. Hindi na ako nagdurusa sa anumang nagpapahirap sa akin, at hindi ko inasahang magaganap ito. Hindi ko kaya at hindi ko nais na pagdudahan ang mga biyayang natanggap. Isa lamang akong saksi.
Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo, kapara noong unang-una, ngayon at magpakailanman. Amen.