Himala Ng Pagpapagaling Kay Margaret Bieser (2015)
Napaiyak si Margaret Bieser habang nasa biyahe kasama ang asawa niya mula sa klinika ng doktor. Nagpapasalamat siya sa lahat ng paraang bigay ng Diyos sa kanya, subalit meron pa ding pagkasiphayo.
Si Margaret ay may Trigeminal neuralgia, kilala bilang ang “suicide disease” dahil sa bilis ng pagtindi ng sakit nito habang tumatagal. May nakilala siyang doktor na maaaring mag-opera para humupa ang sakit pero mas umaasa siyang may gagawing himala ang Diyos.
Isang araw matapos ang Misa, iminungkahi ng pari na tanungin niya ang katuwang na pari si Father Charbel Jamhoury, na basbasan siya ng relic at pahiran ng langis ni San Sharbel. Dati na siyang nabasbasan nito pero hindi niya kilala ang santong monghe ng Lebanon, at noon ay wala namang naganap na pagbabago. Mula noon, mas marami siyang nalaman sa mga himala at nanalig siyang mapapagaling sa tulong ni San Sharbel.
Walang sakit n anadama matapos siyang pahiran ng langis. At ganun din sa sumunod na araw. Kaya nagbalik siya sa doktor at ipinaliwanag lahat. Sabi nito siya ay tunay na naghilom na. Matapos ang anim na taon, wala pa ring sakit na nadarama siya.
Patotoo
Lumaki akong Katoliko at masigasig hanggang sa grade school. Sa high school nagsimula ako lumayo. Nang nasa Catholic college tinanong ako kung bakit pa ako nagkukumpisal. At mula noon, hindi na ako nagkumpisal. Iyon ang simula.
Nakilala ko ang asawa ko noong 29 taon gulang ako. Katoliko din pero hindi nagsisimba. Dahil kapwa kami Katoliko, gusto niya sa simbahan kami ikasal. Dahil dito, nagkumpisal kami agad. Matagal din kaming hindi nakapagkumpisal at nagsimba na kami bilang mag-asawa pero may mga patlang. Nang magkaanak na kami, nagpasya kaming regular nang magsimba at magkumpisal.
Noong nasa Houston na kami 1983, doon ko masasabing kinuhuha yata ng Diyos ang atensyon ko.
Nagsimula ang aking paglalakbay sa gitna nang gabi noong Nobyembre 13, 2014 nang magising ako na may sakit sa ibabang panga at pisngi. Tumagal ang mga bugso ng sakit magdamag at hanggang umaga. Dahil ako ay grade 2 teacerh, tumawag ako ng kahalili at nagpa-appointment sa doktor; napag-alamang mayroon akong Trigeminal neuralgia.
Iba-ibang gamot ang ginamit ng doktor pero walang ginhawa akong nadama. Dahil sa sakit minsan hindi na ako nagtuturo at ang mga anak ko naman ay nagsisimula nang magdasal sa Mahal na Birhen para tulungan ako. Kapag humupa ang sakit, nagtuturo ako.
Tag-araw ng 2015 tumindi ang sakit. Habang nagsisimba, sobrang bugso ng sakit. May isang doktor na lumapit at tumulong matapos ang Misa. Nagmungkahi siya ng anticonvulsant at sinabi na hindi dapat lalampas ng 600mg bawat araw.
Nagpunta ako sa neurologist sa Baton Rouge. Marami siyang mga gamot pero ang anticonvulsant ang pinakamagaling, 600mg bawat araw. Nagpayo ang doktor na humanap ako ng mag-oopera para mabawasan ang problema. May nagsabi na may isang doktor na tagumpay na nag-opera sa isang tulad ko. Hiningi at natanggap ko ang lahat ng detalye para makontak ang doktor. Malinaw na nakikilakbay ang Diyos sa akin.
August 2015 nagsimula kami ng bagong schoolyear. Hindi ko pa natawagan ang mag-ooperang doktor sa Houston dahil sa pag-asang sa pamamagitan ng mga panalangin ng mga kamag-anak, magkakaroon ng pagbabago at himala.
Habang tumatagal ang schoolyear, tumindi ang sakit at pati ang gamot. Bandang Enero nasa 1200 mg na ang gamot, doble nang sinabing ligtas na dosage. Sabi ng neurologist, ihanda na ang operasyon.
Dumalo ako sa healing Mass sa Disyembre at inisip kong talagang maysakit nga ako at kailangan ng operasyon. Wala akong alam kay San Sharbel. Lumapit lang ako upang mabasbasan ng relic niya at sabihin: “Ok San Sharbel, kumilos ka.” Pero hindi ko siya talaga kilala. At walang nangyari pagkatapos.
Nang magsimba ako ng unang Sabado, si Father Hill ang nagmisa. Pagkatapos ng Misa sinabi kong pumunta ako sa doktor na mago-opera. Inalok niya akong ma-anoint kahit sinabi kong dalawang beses na ako na-anoint. At kahit isang linggo pa lang nakalilipas nang huling kumpisal, pinagkumpisal niya ako ulit.
Nais niyang mabasbasan din ako ni Father Charbel ng relic ni San Sharbel at ng banal na langis ng santo bago ang operasyon. Nagpaskil si Father Charbel sa cafeteria ng mga himala ng santo at nagsimulang humanga ako sa kapangyarihan niya. Kaya sinimulan kong kilalanin ang santo.
Nagpunta kami sa Houston sa doktor. Nagdasal akong mapagaling ng Panginoon; maraming mga estudyante, magulang at mga lolo at lola ang nagdarasal para sa akin. Pebrero 18 ang takdang operasyon.
Nang pabalik kami mula sa Houston, naiyak ako sa sasakyan dahil ang pag-asa ko ay gagaling ako kahit walang operasyon. Napansin ito ng asawa ko. Sinabi kong ayaw kong maopera sa utak, na magkaroon ng butas sa aking bungo.
Nang makabalik na nga, nangumpisal ako pero nang malaman kong si Father Charbel ang nagpapakumpisal, hiniling ko ang basbas ng relic.
Binasbasan niya ako ng relic at pinahiran ng banal na langis. Lumuhod ako sa sahig at hinawakan ang estampita at nagdasal nang taimtim para sa himala. Hiling ko na bago bumalik sa Houston, ako ay mapagaling na; at kung walang himala bago ako umalis, gawin sanang himala na gabayan ang doktor ko na magkaroong ng pananampalataya sa Diyos. Kung hindi man himalang paggaling, makalabas man lang ako ng operasyon na maayos at dumanas ng proseso ng paghilom.
Pumunta kami ni Father Charbel sa cafeteria at wala akong gana kundi nais ko lang patuloy na magdasal kay San Sharbel. Naupo ako sa mga nakapaskil na kuwento ng mga himala niya at binasa ulit ang mga ito habang nagdarasal kay San Sharbel.
Nang sumunod na araw, nawala ang sakit. Naghanda ng pagkain ang aking asawa; pork chop at salad. At hindi ako makakain ng salad dahil lahat ay dapat munang durugin para huwag sumakit ang aking panga. Konting buka ng bibig ay masakit na. Pero noong gabing iyon, naubos ko lahat ang nasa plato at hindi kailangang durugin ang pagkain. Tinanong ako ng asawa ko kung may himalang naganap. Huwag kang umasa, sabi ko, pero wala nga akong naramdamang sakit buong araw. Tingnan natin kung ano ang mangyayari.
Nang sumunod na gabi, ganoon din. Nagkainan kami, at walang nangyari. Huwebes ang appointment ko sa doktor, sa neurologist. Alam kong inaakay ako ng Diyos. Suicide disease ang tawag sa sakit ko kasi walang lunas ang mga doktor. Ang operasyon ay hindi gamot dito. Naglalagay siya ng Teflon pads sa mga artery na dumidikit sa mga ugat. Iyon ang kanyang inayos na proseso. Matapos kong makausap ang kapwa parishioner na naoperahan, alam kong nagbibigay sa akin ng pag-asa ng Diyos.
Bago ang appointment sa doktor, nagsimba ako. Sinabi ko sa Panginoong Hesukristo na tila may himala pero hindi ko na makakansel ang operasyon. Gusto kong malaman ang ninanais niya. Nagmakaawa ako kay Hesus na magsalita sa pamamagitan ng aking doktor para malaman ko kung ano ang dapat kong gawin. Naikuwento ko sa doktor ang naranasan ko mula noong pagbabasbas ng relic ni San Sharbel. Nakinig siya mabuti at napasigaw na may himala nga at ikansel ko na daw ang opera. Natuwa ko. Nalaman kong nagsisimba pala siya tuwing Linggo at naniniwala sa mga himala.
Nang sabihin ko ito kay Father Charbel humingi siya ng report sa doktor para masuri kung ang himala ay maaaring irekord. Nagpunta kami ng asawa ko sa Lebanon noong Huly0 2016 para pasalamatan si San Sharbel at maitala ang himala sa Monastery of St. Maron kung saan nabuhay at nakalibing ngayon si San Sharbel. Ako ang ika-120 na himalang naitala noong taon na iyon.
Ang pagtungo sa Lebanon ay isang dalisay na biyaya – tumimo sa puso ko. Sobrang payapa ng monasteryo. Maaari kang manatili doon habang buhay.
Naniniwala si Margaret na ang himala ay nagpalakas ng pananampalataya ng kanyang pamilya sa Diyos. Naniniwala din siyang ang himala ay tanda ng dakilang pagmamahal ng Diyos kay San Sharbel.
Sinabi ni Pope John Paul II na ang ating simbahan ay humihinga lang sa bisa ng isang baga (lung). Nagdasal ako sa lahat ng kilala kong mga santo sa Western Church. Wala akong kilala sa mga santo ng Eastern Church. Nang maghimala sa akin si San Sharabel, parang sinabi ng Diyos na ito ang isa pang baga (lung) na hindi ko nalalaman. At dapat nating malaman lahat, ang dami pang dapat malaman. Nagdasal ako kay Padre Pio dahil may debosyon ako sa kanya. Lahat ng mga santo ay kahanga-hanga. Si Santa Teresita – walang sagot. Hanggang si San Sharbel, na napakatahimik. Hindi naman parang sinabi niyang “Ako ang bahala dito.” Basta nawala lang ang sakit. Ganoon lang tulad sa buhay niya, napakatahimik niya.