Nakasulat sa malikhaing Arabic, sumasagisag sa pangalan ng pamayana at sa bukod espirituwal at pamilya.
Ang Talukbong ng Monghe (Iskeem)
Ang talukbong ng monghe ay sagisag ni San Sharbel, ama at patron ng Family. Kumakatawan din ito sa mga monghe na siyang mga saksi sa isang buhay na nakatalaga sa, at radikal na pagsasabuhay ng Ebanghelyo.
Ang Barko
Ito ang barko ng kaligtasan, at sagisag ng Iglesiang Banal, Katolika at Apostolika.
Ang Isda
Gamit ng mga sinaunang Kristiyano, ang isda ay tanda ng ating Panginoong Hesukristo, ang Panginoon at Tagapagligtas (Ichtus sa Griyego).
Ang Krus
Ang Krus ay sagisag ng pagmamahal ng Diyos at ng nagtutubos na sakripisyo ng Kanyang Kaisa-isang Anak, ang Panginoong Hesukristo – ang tanda ng lubos, malaya, walang hangganan at walang kondisyon na pagmamahal.
Ang Espiritu Santo
Ang Diyos Espiritu Santo ang buklod ng pagkakaisa at ng pagmamahal ng Family at ang batayan nito.
Ang Banal na Kasulatan
Ang Banal na Kasulatan ang naglalaman ng karanasan ng tao sa piling ng Diyos, sa mga aral ng Panginoong Hesukristo, at sa mga karanasan ng Simbahan. Ito ay bukal ng pagninilay at panalangin at gabay sa buhay.
Ang Apoy
Ang Apoy ay sagisag ni Kristo, ang Liwanag ng daigdig, at ng lampara ni San Sharbel.