Himala Ng Pagpapagaling Kay Homer WigginS
Isinilang ako noong Disyembre 23, 1955 sa Alabama at nanirahan doon hanggang 1984 hanggang lumipat kami ng aking asawa sa Richmond, Virginia. Retirado na ako sa US Postal Service at may isang anak. May asawa na siya at dalawang anak. Katoliko ako.
Noong Agosto 2019, isinugod ako sa ospital dahil sa matinding sakit ng tiyan at pagdurugo.
Doon sa emergency room, natuklasang may kanser ako sa bituka. Naoperahan ako matapos ang dalawang araw. Tumagal ito ng limang oras. Sa recovery room nagkaroon ako ng pangitain ng isang lalaking nakatayo hindi malayo sa paanan ng aking kama. Nakaitim na damit pampari siya, may nakapalibot na liwanag sa kanyang katawan at mayroon siyang puting balbas. Nakayuko siya.
Sa kabila ng silid, abala ang mga nars sa pagta-type sa computer. Malakas na sinabi ng isa, “San Sharbel.” Pagkatapos, isa pa ang nagsabi, “San Sharbel,” at ang ikatlo, patanong na sinabi, “San Sharbel?” Inulit ng unang nars, “San Sharbel, hanapin ninyo!”
Nakatulog ako muli at matapos ang ilang sandali, nadinig ko ang mga nars na ginigising ako.
Kung hindi ko nadinig ang mga nagsasabi ng pangalang San Sharbel, aakalain kong iyon ay si San Benito. Minsan kong nadinig si San Sharbel subalit wala akong alam sa kanya malibang siya ay mula sa Lebanon. Hindi ko alam kung ano ang itsura niya. Minsang nakita ko sa isang website sa “santo ng bawat araw” ang ngalang San Sharbel subalit hindi ako nagsaliksik pa.
Matapos kong sabihin sa ilang tao ang aking pangitain, isang kaibigan ang nagsabi na si San Sharbel ay isang santong kilala sa pagpapagaling. Kinabukasan, isang kaibigan ang nagdala sa akin ng langis ni San Sharbel at isang prayer card. Nagsimula akong magdasakl kay San Sharbel para sa isang positibong lunas sa kanser at ginamit ko din ang banal na langis.
Naghintay ako ng isang linggo upang malaman kung ang kanser ko ay kumalat na at kung malala ito. Hindi ko na kailangan ang chemotherapy. Ngayon wala na akong kanser.
Dalawang buwan bago ang aking colon cancer surgery, natuklasang may type-2 diabetes ako. Uminom ako ng gamot, subalit matapos akong lumabas ng ospitalm, ang diabetes ko ay lubhang bumuti at hindi ko na kailangan ang gamot at ang blood sugar ko ay bumaba na kaya ko na itong pigiling tumaas sa pamamagitan ng diyeta. Nais kong isiping si San Sharbel ay responsable sa aking paggaling dahil nagdasal ako sa kanya na tulungan akong gumaling sa mga karamdaman.
Namangha ang aking pamilya at mga kaibigan sa aking karanasan at nagsimula silang magsaliksik pa kay San Sharbel. May nagsabing isang Muslim na Lebanese ang nakarinig ng aking karanasan mula sa pamilya ng aking manugang na babae at ngayon ito ay interesado na sa pananampalatayang Katoliko.
Nais kong ibahagi ang patotoo ko at umaasa akong makatulong sa pagkalat ng debosyon kay San Sharbel.