Mga Himala Ni San Sharbel
Mula kanyang Pagkakatawang-tao, ang ating Panginoong Hesukristo ang siyang bukal ng lahat ng himala tulad ng malinaw na isinasaad sa Bagong Tipan. Higit pa dito, ang mga banal na tao, “ang lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos… At yamang mga anak, tayo'y mga tagapagmana ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Cristo. Sapagkat kung tayo'y kasama niya sa pagtitiis, tayo'y makakasama niya sa kanyang kaluwalhatian (Rom. 8 14-18).
|
Sa kanyang buhay, si San Sharbel ay lumayo sa mga makalupang bagay at naghandog ng buong sarili sa Diyos. Mula sa pagkabata itinalaga niya ang panahon niya sa panalangin, at sa halimbawa ng dalawang amaing monghe, naakit siya sa buhay sa monasteryo.
Dalawampu’t-tatlong taon siyang nabuhay bilang binyagan, at dalawampu’t-tatlo din bilang monghe at pari, at ang huling dalawampu’t-tatlo ay bilang isang ermitanyo. Natulog siya ng kaunting oras lamang sa gabi, naglaan ng maraming oras sa paghahanda sa Banal na Eukaristiya, madasaling nagtrabaho sa bukid, at nagbabad sa pagsamba sa Banal na Sakramento at sa pagninilay sa Salita ng Panginoon. Nabuhay siya sa karukhaan, katahimikan, pagtalima, pag-aayuno, at abstinensya. Tinanggap niya ang insult at pagkapahiya na may pagmamahal sa kapwa.
|
Mga himala sa kanyang buhay: Nagpahiwatig ang Diyos kay San Sharbel sa iba’t-ibang panahon sa pamamagitan ng impluwensya niya sa mga hayop (mga balang, mga ahas…); nagpagaling din siya ng mga maysakit, nagdasal para sa babaeng hindi magka-anak, nagpalayas ng mga demonyo, at naging kasangkapan sa espirituwal na pagbabalik-loob ng iba pa.
Para sa mga himalang ginamit sa kanyang beatification at canonization, dalawin ang Talambuhay section.
Para sa mga himalang ginamit sa kanyang beatification at canonization, dalawin ang Talambuhay section.
Monasteryo ni San Maron sa Annaya, Lebanon. Larawan mula sa Naanouh Productions.
Higit na Maraming mga Himala
Higit sa 33,000 himala ng pagpapagaling ang naitala hanggang ngayon sa rekord ng Monastery of Saint Maron-Annaya. Idagdag pa ang mga hindi mabilang na libu-libong himala na naiulat sa Lebanon at sa ibang bansa na hindi na naitala pa sa mga record.
Higit sa lahat, ang biyaya ng tunay na pagsisisi ay ang pinakamahalaga at natatanging gawain ng Espiritu Santo. Ang Shrine of Saint Sharbel sa Lebanon ay itinuturing na isa sa mga pinakamahalaga sa mga pandaigdigang dambana. Sa banal na lugar na ito, pinabanal ng presensya ni San Sharbel, masasaksihan madalas ang biyaya ng pagbabalik-loob at pagsisisi at pakikipagkasundo sa Diyos at ang kaloob ng isang budhi na pinalaya sa pang-aalipin ng kasalanan.
Buhay si Hesus, nagpapagaling sa nagdurusang sangkatauhan, nagpapatawad ng mga kasalanan na nagdudulot ng kamatayan, at nagbibigay ng buhay na walang hanggan (mula sa aklat na Saint Sharbel From His Contemporaries to our Era, ni Father Hanna Skandar). |
Ang mga balita at impormasyon tungkol sa mga biyaya at himala ni San Sharbel ay patuloy na dumadaloy sa Saint Maron Monastery sa Annaya, kung saan nakalibing ang santo. Halos 4.5 milyong tao ang tumutungo doon taun-taon upang manalangin at hingin ang kanyang pamamagitan.
Si San Sharbel ay isang dakilang tagapamagitan na nagbubuo ng isang tunay na kaugnayan sa mga humihiling sa kanyang panalangin na may pananampalataya at panalanging taimtim. Maraming beses, nagdudulot ito ng himala sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos.
Si San Sharbel ay isang dakilang tagapamagitan na nagbubuo ng isang tunay na kaugnayan sa mga humihiling sa kanyang panalangin na may pananampalataya at panalanging taimtim. Maraming beses, nagdudulot ito ng himala sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos.
Si Nohad El Shamy
Napakaraming mga himala ang naiugnay kay San Sharbel matapos ang kanyang kamatayan. Pinakatanyag ang kay Nohad El Shami, isang 55 taong gulang (noong panahon ng himala) na ina ng 12 anak, na gumaling sa “partial paralysis” (nagdusa siya ng “left hemiplegia,” na nakaapekto sa kanyang binti, braso at bibig).
Isinalaysay niya na noong Enero 9, 1993, nakita niya sa panaginip ang dalawang mongheng Maronite na nakatayo sa tabi ng kanyang kama. Isa dito ang naglagay ng mga kamay sa kanyang leeg at nag-opera sa kanya, nabawasan ang kanyang sakit dahil dito, at ang isa naman ay naglagay ng isang unan sa kanyang likod. Nang magising siya, natuklasan ni Nohad na may dalawang sugat siya sa leeg, magkabila, at siya ay lubos nang gumaling. Nang sumunod na gabi, sinabi ni San Sharbel sa kanya sa panaginip: |
“… Inoperahan kita sa Kapangyarihan ng Diyos upang kung makita ka ng mga tao, dahil marami na ang lumayo sa pagdarasal, sa pagdalo sa simbahan, at sa paggalang sa mga santo, at wala kang magagawa sa mga tao! Subalit sinumang may kailangan sa akin, akong si Padre Sharbel ay laging naroon sa aking bahay-ermitanyo. Hinihiling kong dalawin mo ang bahay-ermitanyo sa tuwing ika-22 ng bawat buwan at dumalo ng Banal na Misa, habang ikaw ay nabubuhay.”
|
Iba pang mga Biyaya at Pagpapagaling
Mula 1950 hanggang ngayon, hindi tumitigil ang mga monghe sa Saint Maron Monastery sa Annaya, na itala ang mga biyayang kaakibat ng pamamagitan ni San Sharbel. Ang mga himalang naganap ay hindi mabilang at nakatago ang talaan sa monasteryo.
Mabuting banggitin dito na ang mga himalang ito, mula sa buong mundo at sa mga tao na iba’t-iba ang relihyon (Kristiyano, Muslim…) ay maitatala lamang matapos na mapatunayan ang katotohanan at suriin kung dapat na paniwalaan. Karamihan sa mga pisikal na pagpapagaling ay mga hindi magamot at talamak na karamdaman at ang paggaling nila ay iba’t-iba ang paraan depende sa sitwasyon ng tao. Mayroong gumaling dahil sa panalangin, o sa banal na langis o insenso, o sa pagsusuot ng banal na sinturon o kasuotan, o sa pagdalo sa Misa sa libingan ng santo o sa bahay-ermitanyo, o sa nobena kay San Sharbel. Ang mga pagpapaling na ito ay higit pa sa pisikal at tumutukoy din sa kaluluwa ng mga gumaling, nag-aakay pabalik sa Diyos mula sa buhay ng kasalanan. Isang karaniwang mapapansin sa mga himala ay ang paniniwala sa kapangyarihan ng ating Panginoong Hesukristo na kumikilos sa pamamagitan ng kanyang tapat na lingkod na si San Sharbel. |
Daan-daang mga dokumentadong himala (suportado ng kumpletong rekord medikal) ang itinatala bawat taon (hanggang ngayon) sa monastery sa Annaya (kung saan naroroon ang libingan ng santo). Sa ilang pagkakataon (kapistahan ng santo at iba pa), ang mga monghe ay naiulat na nagbigay ng Banal na Komunyon sa 300,000 na mga mananampalataya. Sa nakalipas na 22 taon, ang “phenomenon” ni San Sharbel ay naibalita ng media (maging conventional o social media). Marami nang report at aklat ang nasulat sa higit sa sandosenang mga wika (Arabic, Russian, Polish, Spanish, German, Italian, Portuguese, French).