Tungkol sa Amin
Ang “Family of Saint Sharbel USA” ay isang samahang “non-profit” na itinatag upang makatulong sa misyon ng pagpapahayag ng SImbahang Katoliko sa buong mundo sa pamamagitan ng espirituwalidad ni San Sharbel.
Humuhugot ng inspirasyon sa diwa ni San Sharbel, ang mga kasapi ng samahan ay naglilingkod bilang mga misyonero ng panalangin at mga alagad ni Kristo sa mundo. Nagtitipon sila sa panalangin bilang pamayanan, nagsusulong ng mga aral ni Hesukristo, at nagsisikap na isabuhay ang mga ito.
|
Ang mga kasapi ay maaaring mga pari, monghe, madre, at mga binyagan na nagsasama-sama sa Banal na Eukaristiya, pagtuturo, panalangin, pagdarasal ng Rosaryo, at mga banal na pagsasanay (retreats) at mga araw ng rekoleksyon.
Ang Family of Saint Sharbel ay nakatalaga sa misyon ng pagpapahayag sa pagsunod sa Panginoong Hesukristo at sa pagtulong sa mga nangangailangan, maging pinansyal, moral at espirituwal.
|
Ang Family of Saint Sharbel ay nagsimula matapos na ang tagapagtatag na si Raymond Nader, ay nagkaroon ng mistikal na karanasan sa Hermitage of Saints Peter and Paul* sa Annaya** sa mga gabi ng Nobyembre 9-10, 1994. Nag-iwan ang karanasang ito ng isang mapaghimalang marka sa braso at sa puso niya na nagbago sa kanyang buhay at sa buhay ng iba pang mga tao.
|
Matapos ang karanasang ito, ilang tao ang sumamang magdasal kay Raymond Nader sa ibang lugar, kabilang ang Annaya, lumago ang kapisanan hanggang maging isang grupo, ang “Family of Saint Sharbel” noong Agosto 11, 1995.
|
Hanggang 2022, ang mga pakikipagtagpo ni Raymond kay San Sharbel ay naulit na nang 100 beses. Lahat ay naganap sa Annaya sa Lebanon maliban sa dalawang beses sa simbahan ng Most Holy Trinity Monastery sa USA. Sa mga pakikipagtagpong ito, ang marka ay nananariwa isa o dalang beses bawat taon. Nakatanggap na si Raymond ng 45 mensahe, 16 dito ay nakalathala na sa kasalukuyan.
* Kung saan nanirahan si San Sharbel ng 23 taon ng kanyang buhay.
**Ang kinatatayuan ng Monastery of Saint Maron at ng Sanctuary of Saint Sharbel.
* Kung saan nanirahan si San Sharbel ng 23 taon ng kanyang buhay.
**Ang kinatatayuan ng Monastery of Saint Maron at ng Sanctuary of Saint Sharbel.