The Family of Saint Sharbel-Philippines
  • San Sharbel
    • Talambuhay
    • Mga Himala
    • Mga Patotoo >
      • ​Patotoo Ni Maria G. Foley
      • Patotoo Ni Olivier Giroud-Fliegner
      • Patotoo Ni Georgette Larose
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Margaret Bieser
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Homer Wiggins
      • Ang Himalang Pagpapagaling Kay George Pospisil
    • Mga Panalangin
  • Mga Karanasan
  • Tungkol sa Amin
    • Paliwanag sa Logo
  • Mag-donate
  • Mga wika1
    • English
    • Español
    • Português

Ika-Anim Na Karanasan: Ang Pagpapakabanal Ay Isang Pasya

7/11/2024

 
Picture
​Naghahanap ang mga tao ng mga himala upang maniwala at makakita, at ng mga mensahe, upang makarinig at makaalam, at ng isang landas upang malakaran at marating ang kaligtasan at kaligayahan. Ang himalay ay ang Eukaristiya, ang tanda ay ang Krus, ang mensahe ay ang Mabuting Balita, at ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng Simbahan.
 
1 – Ang pinakamahalaga, pinakadakila, at pinakabanal na tanda ay ang tanda ng Krus. Ang krus ang tanda ng pagmamahal ng Diyos sa iyo; ito din nawa ang maging tanda ng pagmamahal mo sa Diyos. Ang tanda ng Krus ay isang tanda ng pagmamahal, hindi tanda ng pagsubok, at ang liwanag nito ay magniningning sa buong mundo.
 
2 – Ang kaligtasan ng sangkatauhan ay sa pamamagitan ng Simbahan. Ang Simbahan ay nagtataguyod ng proyekto ng kaligtasan, na sinimulan ni Kristo 2000 taon na ang nakararaan, at hindi matatapos hanggat hindi katapusan ng mundo. Lahat ng alon ng kasamaan ay hahampas sa bato ng Simbahan. Italaga ang sarili sa Simbahan at sa kanyang mga aral nang buo, at huwag mamili lamang sa mga ito.
 
3 – Ang pinakamahalaga at pinakadakilang mensahe ay ang mensahe ng Mabuting Balita, na nagtataglay ng katuruan ni Kristo. Walang isa man sa Kanyang mga salita ang lilipas bago lumipas ang mundo. Sinumang hindi nakakaalam ng Mabuting Balita ay nananatiling mangmang at nakatira sa kadiliman, kahit pa nasa kanya ang lahat ng kaalaman ng mundo. Sinumang hindi nagsasabuhay ng Mabuting Balita ay hindi nabubuhay. Ang katotohanan ng Mabuting Balita ay palaging nananatili.
 
4 – Ang pinakamahalaga at pinakadakilang himala ay ang Banal na Eukaristiya, ang Katawan ni Kristo, ang Korderong Pampaskuwa na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo, ang buhay na Diyos na muling nabuhay mula sa mga patay.
 
Walang kabuluhan ang paghahanap ng mga mas mahalaga pang tanda kaysa sa tanda ng Krus. Huwag humingi ng mga mensahe na paniniwalaan mong mas mahalaga pa kaysa Mabuting Balita. Huwag maghanap ng iyong kaligtasan sa labas ng Simbahan ni Kristo. Huwag maguluhan, naghahabol ng mga himalang nakama-mangha sa mga mata. Wala nang higit pa sa himala ng Banal na Eukaristiya. Lumayo sa mga mapanlinlang na mahika dahil magdadala ito sa iyo sa kawalan.
 
Iwasan ang tanda na hindi magdadala sa iyo sa tanda ng Krus. Huwag pansinin ang mensahe na hindi nag-uugat sa Mabuting Balita. Tanggihan ang himala na hindi magdadala sa iyo sa Eukaristiya, at sa pamamagitan ng Simbahan, makikilatis mo silang lahat. Sa pamamagitan ng Krus, ikaw ay mapababanal. Nilikha ka ng Diyos upang maging banal at hindi upang mamatay.
 
Ang kabanalan ay hindi nagkakataon lamang, ang kabanalan ay isang pasya. Huwag maghintay na bumaba ito sa iyo mula sa labas; dapat mo itong isabuhay at kamtin mula sa loob. Ang Kaharian ng Diyos ay nasa iyong puso.
 
Ang kabanalan ay biyaya at kalooban; ang biyaya ay mula sa Diyos at ang kalooban ay mula sa iyo.
 
Ikaw ay maaaring maging santo; magsikap na maging tunay na santo.

Comments are closed.

    Mga Karanasan

    Ang Karanasan Ni Raymond Nader Kay San Sharbel
    Unang Karanasan
    Ikalawang Karanasan
    ​Ikatlong Karanasan
    Ika-Apat Na Karanasan
    ​Ikalimang Karanasan
    Ika-Anim Na Karanasan
    Ikapitong Karanasan
    Ikawalong Karanasan
    Ikasiyam Na Karanasan
    Ika-Sampung Karanasan
    ​Ika-Labing-Isang Karanasan
    ​Ikalabing-Dalawang
    Karanasan

    ​Ikalabing-Tatlong Karanasan
    ​Ikalabing-Apat Na Karanasan
    Ikalabing-Limang Karanasan
    Ikalabing-Anim Na Karanasan
    ​Mga Sipi Mula Sa Nalalabing Lima Pang Mensahe

Pamilya ni San Sharbel USA
​9340 Braymore Circle, Fairfax Station, VA 22039
  • San Sharbel
    • Talambuhay
    • Mga Himala
    • Mga Patotoo >
      • ​Patotoo Ni Maria G. Foley
      • Patotoo Ni Olivier Giroud-Fliegner
      • Patotoo Ni Georgette Larose
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Margaret Bieser
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Homer Wiggins
      • Ang Himalang Pagpapagaling Kay George Pospisil
    • Mga Panalangin
  • Mga Karanasan
  • Tungkol sa Amin
    • Paliwanag sa Logo
  • Mag-donate
  • Mga wika1
    • English
    • Español
    • Português