The Family of Saint Sharbel-Philippines
  • San Sharbel
    • Talambuhay
    • Mga Himala
    • Mga Patotoo >
      • ​Patotoo Ni Maria G. Foley
      • Patotoo Ni Olivier Giroud-Fliegner
      • Patotoo Ni Georgette Larose
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Margaret Bieser
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Homer Wiggins
      • Ang Himalang Pagpapagaling Kay George Pospisil
    • Mga Panalangin
  • Mga Karanasan
  • Tungkol sa Amin
    • Paliwanag sa Logo
  • Mag-donate
  • Mga wika1
    • English
    • Español
    • Português

Ikasiyam Na Karanasan: Ang Taluhog (Axis) Ng Sansinukob

7/11/2024

 
Picture
​Ang buong sansinukob ay umiikot sa hiwaga ng Krus. Bawat tao ay nag-iisip na ang sansinukob ay umiikot sa kanya at na siya ang taluhog (axis) ng sansinukob.
 
Ang Krus ang taluhog ng sansinukob, at sinumang nais maging taluhog ng sansinukob ay dapat makasama ng Siyang Nakapako sa Krus. Ang hindi nabubuhay sa hiwaga ng Krus ay hindi makauunawa sa hiwaga ng sansinukob: Bawat isa ay may anyo at pag-iral sa panahon at lugar, tulad ng isang pirasong yelo, at upang manatili ang kanilang pag-iral, ang mga tao ay takot lumapit sa apoy para hindi matunaw. Ano ang gamit ng yelo kung mananatili ang anyo nito? Kung hindi matutunaw at magiging tubig, hindi ito tatagos sa lupa at magdidilig sa mga puno, at hindi makapapawi ng uhaw. Huwag matakot lumapit sa apoy na tutunaw sa iyo, dahil gagawin ka nitong nagbibigay-buhay na tubig na pandilig sa lupa. Hayaan mong ang pag-ibig mo ay maging tila lusaw na tumatagos sa lahat ng lugar; huwag manatiling matigas na yelo at bigyan ng anyo at disenyo ito dahil hindi ito makapapasok saanman.
 
Ang asin na hindi natutunaw ay hindi makapagpapalasa. Ang panis na asin ay nagpapadumi ng tubig na dapat nitong bigyang lasa at nakakapanis ito ng pagkain. Ang mabuting asin ay natutunaw sa tubig at walang ipinapakitang anyo, kulay, o pagkakilanlan, subalit nagdudulot ito ng lasa.
 
Ikaw ang asin ng mundo. Kung gagawin mong ang buhay mo ay pag-aari mo, magiging mumurahin ito. Habang ibinibigay mo ang iyong sarili, lalong nagkakahalaga ito, at kapag narating na ang sukdulang halaga, nagiging pag-aari ng lahat. Ang tinapay ay pareho lang, maging sa lamesa ng mayaman o mahirap. Ang masarap na tinapay ay hindi nagtatanong kung sino ang kakain dito paglabas sa urno; ang tinapay ay dapat kainin. Ang mabuting tao ay isang mabuting tinapay. Ang kasaysayan ng sangkatauhan ay hungkag kung wala ang krus dahil ito ay lumilipas na kasaysayan, samantalang ang krus ay matatag, hindi nagbabago. Ang sarili mong kasaysayan ay magiging hungkag kung wala ang Krus dahil ikaw ay lilipas, at tanging si Kristong Nakapako ang nagbibigay-buhay sa iyo at nagpapatibay sa iyo ng buhay na walang hanggan. Ang Krus ang siyang magpapabanal sa iyo sa tamang panahon.
 
Ang simula ng sangnilikha, ang kasalukuyang panahon, at ang katapusan ng daigdig ay nagaganap lahat, para sa Diyos, sa kasalukuyan. Pabanalin ang kasalukuyang sandali ng iyong buhay sa pamamagitan ng pag-ibig; at mauunawaan mo ang hiwaga ng buhay na walang hanggan sa presensya ng Diyos. Ang tao ay imortal sa pamamagitan ng pagmamahal ng Diyos. Pabanalin ang panahon, pabanalin ang buhay mo, pabanalin ang bawat sandali ng buhay mo. Huwag magpa-abala sa pag-ikot ng orasan. Hindi mo mapatitigil ang pag-ikot ng orasan, subalit kaya mong maging handa sa pagtunog ng orasan. Ang sinumang nag-aalis sa Diyos sa kanyang buhay, isip at puso ay dudurugin ng panahon at malulunod sa kamatayan. Hindi nangangahulugan ito na wala na ang Diyos, kundi na ang taong ito ang nawawala na.
 
Kung paanong ibinubunyag ng liwanag sa mga mata ang mga umiiral, si Kristo ay nagbubunyag sa isip at puso ng pag-iral. Kung walang ilaw, ang mga mata ay bulag sa umiiral, at kung wala si Kristo, ang tao ay bulag sa pag-iral. Nilikha ng Diyos ang mga bagay at nilagyan ng kaayusan. Nilikha din niya ang isip at itinanim ang espiritu at binigyan ng buhay. Kung paanong sa pamamagitan ng rason at pagsuri, nauunawaan ng isip ang kaayusan at nauunawaan ang mga bagay, gayundin naman sa pamamagitan ng pananampalataya, panalangin, at tunay na pagsamba, ang espiritu ay nagbubunyag ng pagmamahal ng Diyos at ng hiwaga ng sansinukob, at nagbibigay buhay.
 
Ang ibang bulaklak ay pinipitas sa tagsibol para maging palamuti, ang ibang bulaklak ay tumatanda at iniiwan hanggang sa taglagas para sa binhi, samantalang ang iba pa ay hinahayaang ikalat ng hangin ang mga talulot upang dalhin sa malayo at punuin ang mundo ng kanilang bango.
 
Sa lahat ng sandali, may karunungan ang Diyos. Manalanging maunawaan ang karunungan ng Diyos at isabuhay ang Kanyang kalooban, at hindi ang baguhin ang Kanyang kalooban. Ang kalooban ng Ama mo ay laging kabutihan mo. Laging taglayin ang bango ng roble (oak) at tim (thyme), at huwag kunin ang mga kulay ng mundong ito at mapuno ng kanilang mga amoy. Ang mga haplos ng mga daliri ng Diyos sa iyo ay mas mahalaga kaysa anumang ibihis ng mundo sa iyo. Maglakad nang matatag sa landas ng kabanalan, at hayaan si Kristong mabuhay sa loob mo. Gayon, mabubuhay ka sa puso ng hiwaga ng sansinukob, sa pinagmumulan ng liwanag.

Comments are closed.

    Mga Karanasan

    Ang Karanasan Ni Raymond Nader Kay San Sharbel
    Unang Karanasan
    Ikalawang Karanasan
    ​Ikatlong Karanasan
    Ika-Apat Na Karanasan
    ​Ikalimang Karanasan
    Ika-Anim Na Karanasan
    Ikapitong Karanasan
    Ikawalong Karanasan
    Ikasiyam Na Karanasan
    Ika-Sampung Karanasan
    ​Ika-Labing-Isang Karanasan
    ​Ikalabing-Dalawang
    Karanasan

    ​Ikalabing-Tatlong Karanasan
    ​Ikalabing-Apat Na Karanasan
    Ikalabing-Limang Karanasan
    Ikalabing-Anim Na Karanasan
    ​Mga Sipi Mula Sa Nalalabing Lima Pang Mensahe

Pamilya ni San Sharbel USA
​9340 Braymore Circle, Fairfax Station, VA 22039
  • San Sharbel
    • Talambuhay
    • Mga Himala
    • Mga Patotoo >
      • ​Patotoo Ni Maria G. Foley
      • Patotoo Ni Olivier Giroud-Fliegner
      • Patotoo Ni Georgette Larose
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Margaret Bieser
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Homer Wiggins
      • Ang Himalang Pagpapagaling Kay George Pospisil
    • Mga Panalangin
  • Mga Karanasan
  • Tungkol sa Amin
    • Paliwanag sa Logo
  • Mag-donate
  • Mga wika1
    • English
    • Español
    • Português