The Family of Saint Sharbel-Philippines
  • San Sharbel
    • Talambuhay
    • Mga Himala
    • Mga Patotoo >
      • ​Patotoo Ni Maria G. Foley
      • Patotoo Ni Olivier Giroud-Fliegner
      • Patotoo Ni Georgette Larose
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Margaret Bieser
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Homer Wiggins
      • Ang Himalang Pagpapagaling Kay George Pospisil
    • Mga Panalangin
  • Mga Karanasan
  • Tungkol sa Amin
    • Paliwanag sa Logo
  • Mag-donate
  • Mga wika1
    • English
    • Español
    • Português

Ikalabing-Anim Na Karanasan: Bawat Pamily Ay Banal Na Pamilya

7/11/2024

 
Picture
Ang pamilya ng tao sa mundo ay larawan ng Banal na Pamilya sa langit. Ang pamilya ay dumadaan sa plano ng Diyos mula sa isang salinlahi patungo sa susunod pang salinlahi. Ipinapasa nito ang pag-ibig at salita ng Diyos sa pamamagitan ng mga salinlahi. Ang pagbagsak ng pamilya ay nangangahulugan ng pagbagsak ng plano ng Diyos sa sangkatauhan. Nangangahulugan ito ng pagkawasak ng mensahe ng kaligtasan at kabanalan sa sangkatauhan. Bawat pamilya ay banal na pamilya sapagkat ito ay larawan ng Tatlong Persona sa IIsang Diyos (o Sangtatlo). Ang karupukan ng pamilya ay karupukan ng larawan ng Diyos. Dinadala ng pamilya ang sulo ng liwanag at ipinapasa ito mula sa isang salinlahi hanggang sa susunod pa upang manatiling nakasindi ang ilaw ng Panginoon.
 
Ang pamilya ang lubid na nagbubuklod sa sangkatauhan sa panahon at nagbibigkis sa mga salinlahi sa kasaysayan upang ang sangkatauhan ay lumago at dumami. Kapag ang lubid na nagbubuklod sa sangkatauhan ay napatid, at ang sangkatauhan ay nahiwalay sa kanyang kasaysayan, tayo ay magiging mga ligaw na salinlahi na walang kasaysayan o pagkakilanlan. Ang pamilya ay ang nagbibigay sa mga tao ng pagkakilanlan bilang tao at nagtatatak ng larawan ng Diyos sa kanila. Ang pamilya ang nag-iingat ng ala-ala ng sangkatauhan; ang sangkatauhang walang pamilya ay sangkatauhang walang ala-ala. Ang taong walang ala-ala ay paikot-ikot lang, at ang sangkatauhang walang ala-ala ay hihinto sa kasaysayan at mamamatay.
 
Ang pamilya ang batayan ng plano ng Panginoon. Ang mga kampon ng kasamaan ay nakatuon sa pagwasak sa pamilya dahil alam nilang sa pagwasak sa pamilya, mayayanig ang pundasyon ng plano ng Diyos. Ang pakikidigma ng Masama laban sa Panginoon ay ang pakikidigma niya laban sa pamilya, at ang pakikidigma ng Masama laban sa pamilya ang buod ng kanyang pakikidigma laban sa Panginoon. Dahil ang pamilya ang larawan ng Diyos, sa simula pa lamang ng paglikha sa sansinukob, ang Masama ay nakatuon nang was akin ang pamilya, ang pundasyon ng plano ng Diyos.
 
Ang pamilya ang lugar kung saan nakikipagtalastasan siya sa Diyos at sa kanyang mga kapati sa sangkatauhan. Kung walang pamilya, ang pakikipagtalastasang ito ay mawawasak at walang anumang makababawi nito, at kung subukan ng tao na muling maki-ugnay gamit lamang ang kasangkapan ng tao, magiging marupok, mahina, at baluktot ito, at ang sangkatauhan ay magkakasakit at magiging baluktot – kumikilos patungo sa dahan-dahang kamatayan.
 
Pangalagaan ang inyong mga pamilya at ilayo sila sa mga pakana ni Satanas sa pamamagitan ng pagpapanatili ng presensya ng Diyos sa kanila. Ipagtanggol at panatiliin sila sa pamamagitan ng panalangin at pakikipag-usap, sa pamamagitan ng pagkakaunawaan at pagpapatawad, sa pamamagitan ng pagsasabi ng katotohanan at katapatan, at higit sa lahat, sa pamamagitan ng pakikinig. Makinig sa bawat isa sa pamamagitan ng inyong mga tainga, mata, puso, bibig, at mga palad ng kamay, at ilayo sa ninyo ang umuungol na ingay ng mundo sa inyong mga pamilya, dahil ito ay parang rumaragasang bagyo at mga malalaking alon; kapag nakapasok ito sa tahanan, tatangayin lahat at ikakalat ang lahat. Panatiliin ang alab ng pamilya, dahil ang alab ng mundo ay hindi makapapantay dito.

Comments are closed.

    Mga Karanasan

    Ang Karanasan Ni Raymond Nader Kay San Sharbel
    Unang Karanasan
    Ikalawang Karanasan
    ​Ikatlong Karanasan
    Ika-Apat Na Karanasan
    ​Ikalimang Karanasan
    Ika-Anim Na Karanasan
    Ikapitong Karanasan
    Ikawalong Karanasan
    Ikasiyam Na Karanasan
    Ika-Sampung Karanasan
    ​Ika-Labing-Isang Karanasan
    ​Ikalabing-Dalawang
    Karanasan

    ​Ikalabing-Tatlong Karanasan
    ​Ikalabing-Apat Na Karanasan
    Ikalabing-Limang Karanasan
    Ikalabing-Anim Na Karanasan
    ​Mga Sipi Mula Sa Nalalabing Lima Pang Mensahe

Pamilya ni San Sharbel USA
​9340 Braymore Circle, Fairfax Station, VA 22039
  • San Sharbel
    • Talambuhay
    • Mga Himala
    • Mga Patotoo >
      • ​Patotoo Ni Maria G. Foley
      • Patotoo Ni Olivier Giroud-Fliegner
      • Patotoo Ni Georgette Larose
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Margaret Bieser
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Homer Wiggins
      • Ang Himalang Pagpapagaling Kay George Pospisil
    • Mga Panalangin
  • Mga Karanasan
  • Tungkol sa Amin
    • Paliwanag sa Logo
  • Mag-donate
  • Mga wika1
    • English
    • Español
    • Português