The Family of Saint Sharbel-Philippines
  • San Sharbel
    • Talambuhay
    • Mga Himala
    • Mga Patotoo >
      • ​Patotoo Ni Maria G. Foley
      • Patotoo Ni Olivier Giroud-Fliegner
      • Patotoo Ni Georgette Larose
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Margaret Bieser
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Homer Wiggins
      • Ang Himalang Pagpapagaling Kay George Pospisil
    • Mga Panalangin
  • Mga Karanasan
  • Tungkol sa Amin
    • Paliwanag sa Logo
  • Mag-donate
  • Mga wika1
    • English
    • Español
    • Português

Ika-Apat Na Karanasan: Nariyan Ang Kahinaan Upang Iyong Mapagtagumpayan

7/11/2024

 
Picture
​(Tinangaap ni Raymond ang mensaheng ito sa Biyernes Santo ng 1996)
 
Bawat seradura o padlock ay may susi, at bawat pinto ay may kandado na mabubuksan lamang ng susi nito. Isinarado ng kamatayan ang pintuan ng langit at ikinandado naman ito ng kasalanan. Ang krus ang susi na kumakalag sa seradura ng kasalanan, nagbabakbak ng kandado ng kamatayan, at nagbubukas ng pinto ng langit. Ang Krus ang susi ng pintuan ng langit; walang ibang susi.
 
Ang pinto ng langit ay kung saan nagtatagpo ang langit at lupa, sa tuktok ng Golgota. Ang pintong ito ay malinaw, mahihipo, at makikita, at lahat ng taong may mata ay mamamasdan  ito. Akala ng iba wala itong kandado at bukas sa sinumang tutulak dito. Subalit kapag nilapitan mo ang pinto, mauunawaan mong mayroon itong kandado at mabubuksan lamang ito ng sariling susi.
 
Hindi makikilala ang tunay na susi malibang ipasok ito sa seradura. Isa lang ang tanging tunay na susi: Ang Krus ni Kristo. Huwag nang magpagod na maghanap ng ibang susi maliban sa Krus na nagbubukas ng pinto ng langit, at huwag mag-abalang gumawa ng ibang susi. Maraming tao ang nagsasayang ng buhay nila sa paggawa ng kanilang sariling susi; humuhulma at tumutuklas ng sariling disensyo ng susi, sa paniniwalang ang mga ito ang magbubukas ng pinto para sa kanila. Maraming tao ang nanlilibak sa Krus ni Kristo. Subalit sa pinto ng langit, ang katotohanan ay mabubunyag, at lahat ng susi ay papalya.
 
Lahat ng paglalakbay ng inyong buhay ay tungo sa pintong ito; at sa dulo ng paglalakbay, maaaring taglay mo ang susi at makakapasok ka sa pinto, o tatayo ka doon hawak ang susi na pinag-aksayahan mo ng buhay mo, at ngayon ay bibigo at sisiphayo sa iyo. Tanggapin mo ang Krus ni Kristo, at mahahawakan mo ang susi ng pinto ng langit.
 
Tanggapin mo ang Krus ni Kristo na may galak, determinasyon, at lakas ng loob. Huwag makinig sa mga nanlilibak, huwag tumigil at umiyak kasama ng mga nananaghoy, at huwag manghinayang kapag nakasama mo ang mga nagsisisi. Ang pag-iyak o panghihinayang ay kapwa hindi makagagawa ng kasaysayan ng kaligtasan, at kahit pa pagdagok sa dibdib at pagtangis ay hindi magbubukas ng pinto ng langit. Ang kasaysayan ng kaligtasan ay nagagawa sa pamamagitan ng mga luha ng tunay na pagsisisi. Isang luha ng pagsisisi ay magbubukas ng pinto ng langit. Ang luha ng pagsisisi ay papatak lamang sa pisngi ng isang matapang na tagasunod.
 
Tanggapin ang Krus ni Kristo at tahakin ang kanyang landas, at tulad niya, magiging katabi mo ang Mahal na Birhen. Sa tuwing masusugatan ka, sabihin: “Kaisa ng mga sugat ni Kristo!” Sa tuwing magdurusa ka, sabihin: “Kaisa ng Iyong pagpapakasakit, O Hesus!” At sa tuwing uusigin, lilibakin, at iinsultuhin ka, sabihin: “Para sa Iyong kaluwalhatian O, Panginoon!”
Nariyan ang iyong kahinaan upang mapagtagumpayan mo at hindi upang gawing palusot. Kung tatanggapin mo ang Krus ni Kristo, hindi ka maitutumba ng sakit, ni hindi madudurog ng hirap, at maglalakad ka na may katatagan, pagtitiyaga, at katahimikan. Kapag dumating ka sa pinto, ang galak ng pagtawid mo sa pasukan nito ay hihigit pa sa sakit at pagod ng iyong paglalakbay, at ang kaligayahan ng iyong pagdating ay hihigit pa sa pagdurusa ng iyong paglalakbay.
 
Ang landas mo tungong Golgota ay napakalayo sa puntong  ito sa mundo, at ang Krus ni Kristo sa Silangan ay nasa iyong mga balikat; marami kang kaaway dahil mga kaaway sila ng Krus. Huwag mo silang gawing kaaway. Kausapin mo sila lagi sa lengguahe ng Krus, kahit na mga kaaway mo sila dahil dito. Ang mga darating na mga buwan at taon ay magiging napakahirap, matindi, mapait, at simbigat ng Krus.
 
Tiisin mo sila na may malalim na panalanging may pananampalataya, may pagtitiyagang kalakip ang pag-asa, at may pag-ibig mula sa Krus. Mapupuno ng karahasan ang mundo, masusugatan ng mga kutsilyo ng kamangmangan at poot ang planeta; lahat ng mga tao ay halos susuray sa sakit, lalaganap ang takot sa buong mundo na tila daluyong na hangin, at gayundin ang kalungkutan sa mga puso ng mga tao. Ang mga taong mangmang at puno ng poot ang magkakaroon ng hawak sa kapalaran ng kanilang mga bayan at mag-aakay sa kanila sa paghihirap at kamatayan sa pamamagitan ng bulag na pagkapoot, na tatawagin nilang katarungan, at sa pamamagitan ng madilim na kamangmangan, na tatawagin nilang pananampalataya. Poot at kamangmangan ang mananaig sa buong daigdig. Subalit ikaw, manatili kang matatag sa pananampalataya at pag-ibig.
 
Ang balat ng lupa ay mababago; ikaw, panatiliin mo ang mukha ni Kristo. Ang mga hangganan, pamayanan at sistema ng tao ay mapapawi at maisusulat na panibago, at ang mga bayan ay babagsak dahil sa apoy at bakal. Ang pag-ibig mo nawa ay maging walang hangganan, ang Simbahan ang maging iyong pamayanan, at ang batas mo, ang Mabuting Balita. Maging angkla na gumagabay sa mga naliligaw, walang tahanan, at naghahanap ng tulong. Sa pamamagitan ng iyong mga panalangin, hihingin mo ang habag, at pauulanin mo ng pag-ibig sa mundo.  Manalangin na ang mga matigas na puso ay lumambot, ang maitim na isip ay mabuksan, at ang mga kalamidad at sindak ay mabawasan. Huwag matakot, sa huli, ang liwanag ni Kristo ang sisikat, ang tanda ng Krus ang magniningning, at ang Simbahan ang magsasabog ng liwanag.
 
Manatiling matatag sa iyong pananampalataya kay Kristo at huwag nang matakot, at magtiwala sa Diyos ng Pagkabuhay at buhay; ang Kanyang kaluwalhatian ay laging dumarating.

Comments are closed.

    Mga Karanasan

    Ang Karanasan Ni Raymond Nader Kay San Sharbel
    Unang Karanasan
    Ikalawang Karanasan
    ​Ikatlong Karanasan
    Ika-Apat Na Karanasan
    ​Ikalimang Karanasan
    Ika-Anim Na Karanasan
    Ikapitong Karanasan
    Ikawalong Karanasan
    Ikasiyam Na Karanasan
    Ika-Sampung Karanasan
    ​Ika-Labing-Isang Karanasan
    ​Ikalabing-Dalawang
    Karanasan

    ​Ikalabing-Tatlong Karanasan
    ​Ikalabing-Apat Na Karanasan
    Ikalabing-Limang Karanasan
    Ikalabing-Anim Na Karanasan
    ​Mga Sipi Mula Sa Nalalabing Lima Pang Mensahe

Pamilya ni San Sharbel USA
​9340 Braymore Circle, Fairfax Station, VA 22039
  • San Sharbel
    • Talambuhay
    • Mga Himala
    • Mga Patotoo >
      • ​Patotoo Ni Maria G. Foley
      • Patotoo Ni Olivier Giroud-Fliegner
      • Patotoo Ni Georgette Larose
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Margaret Bieser
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Homer Wiggins
      • Ang Himalang Pagpapagaling Kay George Pospisil
    • Mga Panalangin
  • Mga Karanasan
  • Tungkol sa Amin
    • Paliwanag sa Logo
  • Mag-donate
  • Mga wika1
    • English
    • Español
    • Português