The Family of Saint Sharbel-Philippines
  • San Sharbel
    • Talambuhay
    • Mga Himala
    • Mga Patotoo >
      • ​Patotoo Ni Maria G. Foley
      • Patotoo Ni Olivier Giroud-Fliegner
      • Patotoo Ni Georgette Larose
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Margaret Bieser
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Homer Wiggins
      • Ang Himalang Pagpapagaling Kay George Pospisil
    • Mga Panalangin
  • Mga Karanasan
  • Tungkol sa Amin
    • Paliwanag sa Logo
  • Mag-donate
  • Mga wika1
    • English
    • Español
    • Português

Ika-Labing-Isang Karanasan: Ang Iyong Kinabukasan Ang Unang Araw Ng Darating Na Daigdig

7/11/2024

 
Picture
​Pagmasdan mo kung paano maingat na gumagawa ng mga pugad ang mga ibon sa himpapawid, nangingitlog, at buong lambing na binabantayan ang mga inakay hanggang magka-pakpak at makalipag, at pangalagaan ang mga puno ng Panginoon. Nagbubuo kayo ng mga pugad, nangingitlog at nagpipisa ng mga supling sa mga punong bulok ang mga ugat. Kinakain ng mga kagaw ang katawan ng mga puno at ang mga gamu-gamo naman ang kumakain sa kanilang mga sanga. Kapag natumba ang puno, kakalat ang iyong pugad, magkakahiwa-hiwalay ang iyong mga inakay, at matitira lang sa iyo ang mga sanga kung saan ka dadapo. Nagpapagod at nagpapagal kayong magbuo ng mga matibay at mainit na mga pugad kung saan lalaki ang inyong mga supling, magkaka-pakpak at lilipag at tuluyang magkakapugad ng sarili nila.
 
Pangalagaan ang puno gaya ng pag-aalaga sa mga pugad. Kung paanong ipinagkatiwala sa inyo ang inyong mga pugad, gayundin ipinagkatiwala din sa inyo ang inyong mga puno. Pangalagaan ang mga ugat, pangalagaan ang mga katawan ng puno, pangalagaan ang mga sanga at pangalagaan ang mga dahon. Ilang pirasong dayami at ilang butil ng lupa lamang ay magiging sapat na para magbuo kayo ng inyong mga pugad; kakanlungan kayo ng mga sanga ng puno at magbibigay lilim sa inyo ang mga dahon. Huwag magtago sa inyong mga pugad at itaas ang mga gilid nito upang magbigay ng seguridad sa inyo; magtrabahong may tiwala sa Panginoon, at ang Panginoon ang magbibigay seguridad sa inyo.
 
Habang nagmamadali kayong tiyakin ang inyong kinabukasan at ang sa inyong mga anak, laging tandaang ang inyong kinabukasan ay hindi ang katapusan ng inyong mga araw sa mundong ito, kundi ang unang araw sa darating na daigdig. Tinitiyak ninyo ang kinabukasan ng inyong mga anak kapag tinitiyak ninyo ang langit para sa kanila. Ang mga anak ninyo ay para sa inyo upang bigyan sila ng buhay, at walang ibang buhay maliban kay Kristo. Ibigay ninyo si Kristo sa inyong mga anak, subalit kung wala sa inyo si Kristo, mahihirapan kayong ibigay Siya sa inyong mga anak.
 
Kung hindi ninyo pababanalin ang sarili, paano ninyo pababanalin ang inyong mga anak? Kung wala si Kristo sa inyo, paano ninyo Siya ibibigay sa inyong mga anak? Kung hindi ninyo ibibigay si Kristo sa kanila, anumang ibibigay ninyo sa kanila ay walang silbi at lumilipas. Maglalaho at titigil ito sa kanila. Hindi mga matatayog na gusali at mga kasiguraduhan ng mundong ito ang nagbibigay sa inyong mga anak ng katiyakan at ng kinabukasan. Bigyan ninyo sila ng kabanalan at mga panalangin, at matitiyak ninyo ang kanilang kaligtasan sa mundong ito at ang kanilang kinabukasan sa darating.
 
Hinahanap ninyo ang inyong tagumpay at ang tagumpay sa buhay ng inyong mga anak, samantalang ang tagumpay sa buhay ay ang tumayo sa harap ng Diyos na walang pagkapahiya.
 
Asikasuhin ninyo ang mga ugat, alagaan ang mga ito, at huwag magsawalang-bahala. Ang pagbungkal sa mga ugat ay tago, hindi nakikita, at nangangailangan ng pagsisikap at paglimot sa sarili. Nakikita ng mga tao ang puno, subalit hindi ang mga ugat o ang inyong paggawa, subalit nakikita at binabasbasan ito ng Diyos na nasa langit. Alagaan ang mga ugat, bantayan ang katawan ng puno, ingatan ang mga sanga, pangalagaan ang mga dahon, at panatiliin ang puno; ang Diyos ang mag-iingat sa inyong mga gawain. Masdan ang puno – na yumayakap, nagbibigay lilim, at nagpapabahay sa inyo – mula sa mga ugat hanggang sa dulo ng mga sanga nito, maging anupaman ang sukat ng inyong mga pugad.
 
Parehong panahon lang ang lumilipas para sa mabuti at sa masama, at kung ang mga mabubuti ay hindi pupunuan ng kabutihan ang panahon, ang mga masasama ang magpupuno dito ng kasamaan, at ang panahon ay magiging walang laman. Bawat sandali ng iyong buhay ay isang buslo na nakalagay sa harapan ninyo upang punuan mula sa inyong ani, sa inyong gapas, at sa inyong mga pananim. Nananatili ito sa harap ninyo nang isang saglit, at pagkatapos ay maglalaho at lilipas at hindi na maibabalik pa. Kung titigil kayo at lilingon at magmamasid sa mga busong walang laman, tanging ang mga luha ng inyong pagsisisi, sa awa ng Diyos, ang pupuno nito mula sa biyaya ng Diyos. Sapat na sa inyo ang biyaya ng Diyos; at ang bawat sandali ay isang patak ng walang hanggan kung pupunuan ninyo ito ng Diyos. Huwag pabayaang agawin ng mundo ang mga buso ng iyong buhay, dahil ang mga buslo ay magiging walang laman, at mag-iiwan lang kayo ng mga tumpok ng dayami na masusunog at na walang matitira.
 
Huwag makipag-diyalogo sa Demonyo. Tapusin ang pakikipag-usap sa kanya bago pa mabigkas ang unang salita at laging panatiliin ang inyong diyalogo sa Diyos. Ayusin ang inyong bubong matapos ang bawat ulan, dahil kung pababayaan ang ganitong gawain, darating ang matinding mga daluyong, baha, at niyebe, papasok ang tubig sa mga balangkas, at ang kisame ay babagsak sa ulo ninyo at ng inyong pamilya.
 
Gaano man nakalulugod ang tukso, hindi sapat upang magkasala. Punuin ang inyong buhay mula sa pag-ibig ng Diyos at pabanalin ang panahong kinapapalooban ninyo, at ang inyong ani ay magiging kapaki-pakinabang at ang inyong mga tinipon ay magtatagal. Tanging ang Diyos lamang, na Siyang Panginoon ng panahon, ang makapupuno sa panahon. Tanging ang Panginoon ng ani at ng mga pananim ang makapupuno sa inyong mga buslo. Ialay ninyo sa Kanya ang inyong mga buslo, at sasagana ang inyong mga pananim.

Comments are closed.

    Mga Karanasan

    Ang Karanasan Ni Raymond Nader Kay San Sharbel
    Unang Karanasan
    Ikalawang Karanasan
    ​Ikatlong Karanasan
    Ika-Apat Na Karanasan
    ​Ikalimang Karanasan
    Ika-Anim Na Karanasan
    Ikapitong Karanasan
    Ikawalong Karanasan
    Ikasiyam Na Karanasan
    Ika-Sampung Karanasan
    ​Ika-Labing-Isang Karanasan
    ​Ikalabing-Dalawang
    Karanasan

    ​Ikalabing-Tatlong Karanasan
    ​Ikalabing-Apat Na Karanasan
    Ikalabing-Limang Karanasan
    Ikalabing-Anim Na Karanasan
    ​Mga Sipi Mula Sa Nalalabing Lima Pang Mensahe

Pamilya ni San Sharbel USA
​9340 Braymore Circle, Fairfax Station, VA 22039
  • San Sharbel
    • Talambuhay
    • Mga Himala
    • Mga Patotoo >
      • ​Patotoo Ni Maria G. Foley
      • Patotoo Ni Olivier Giroud-Fliegner
      • Patotoo Ni Georgette Larose
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Margaret Bieser
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Homer Wiggins
      • Ang Himalang Pagpapagaling Kay George Pospisil
    • Mga Panalangin
  • Mga Karanasan
  • Tungkol sa Amin
    • Paliwanag sa Logo
  • Mag-donate
  • Mga wika1
    • English
    • Español
    • Português