The Family of Saint Sharbel-Philippines
  • San Sharbel
    • Talambuhay
    • Mga Himala
    • Mga Patotoo >
      • ​Patotoo Ni Maria G. Foley
      • Patotoo Ni Olivier Giroud-Fliegner
      • Patotoo Ni Georgette Larose
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Margaret Bieser
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Homer Wiggins
      • Ang Himalang Pagpapagaling Kay George Pospisil
    • Mga Panalangin
  • Mga Karanasan
  • Tungkol sa Amin
    • Paliwanag sa Logo
  • Mag-donate
  • Mga wika1
    • English
    • Español
    • Português

Unang Karanasan:  Si Kristo Ang Katotohanan Ng Pag-Ibig Na Nagkatawang-Tao

7/11/2024

 
Picture
Bago pa ang simula, nariyan na ang pag-ibig. Lahat ay nagkaroon ng pag-iral (existence) sa pamamagitan ng pag-ibig, at kung walang pag-ibig, anumang nagkaroon ng pag-iral mula sa simula, o kahit ngayon, o kahit kailanman, ay hindi magaganap. Sa simulang-simula ay pag-ibig. Ang batayan ng sansinukob (universe) – ng mga batas at panuntunan nito – ay pag-ibig. Kapag natapos ang lahat, tanging pag-ibig lamang ang maiiwan; lahat ng nasa labas ng pag-ibig ay lilipas.
 
Ang Diyos ay pag-ibig. Ang Diyos ay katotohanan. Ang Diyos ang tunay na pagmamahal. Ang daigdig ng Diyos ay daigdig ng pagmamahal; ito ang daigdig ng katotohanan, at walang katotohanan sa labas ng pag-ibig. Hindi magkakaroon ng katuparan sa tao maliban sa pamamagitan ng pag-ibig, at hindi niya mararating ang katotohanan maliban sa daigdig ng Diyos. Ang tao ay para sa Diyos; siya ay anak ng pag-ibig, anak ng Diyos, at ang tunay niyang tahanan ay ang daigdig ng Diyos.
 
May landas patungo sa daigdig ng Diyos, at ang landas ay si Kristo. Si Kristo ang katotohanan ng pag-ibig na nagkatawang-tao. Siya ang pagpapahayag ng katotohanan ng buhay, at Siya ang daan patungo sa daigdig ng Diyos.
 
Bawat tao, sa kanyang paglalakbay sa mundong ito tungo sa kabila, ay tinatawag na sumunod sa landas. At tulad ng ibang paglalakbay sa mundong ito, ang isang tao ay dapat magdala ng mga kakailanganin at sandata sa kanyang paglalakbay sa ibang mundo. Ang tanging kinakailangan sa paglalakbay na ito ay pag-ibig, at ang tanging sandata ay pag-ibig. Ang pag-ibig na ito ay dapat yumakap sa lahat ng tao, huwag maghintay ng kapalit, walang anumang hangganan, at wala dapat anumang kondisyon. Ganito magmahal ang Diyos sa inyo, kaya magmahalan kayo ng parehong pagmamahal, ng pagmamahal ng Diyos.
 
Hindi maibibigay ng tao sa sarili niya ang pag-ibig na ito subalit matatanggap lamang niya ito mula sa Diyos, sa pamamagitan ni Hesukristo, na mapuno ng pag-ibig na nito, sa espiritu. Magaganap ito sa pamamagitan ng panalangin. Tanging sa pamamagitan ng panalangin matatamo mula sa Diyos Ama, ang bukal ng pag-ibig, sa pamamagitan ng Diyos Anak, si Hesukristo – Pag-ibig na Nagkatawang-tao – at ang pag-ibig na ito ay ang Espiritu ng Diyos sa kalooban ng tao. Manalangin na makamit ang pag-ibig, na mahalin ang lahat ng tao na walang kabayaran, walang hangganan, walang kondisyon, tulad ng Diyos na nagmamahal, at magiging mga Anak kayo ng Diyos. Nagmula ang tao sa puso ng Diyos at babalik siya sa puso ng Diyos.

Comments are closed.

    Mga Karanasan

    Ang Karanasan Ni Raymond Nader Kay San Sharbel
    Unang Karanasan
    Ikalawang Karanasan
    ​Ikatlong Karanasan
    Ika-Apat Na Karanasan
    ​Ikalimang Karanasan
    Ika-Anim Na Karanasan
    Ikapitong Karanasan
    Ikawalong Karanasan
    Ikasiyam Na Karanasan
    Ika-Sampung Karanasan
    ​Ika-Labing-Isang Karanasan
    ​Ikalabing-Dalawang
    Karanasan

    ​Ikalabing-Tatlong Karanasan
    ​Ikalabing-Apat Na Karanasan
    Ikalabing-Limang Karanasan
    Ikalabing-Anim Na Karanasan
    ​Mga Sipi Mula Sa Nalalabing Lima Pang Mensahe

Pamilya ni San Sharbel USA
​9340 Braymore Circle, Fairfax Station, VA 22039
  • San Sharbel
    • Talambuhay
    • Mga Himala
    • Mga Patotoo >
      • ​Patotoo Ni Maria G. Foley
      • Patotoo Ni Olivier Giroud-Fliegner
      • Patotoo Ni Georgette Larose
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Margaret Bieser
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Homer Wiggins
      • Ang Himalang Pagpapagaling Kay George Pospisil
    • Mga Panalangin
  • Mga Karanasan
  • Tungkol sa Amin
    • Paliwanag sa Logo
  • Mag-donate
  • Mga wika1
    • English
    • Español
    • Português