The Family of Saint Sharbel-Philippines
  • San Sharbel
    • Talambuhay
    • Mga Himala
    • Mga Patotoo >
      • ​Patotoo Ni Maria G. Foley
      • Patotoo Ni Olivier Giroud-Fliegner
      • Patotoo Ni Georgette Larose
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Margaret Bieser
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Homer Wiggins
      • Ang Himalang Pagpapagaling Kay George Pospisil
    • Mga Panalangin
  • Mga Karanasan
  • Tungkol sa Amin
    • Paliwanag sa Logo
  • Mag-donate
  • Mga wika1
    • English
    • Español
    • Português

Ikawalong Karanasan: Ang Kabanalan Ang Iyong Pakay

7/11/2024

 
Picture
​Ang kabanalan ang iyong pakay, at ang kaganapan sa pag-ibig ang iyong huling hantungan. Huwag kang tumigil sa mga paraan ng kabanalan at sambahin ang mga ito. Huwag gawing hantungan ang mga paraan lamang, o ang hantungan ay gawing isang paraan.
 
Huwag gawin ang mga paraan ng kabanalan na siyang pakay at hantungan, at huwag pabayaang ang kabanalan ay maging paraan lamang para sa ibang mga hantungan. Ang panalangin ay nariyan upang pabanalin ka; huwag pabanalin ang panalangin.
 
Ang pag-aayuno ay nariyan upang palakasin ka; huwag gawing diyos ang pag-aayuno. Ang sakripisyo ay nariyan upang padalisayin ka, huwag sambahin ang sakripisyo. Ang mga awitin ay nariyan upang luwalhatiin ang Diyos; huwag luwalhatiin ang mga awitin. Huwag palitan si Kristo ng pagsasalita tungkol sa Kanya, dahil sasambahin mo lang ang iyong mga salita, at papalitan ang Katotohanan ng mga katagang naghahayag dito, kaya ang mga katagang ito ang magiging katotohanan. Ang isang salita ay hindi kailanman mas mahalaga kaysa sa kaisipang ipinapahayag nito, at ang kaisipan ay hindi kailanman mas mahalaga sa katotohanang iniisip nito. Ang kaha de yero ay hindi kailanman mas mahalaga kaysa sa kayamanan sa loob nito, at ang kalis ay hindi kailanman mas mahalaga kaysa sa alak. Ang tabernaukulo ay hindi kailanman mas mahalaga kaysa tinapay, at ang ostensorio (monstrance) ay hindi kailanman mas mahalaga kaysa Ostia.
 
Ang Kristiyanismo ay hindi relihyon o templo; hindi ito aklat o lugar ng pagsamba. Ang Kristiyanismo ay ang katauhan ni Hesukristo mismo. Ang salamin na nagbabalik ng liwanag ay hindi ang liwanag. Kilalanin ang kaibahan ng liwanag at ng mga salamin.
 
Huwag ituon ang pansin sa salamin, kundi ibaling ang puso sa liwanag. Huwag tumakas sa sarili upang tumungo sa Diyos, at huwag tumungo sa Diyos para makatakas sa sarili. Nais ng Diyos na dalhin mo ang sarili mo sa Kanya kung sino ka upang maitaas at mapabanal ka Niya. Huwag pabayaang itulak ka ng mundo tungo sa Diyos, kundi hayaan mong ang Diyos ang humatak sa iyo patungo sa Kanya. Huwag dungisan ng mga sulat mo ang mga puting pahina na sinulatan ng mga banal na ama. Ang katotohanan ay laging pareho. Upang makapagsalita ka tungkol sa Diyos, dapat kang maging nasa puso ng Diyos; hindi ka makapagsasalita tungkol sa Diyos kung nasa labas ka Niya! “At ang Salita ay nagkatawang-tao” ay hindi tunog na lumilipad sa hangin. Iukit sa utak mo ang bawat salitang nais mong sabihin, iukit sa iyong espiritu at pakinisin sa iyong puso, dalhin pababa sa iyong bibig tulad ng paglalagay ng isang bato sa tamang lugar sa hanay. At gawin ito nang walang salitang hindi nagbubuo. Huwag magsalita malibang ang mga salita mo ay malalim at mas magaling kaysa iyong katahimikan.
 
Huwag bayaang ang mga salita mo tungkol sa nasa ibayo ng dagat ay makaabala sa iyo sa paglalayag. Pumunta sa kakanyahan (essence) at kilatisin ang kakanyahan at ang kababawan sa iyong buhay, ang pundamental at ang nasa gilid lang, ang nasa loob at ang nasa takip lamang. Sa mundong ito, hindi ka nagpupuno ng tubig sa basket, ng mga ubas sa pitsel o ng mga igos sa garapon: kung paano mo ginagamit ang mga bagay ng mundong ito para sa iyong paglilingkod, matutunan paano gamitin ang mga bagay ng langit na may karunungang mula sa Diyos para sa iyong kaligtasan, at para sa kaluwalhatian ng Diyos.
 
Bawat lupain ay may sariling taglay na klima at lupa. May mga karampatang kasangkapan na gagamitin mo upang bungkalin at taniman ang nasabing lupain. May mga halamang tanging dito lang sa lupaing ito tutubo at mamumunga. Hindi mo kayang basagin ang mga bato ng tinidor na pang-hardin, o bungkalin ang lupa na gamit ang maso, o magsibak ng kahoy na damit ang munting palakol. Ang mga punong sedro at roble (oak) ay hindi tumutubo sa buhangin sa dalampasigan, at ang mga saging at kahel ay hindi din sa mga bato sa bundok. Magtrabaho gamit ang mga kasangkapang meron ka, at kung saan ka itinanim ng Panginoon, lumago at mamunga. Kung hindi ka mag-uugat, hindi ka aakyat sa itaas.
 
Ilapat mo ang isip mo sa pag-iral (existence); huwag hanaping ilapat ang pag-iral sa iyong isip; nauna sa iyo ang pag-iral at mananatili ito pagkatapos mo. Ang Espiritu lang ang sapat para sa iyo at magdadala sa iyo ng pagkakatugma sa Diyos. Mauunawaan mo ang lalim ng hiwaga ng pag-iral sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu na sumasaiyo. Huwag sikaping maunawaan ang katotohanan sa pamamagitan ng mga pandama, dahil magiging limitado ka ng mga hangganan ng mga pandama.
 
Alamin mong ang mga pandama mo ay umiiral upang magmahal ka sa pamamagitan ng mga ito, at hindi upang mahalin mo ang mga ito. Kung mahal mo ang iyong mga mata, nagsisimula mong sambahin ang mga nilalang na iyong nakikita at kalimutan ang Manlilikha, na nasa ibayo ng hangganan ng iyong mga mata. Kung mahal mo ang iyong pandinig, nagsisimula mong mahalin ang mga himig at tunog ng mundo at kalimutang marinig ang tinig ng Diyos sa katahimikan na hindi marating ng iyong mga tainga. At kapag mahal mo ang iyong ilong, nagsisimula kang mahalina sa mga pabango ng mundo at kalimutan ang mga bulaklak sa parang na nilikha ng Diyos na may habag para sa tao. At kung mahal mo ang iyong pandama ng paghipo, nagiging alipin ka ng panlabas at nakakalimutan ang panloob. Lampasan ang iyong mga pandama at huwag malunod sa mga ito; gamitin ang mga ito upang marating ang katotohanan tulad ng sinag ng araw na dumadaan sa kristal.
 
Kapag pinatigas mo ang mga pandama mo, kakapal ang mga ito; ang mga sinag ay tatalbog pabalik mula sa kanila tulad ng salamin at maaaninag ang mga imahen ng mundo. Huwag malublob sa mga pandama mo, dahil ang kagalakan nila ang magsisimulang linlangin ka. Ang tunay na kagalakan ay hindi kagalakan ng mga pandama, tunay na kagalakan ay lumalampas sa mga pandama, at nilalalampasan nito ang mga ito tungo sa puso ng liwanag kung saan malulunod ka sa puso ng Diyos, makikita ang Kanyang liwanag at matutunaw sa Kanyang pagmamahal. Lampasan ang mga pandama mo at laktawan ang mga ito, lampasan ang sarili mo, at mahihipo mo ang laylayan ng liwanag. Kung nais mong tumingin sa labas, ipikit ang mga mata at tumingin sa loob, at magsisimula mong makita ang panlabas na mas malinaw. Kung gusto mong makarinig, takpan ang mga tainga at makinig sa panloob na tinig; at magsisimula kang makarinig nang mabuti. Gabayan ang iyong mga pandama upang luwalhatiin ang Diyos, at huwag hayaang ang mga pandama mo ay magdala sa iyong luwalhatiin ang Kanyang mga nilalang. Magmahal hanggang sa punto ng sakripisyo; ang dugo ang tanging kaugnayan kung saan nakasulat ang pag-ibig, at lahat ng iba ay tanging tinta lang sa papel. Kay Kristo, bawat tao ay isang salita sa bibig ng Diyos kaya ang buong sangkatauhan ay nagiging isang awit ng pagmamahal; at ang luwalhati ay laging sa Diyos.

Comments are closed.

    Mga Karanasan

    Ang Karanasan Ni Raymond Nader Kay San Sharbel
    Unang Karanasan
    Ikalawang Karanasan
    ​Ikatlong Karanasan
    Ika-Apat Na Karanasan
    ​Ikalimang Karanasan
    Ika-Anim Na Karanasan
    Ikapitong Karanasan
    Ikawalong Karanasan
    Ikasiyam Na Karanasan
    Ika-Sampung Karanasan
    ​Ika-Labing-Isang Karanasan
    ​Ikalabing-Dalawang
    Karanasan

    ​Ikalabing-Tatlong Karanasan
    ​Ikalabing-Apat Na Karanasan
    Ikalabing-Limang Karanasan
    Ikalabing-Anim Na Karanasan
    ​Mga Sipi Mula Sa Nalalabing Lima Pang Mensahe

Pamilya ni San Sharbel USA
​9340 Braymore Circle, Fairfax Station, VA 22039
  • San Sharbel
    • Talambuhay
    • Mga Himala
    • Mga Patotoo >
      • ​Patotoo Ni Maria G. Foley
      • Patotoo Ni Olivier Giroud-Fliegner
      • Patotoo Ni Georgette Larose
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Margaret Bieser
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Homer Wiggins
      • Ang Himalang Pagpapagaling Kay George Pospisil
    • Mga Panalangin
  • Mga Karanasan
  • Tungkol sa Amin
    • Paliwanag sa Logo
  • Mag-donate
  • Mga wika1
    • English
    • Español
    • Português