The Family of Saint Sharbel-Philippines
  • San Sharbel
    • Talambuhay
    • Mga Himala
    • Mga Patotoo >
      • ​Patotoo Ni Maria G. Foley
      • Patotoo Ni Olivier Giroud-Fliegner
      • Patotoo Ni Georgette Larose
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Margaret Bieser
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Homer Wiggins
      • Ang Himalang Pagpapagaling Kay George Pospisil
    • Mga Panalangin
  • Mga Karanasan
  • Tungkol sa Amin
    • Paliwanag sa Logo
  • Mag-donate
  • Mga wika1
    • English
    • Español
    • Português

Ikalimang Karanasan: Walang Pagod Na Paggawa Ng Kabutihan

7/11/2024

 
Picture
​Ang paglalakbay ng sansinukob ay ang lugar na pinagtatayuan ng Kaharian ng Diyos. Mistula itong pinagtatayuan ng isang dakilang templo, na ang mga bato ay inukit mula sa mga bato ng mga tibagan sa mundong ito. Ang mga tao ang mga manggagawa sa tibagan sa kapangyarihan ng Diyos, at sila ang mga tagapagbuo ayon sa Kanyang kalooban. Hinuhukay nila ang mga bato mula sa mga tibagan ng mundong ito at isa-isa silang nagtatayo ng mga istruktura, paunti-unti. Ang Diyos ang nagbibigay ng buhay sa kanila at nagiging mga buhay na bato silang gusali ng templo.
 
Maraming mga tao ang nagtatayo ng kanilang mga templo sa batong hinahango nila at inaangkin bilang kanila. Isa-isa nila itong binubuo, paunti-unti, subalit hindi nila kayang bigyan ang mga ito ng buhay at nananatili itong patay, dahil ang Diyos lamang ang makapagbibigay-buhay. Iniiwan ng mga lumilipas na taong ito ang mga bato, ang mga bato at mga tibagan, at lumilisan mula sa mundo, at ang mga munting templong binuo mula sa mga patay na bato ay nasisira at naglalaho pagdaan ng panahon.
 
Panandalian, hindi nagtatagal ang mga ito, at gayundin ang kanilang mga templo. Tanging ang templo ng Panginoon ang walang hanggan at permanente dahil buhay ito. Buuin ang walang hanggang templo ng Panginoon at maging mga buhay na bato dito; huwag magbuo ng inyong mga pansamantalang munting mga templo mula sa mga patay na bato na papawiin ng panahon. Gumawa na may tiyaga, galak, pagkakakisa, at pagmamahal. Gumawa na may pagtitiis, pagpapakababa at pagsunod sa Panginoon ng templo. Dahil nagbubuo ka kalakip ang Kanyang kapangyarihan, magbuo ayon sa Kanyang kalooban.
 
Walang pagod na gumawa ng mabuti. Huwag maghanap ng pahinga – ang pahinga ay isang malaking panganib sa iyo. Kung makita mo ang isang manggagawang hindi gumagawa ng kanyang trabaho, huwag pintasan o husgahan o alipustahin ito, sa halip, kunin ang iyong piko (pickaxe) o iyong karit (sickle) at patuloy gumawa. Ang gawain mo ang mag-uudyok sa kanyang gumawa din. Ang gusali ay sa iyo at sa kanya. Ang ani ay sa iyo at sa kanya. Lahat ng ito ay para sa Panginoon ng templo at sa Diyos ng ani. Masdan mo ang iyong kapatid gaya ng pagmamasid sa iyong sarili. Nasasaiyo ang lahat ng nakikita mo sa iyong kapatid, dahil bawat tao ay ikaw na may kaunting mga pagkakaiba. Sa halip na magsalita tungkol sa iyong kapatid, puntahan at kausapin siya, o manatili sa mapagmahal na katahimikan. Huwag kailanman humatol o manghusga batay sa nakikita ng iyong mga mata. Huwag husgahan ang tubig na nakikita mo sa palayok, dahil hindi malalaman ng iyong mga mata kung ito man ay matamis o maalat, sariwa o panis. Ang lalagyan ng alak ay pareho sa panlabas, kahit na ang alak sa loob ng mga ito ay magkakaiba. Tumingin sa tulong ng iyong mga mata sa panlabas at tumingin sa tulong ng iyong puso sa panloob. Ang puso ay hindi nanghahatol.
 
Huwag magpanggap na may lubos na kaalaman. Magbuo lamang ng mga templong katumbas ng iyong kaalaman, dahil guguho ang mga ito sa iyong ulo at papatayin ka nito kung magkagayon. Kailangan ng kaalaman ng pagmamahal upang maging pagkilatis. Gaano man ang iyong nalalaman, kung hindi ka nagmamahal, hindi mo maiintindihan, kahit marami ka pang alam. Mas higit ang pagmamahal kasya katalinuhan. Ang katuwiran ng pagmamahal ay mas mataas kaysa sa katuwiran ng katalinuhan. Ang kaalamang walang pagmamahal ay hubad sa Espiritu at mapanganib sa tao. Ang lupa ay isang banal na planeta, kung saan lumakad ang mga paa ng Diyos ng sansinukob at kung saan nagliwanag ang mga ilaw ng Espiritu, at ang puso ng Diyos ay tumitibok para dito.
 
Ang mga tao, sa pamamagitan ng kaalamang walang pagmamahal, ang nagdala sa mundo sa pagkakasakit. Ang pagkain nila ay naging lason sa kanila at ang inumin nila naging uhaw, ang gamot nila naging karamdaman. Sinasakal sila ng kanilang hangin. Ang kanilang pahinga  naging pagod, at ang kanilang kapayapaan, naging pag-aalala. Ang kanilang galak ay kalungkutan at ang kanilang kaligayahan, paghihirap. Ang kanilang katotohanan ay isang ilusyon, at ang kanilang ilusyon, katotohanan. Ang kanilang liwanag ay naging kadiliman.
 
Ang tao ay nagkaroon ng maraming kaalaman at kaunting karunungan. Ang mga teoriya sa isip ng mga tao ay naging tila hamog sa bundok at sa mga kapatagan, hindi nito hinahayaang makakita sila ng anuman: ang kanilang mga teoriya ang mga takip sa kanilang paningin. Tumataas ang kanilang mga gusali, bumababa naman ang kanilang moralidad. Dumadami ang kanilang ari-arian, ang mga pagpapahalaga namay ay nababawasan. Dumadami ang kanilang mga salita at ang kanilang panalangin, kumokonti. Ang kanilang mga interes ay malalim, ang kanilang mga ugnayan ay mababaw. Ang mga palamuti sa bintana ay puno, ang loob ng bahay ay walang laman. Ang kanilang mga lansangan ay lumalapad, samantalang ang kanilang mga pananaw ay kumikitid. Ang mga kalsada ay dumadami subalit hindi naman nagdadala sa kanila sa isa’t-isa. Ang kanilang paraan ng komunikasyon ay madami subalit hindi naglalapit sa kanila. Ang kanilang mga kama ay malaki, matatag, at kumportable subalit ang kanilang mga pamilya ay maliit, watak-watak, at pagod. Sanay silang magmadali pero hindi sanay maghintay. Nagmamadali silang magkaroon ng kabuhayan subalit nakakalimutan nilang tiyakin ang kanilang pamumuhay at ang kanilang mga buhay. Nagmamadali sila sa panlabas at napapabayaan ang panloob.
 
Mga bilanggo, nagmamalaki sa ginhawa ng kanilang mga bilangguan; ligaw, nagyayabang sa layo ng kanilang tinahak; patay, nagmamalaki sa karangyaan ng kanilang mga libingan. Namamatay sila sa gutom samantalang nakaupo sa harap ng kanilang mga saganang kainan, mahirap samantalang nakaupo sa mga kayaman nilang tinabunan. Bakit kayo pumupunta sa ilalim ng lamesa upang kumain ng mga nahulog na mumo, kung nakahain na ang hapag ninyo? Nagsasabog ang mga tao ng mga tinik sa mundo, na ngayon ay malambot at nakakakiliti sa mga paa, subalit kapag lumaki at tumigas, siyang hihiwa at magsusugat sa mga paa ng darating ng mga salinlahi. Nagsisibak kayo ng kahoy, nag-iimbak, nagsusunog, nagpaparikit, tumatalon sa apoy na inyong sinindihan, at nagtataka kayong nasunog kayo? Naligaw na ang sangkatauhan, maysakit na ang tao, at ang mundo ay nasusunog.
 
Ang Diyos ay pag-ibig. Siya ang pakay at gabay ng naligaw na sangkatauhan. Si Kristo ang gamot para sa maysakit, at ang tubig ng binyag sa Espiritu ang pumapatay sa siga ng mundo. Buuin ang bawat kaalaman kay Kristo, lahatng kaalaman na nabuo sa labas ng pundasyon ni Kristo ay wawasak sa iyo. Ang kaalamang walang espiritu ay kamangmangan. Mas lalong tumataas ang gusaling itinayo sa tao, mas lalo ding babagsakan nito ang tao sa ilalim nito.
 
Patuloy na mabubuhay ang tao sa kalungkutan at pag-aalala, at hindi makukuntento o mapapawi ang uhaw niya hanggang matagpuan niya ang sarili niya sa puso ng Diyos. Mag-abot ng kamay sa isa’t-isa, magbatian sa isa’t-isa, magdamayan sa isa’t-isa sa mga salita ng pagmamahal at panghihikayat. Lumabas sa sarili at puntahan ang bawat isa, at yakapin sa pagmamahal ni Kristo. Gumawa sa bukid ng Panginoon na walang pagod at walang pagsasawa. Hayaang ang tunog ng inyong mga piko ang pumuno sa mga lambak at lumunod sa ingay ng mundo, at hayaang ang mga karit ninyo ang magpaalala sa mga tao ng panahon ng pag-aani. Hayaang ang mga panalangin sa Panginoon ang bumiyak sa mga binging bato at magpa-agos sa mga bukal mula dito.

Comments are closed.

    Mga Karanasan

    Ang Karanasan Ni Raymond Nader Kay San Sharbel
    Unang Karanasan
    Ikalawang Karanasan
    ​Ikatlong Karanasan
    Ika-Apat Na Karanasan
    ​Ikalimang Karanasan
    Ika-Anim Na Karanasan
    Ikapitong Karanasan
    Ikawalong Karanasan
    Ikasiyam Na Karanasan
    Ika-Sampung Karanasan
    ​Ika-Labing-Isang Karanasan
    ​Ikalabing-Dalawang
    Karanasan

    ​Ikalabing-Tatlong Karanasan
    ​Ikalabing-Apat Na Karanasan
    Ikalabing-Limang Karanasan
    Ikalabing-Anim Na Karanasan
    ​Mga Sipi Mula Sa Nalalabing Lima Pang Mensahe

Pamilya ni San Sharbel USA
​9340 Braymore Circle, Fairfax Station, VA 22039
  • San Sharbel
    • Talambuhay
    • Mga Himala
    • Mga Patotoo >
      • ​Patotoo Ni Maria G. Foley
      • Patotoo Ni Olivier Giroud-Fliegner
      • Patotoo Ni Georgette Larose
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Margaret Bieser
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Homer Wiggins
      • Ang Himalang Pagpapagaling Kay George Pospisil
    • Mga Panalangin
  • Mga Karanasan
  • Tungkol sa Amin
    • Paliwanag sa Logo
  • Mag-donate
  • Mga wika1
    • English
    • Español
    • Português