The Family of Saint Sharbel-Philippines
  • San Sharbel
    • Talambuhay
    • Mga Himala
    • Mga Patotoo >
      • ​Patotoo Ni Maria G. Foley
      • Patotoo Ni Olivier Giroud-Fliegner
      • Patotoo Ni Georgette Larose
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Margaret Bieser
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Homer Wiggins
      • Ang Himalang Pagpapagaling Kay George Pospisil
    • Mga Panalangin
  • Mga Karanasan
  • Tungkol sa Amin
    • Paliwanag sa Logo
  • Mag-donate
  • Mga wika1
    • English
    • Español
    • Português

Ikalabing-Limang Karanasan: Ang Paggalaw At Ang Buhay

7/11/2024

 
Picture
​May malaking kaibahan ang paggalaw at ang buhay. Maaaring ang isang tao ay gumagalaw habang wala nang buhay; at maaari ding may buhay siya subalit hindi kumikilos. Ang tao ay kapwa paggalaw at buhay. Ang sansinukob kasama ang marami nitong galaxy, bituin, at mga nilikha ay puno ng paggalaw subalit wala isa sa kanila ang may buhay. Ang buhay ay sa Diyos na Manlilikha lamang. Ang Diyos ay buhay.
 
Bawat paggalaw sa sansinukob ay hahantong sa kamatayan, subalit ang buhay ay walang hanggan. Bawat paggalaw ay may katapusan gaano man ito kadakila, subalit ang buhay ay walang katapusan. Ang buhay ay walang hanggan dahil ang buhay ay Diyos, at ang Diyos ay walang hanggan. Ang paggalaw ay lilipas subalit ang buhay ay hindi. Taglay ng tao sa sarili ang paggalaw at buhay; ang paggalaw ay limitado ng espasyo at oras, subalit ang buhay ay hindi limitado ng oras o ng espasyo. Ang paggalaw ng tao ay hahantong sa kamatayan at may katapusan gaano man kahaba ito magtagal, subalit ang buhay na nasa tao ay walang hanggan.
 
Naparito si Kristo upang magbigay buhay sa atin, at upang pabanalin ang paggalaw natin. Nagbibigay si Kristo ng buhay na walang hanggan dahil Siya ang Anak ng Diyos at ang buhay ay mula sa Diyos. Kung wala si Kristo, ang paggalaw natin ay hahantong sa napipintong kamatayan; at kung wala si Kristo, wala tayong buhay na walang hanggan. Walang mapagpipilian sa gitna: kamatayan lang o buhay lang.
 
Pabanalin ang paggalaw na nasasaiyo sa pamamagitan ng buhay mula kay Hesukristo. Huwag maghangad na hindi mamatay sa mundong ito, sa oras ng sansinukob na ito, sa pamamagitan ng pagpapahaba ng paggalaw sa pagpapatuloy ng oras, sapagkat kahit ang oras ay nakatakdang mamatay at may katapusan. Ang walang kamatayan (imortalidad) ay sa buhay na walang hanggang lamang kay Hesukristo; walang hindi mamamatay at walang hanggang buhay sa oras natin sapagkat lahat ng oras ay hindi magtatagal at lilipas.

Comments are closed.

    Mga Karanasan

    Ang Karanasan Ni Raymond Nader Kay San Sharbel
    Unang Karanasan
    Ikalawang Karanasan
    ​Ikatlong Karanasan
    Ika-Apat Na Karanasan
    ​Ikalimang Karanasan
    Ika-Anim Na Karanasan
    Ikapitong Karanasan
    Ikawalong Karanasan
    Ikasiyam Na Karanasan
    Ika-Sampung Karanasan
    ​Ika-Labing-Isang Karanasan
    ​Ikalabing-Dalawang
    Karanasan

    ​Ikalabing-Tatlong Karanasan
    ​Ikalabing-Apat Na Karanasan
    Ikalabing-Limang Karanasan
    Ikalabing-Anim Na Karanasan
    ​Mga Sipi Mula Sa Nalalabing Lima Pang Mensahe

Pamilya ni San Sharbel USA
​9340 Braymore Circle, Fairfax Station, VA 22039
  • San Sharbel
    • Talambuhay
    • Mga Himala
    • Mga Patotoo >
      • ​Patotoo Ni Maria G. Foley
      • Patotoo Ni Olivier Giroud-Fliegner
      • Patotoo Ni Georgette Larose
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Margaret Bieser
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Homer Wiggins
      • Ang Himalang Pagpapagaling Kay George Pospisil
    • Mga Panalangin
  • Mga Karanasan
  • Tungkol sa Amin
    • Paliwanag sa Logo
  • Mag-donate
  • Mga wika1
    • English
    • Español
    • Português