The Family of Saint Sharbel-Philippines
  • San Sharbel
    • Talambuhay
    • Mga Himala
    • Mga Patotoo >
      • ​Patotoo Ni Maria G. Foley
      • Patotoo Ni Olivier Giroud-Fliegner
      • Patotoo Ni Georgette Larose
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Margaret Bieser
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Homer Wiggins
      • Ang Himalang Pagpapagaling Kay George Pospisil
    • Mga Panalangin
  • Mga Karanasan
  • Tungkol sa Amin
    • Paliwanag sa Logo
  • Mag-donate
  • Mga wika1
    • English
    • Español
    • Português

Ikalabing-Apat Na Karanasan: Nariyan Ang Kahinaan Mo Upang Mapagtagumpayan Mo

7/11/2024

 
Picture
​Lahat ng kandado ay may susi, at bawat pinto ay may kandado na mabubuksan lamang ng susi nito. Ang kamatayan ang nagsara ng pinto ng langit at ang kasalanan ang nagkandado nito. Ang krus ang susi na kumakalag sa kandado ng kasalanan, pumapawi ng kandado ng kamatayan, at nagbubukas ng pintuan ng langit. Ang Krus ang susi sa pintuan ng langit, wala nang iba.
 
Ang pintuan ng langit ay kung saan nagtatagpo ang langit at lupa, sa tuktok ng Golgota. Ang pintuang ito ay malinaw, nahahawakan, nakikita, at lahat ng taong may paningin ay makikita ito. Akala ng iba wala itong kandado at bukas sa sinumang magtutulak dito. Subalit kapag nilapitan mo ang pinto, makikita mong may kandado pala ito at mabubuksan lamang ng angkop na susi.
 
Hindi malalaman ang tunay na susi hanggang hindi ito nailalapat sa kandado. Iisa lamang ang tunay na susi: Ang Krus ni Kristo. Huwag nang magpagod sa paghahanap ng mgs susi maliban sa Krus upang buksan ang pintuan ng langit, at huwag magsayang ng oras na gumawa ng iba. Maraming mga tao ang nagsayang ng kanilang buhay sa paggawa ng kanilang sariling susi; humuhulma at pumupukpok ng susi na sumasalamin sa kanilang sariling disenyo, akala ang mga susig ito ang magbubukas ng pintuan sa kanila. Marami ang lumilibak sa Krus ni Kristo. Subalit sa pintuan ng langit, ang katotohanan ay mabubunyag, at ang ibang mga susi ay papalya.
 
Ang buong paglalakbay mo sa buhay ay tungo sa pintuang ito; sa dulo ng paglalakbay, hawak mo ang susi at makakapasok ka sa pintuan, o kaya tatayo ka doon dala ang mga susi na pinag-aksayahan mo ng iyong buhay, at na ngayon ay bumibigo at sumisiphayo sa iyo. Hawakan ng Krus ni Kristo, at hawak mo na din ang susi ng pintuan ng langit.
 
Hawakan ang Krus ni Kristo na may galak, determinasyon, at lakas-loob. Huwag makinig sa mga nanlilibak, huwag huminto at umiyak na palahaw, at huwag manghinayang kapag nabuwal ka kasama ng panghihinayang. Pag-iyak man o panghihinayang ay hindi makagagawa ng kasaysayan ng kaligtasan, at hindi din ang pagdagok sa dibdib at pagpalahaw ang magbubukas sa pintuan ng langit. Ang kasaysayan ng kaligtasan ay ginagawa sa pamamagitan ng mga luha ng tunay na pagsisisi. Isang luha ng pagsisisi ay makapagbubukas ng pintuan ng langit. Ang luha ng pagsisisi ay babagsak lamang sa pisngi ng isang matapang na mananampalataya.
 
Hawakan ang Krus ni Kristo at tahakin ang Kanyang mga yapak, at  tatabihan ka ng Mahal na Birhen tulad ng ginawa sa Kanya. Sa tuwing masusugatan, sabihin: “Kasama ng mga sugat ni Kristo!” Tuwing magdaranas ng sakit, sabihin: “Kasama ng pagpapakasakit Mo, O Hesus!” at sa tuwing ikaw at uusigin, lilibakin, at iinsultuhin, sabihin: “Para sa kaluwalhatian, O Panginoon.”
 
Ang Kahinaan mo ay nariyan upang mapagtagumpayan mo at hindi upang gawing palusot. Sa tuwing papasanin mo ang Krus ni Kristo, hindi ka mapapayuko ng sakit, hindi ka madudurog ng kapaguran, at maglalakad kang may katatagan, pagtitiis, at katahimikan. Pagdating mo sa pintuan, ang kagalakan ng iyong pagtawid sa bungad nito ay higit pa sa anumang sakit at pagkapagal mula sa iyong paglalakbay, at ang kaligayahan ng iyong pagdating ay higit pa sa pagdurusa sa iyong paglalakbay.
 
Ang landas mo tungong Golgota ay mahaba sa mundong ito, at ang Krus ni Kristo sa Silangan ang nasa balikat mo; marami kang mga kaaway sapagkat mga kaaway sila ng Krus. Huwag mo silang gawing mga kaaway. Kausapin lagi sila sa lengguahe ng Krus, kahit kaaway mo sila dahil dito. Ang mga susunod na mga buwan at taon ay magiging mahirap, mapait, at kasingbigat ng Krus.
 
Pagtiisan mo sila kasama ng malalim na panalangin mula sa pananampalataya, kasama ng pasensyang mula sa pag-asa, at kasama ng pagmamahal na mula sa Krus. Mapupuno ang mundo ng karahasan, masusugatan ang planeta ng mga patalim ng kamangmangan at pagkapoot; lahat ng mga tao sa paligid mo ay susuray dahil sa sakit, kakalat sa buong mundo ang ang takot na parang malakas na hangin, at ang kalungkutan naman sa puso ng lahat ng tao. Ang mga taong mangmang at napopoot ang pipigil ng kapalaran ng mga tao at magdadala sa kanila sa paghihirap at kamatayan sa pamamagitan ng bulag na pagkapoot, na tatawagin nilang katarungan, at sa pamamagitan ng madilim na kamangmangan, na tatawagin nilang pananampalataya. Pagkapoot at kamangmangan ang mananaig sa buong mundo. Subalit ikaw, manatiling matatag sa pananampalataya at pag-ibig.
 
Ang balat ng lupa ay mababago; ikaw, panatiliin mo ang mukha ni Kristo. Ang mga hangganan, pamayanan, at Sistema ng tao ay mapapawi at isusulat muli, at ang mga tao ay babagsak sa ilalim ng apoy at bakal. Gawin ang pag-ibig mo na walang hangganan, ang pamayanan mo ang Simbahan, ang batas mo, ang Mabuting Balita. Maging angkla kayo na gagabay sa mga barkong naliligaw sa malupit na dagat, at ang puso ninyo ay maging mga daungan ng kapayapaan para sa mga naliligaw, palaboy, at naghahanap ng tulong. Sa pamamagitan ng mga panalangin ninyo, hihingin ninyo ang awa, at uulan ang pagmamahal sa daigdig. Manalangin na ang matititas na puso ay lumambot, ang mga madilim na isip ay mabuksan, at ang mga kalamidad at sindak ay mabawasan. Huwag kayong matakot, sa bandang huli ang liwanag ni Kristo ang aangat, ang tanda ng Krus ang sisinag, at ang Simbahan ang magniningning ng liwanag.
 
Manatiling matataga sa pananampalataya kay Kristo at huwag matakot, at magtiwala sa Diyos ng Muling Pagkabuhay at buhay; ang kaluwalhatian Niya ay laging dumarating.

Comments are closed.

    Mga Karanasan

    Ang Karanasan Ni Raymond Nader Kay San Sharbel
    Unang Karanasan
    Ikalawang Karanasan
    ​Ikatlong Karanasan
    Ika-Apat Na Karanasan
    ​Ikalimang Karanasan
    Ika-Anim Na Karanasan
    Ikapitong Karanasan
    Ikawalong Karanasan
    Ikasiyam Na Karanasan
    Ika-Sampung Karanasan
    ​Ika-Labing-Isang Karanasan
    ​Ikalabing-Dalawang
    Karanasan

    ​Ikalabing-Tatlong Karanasan
    ​Ikalabing-Apat Na Karanasan
    Ikalabing-Limang Karanasan
    Ikalabing-Anim Na Karanasan
    ​Mga Sipi Mula Sa Nalalabing Lima Pang Mensahe

Pamilya ni San Sharbel USA
​9340 Braymore Circle, Fairfax Station, VA 22039
  • San Sharbel
    • Talambuhay
    • Mga Himala
    • Mga Patotoo >
      • ​Patotoo Ni Maria G. Foley
      • Patotoo Ni Olivier Giroud-Fliegner
      • Patotoo Ni Georgette Larose
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Margaret Bieser
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Homer Wiggins
      • Ang Himalang Pagpapagaling Kay George Pospisil
    • Mga Panalangin
  • Mga Karanasan
  • Tungkol sa Amin
    • Paliwanag sa Logo
  • Mag-donate
  • Mga wika1
    • English
    • Español
    • Português