The Family of Saint Sharbel-Philippines
  • San Sharbel
    • Talambuhay
    • Mga Himala
    • Mga Patotoo >
      • ​Patotoo Ni Maria G. Foley
      • Patotoo Ni Olivier Giroud-Fliegner
      • Patotoo Ni Georgette Larose
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Margaret Bieser
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Homer Wiggins
      • Ang Himalang Pagpapagaling Kay George Pospisil
    • Mga Panalangin
  • Mga Karanasan
  • Tungkol sa Amin
    • Paliwanag sa Logo
  • Mag-donate
  • Mga wika1
    • English
    • Español
    • Português

Ikalawang Karanasan: Mamamatay Ang Tao Kung Hindi Siya Mababago Ng Pag-Ibig

7/11/2024

 
Picture
​Bakit pababa ang direksyon ng tao gayong ang daan tungo sa Diyos ay paitaas? Nagpapasan ang mga tao ng maraming dalahin at pabigat na bumabali sa kanilang likod; nakasubsob na ang noo sa lupa, at hindi na sila makatayo nang tuwid at maiangat ang ulo upang mamasdan ang mukha ng kanilang Panginoon. Sinisikap nilang palayain ang sarili at isa’t-isa sa kanilang mga pasanin; inihahagis nila ito sa isa’t-isa at pinabubuhat sa kanila, na lalong nagpapabigat ng dalahin.
 
Tanging si Hesukristo lamang ang makapapalaya sa mga tao sa kanilang  mga karga, dalahin, at pabigat, dahil hindi kaya ng isang alipin na palayain ang isa pang alipin. Ipinanganak ang tao na nakatali ng mga lubid at tanikala at nakakadena sa mga bigkis kung saan siya pinalalaki at nabubuhay, at marami ang namamatay na doon.
 
Nasasanay na ang mga tao sa mga bigkis na ito, na nagiging bahagi ng kanilang buhay, kaya mahirap na silang sagipin mula sa pagkakataling ito. Ang ningning ng mga tanikala ay nakaaaliw sa kanila kaya hindi na nila nakikita ang mukha ng Panginoon, at ang tunog ng kanilang kadena ay nakabibingi na hindi na tuloy nila madinig ang tinig ng kanilang Panginoon. Nagmamalaki sila sa ningning ng kanilang tanikala, na nakakapilay sa kanila, at nagigiliw sila sa taginting ng mga kadenang nakatali sa kanila. Ang kadena ay kadena, gaano man ito kakintab, at ang tanikalang nakatali sa iyo ay mananatiling tanikala ng pagka-alipin, kahit pa gawa ito sa ginto. Sa halip na pakintabin ang kadena, basagin ito, at sa halip na gumawa ng musika sa taginting ng iyong mga tanikala, kalasin mo ito at lumaya ka sa lahat ng mga ito.
 
Naghihirap ang Panginoon kapag nakikita ang mga taong dahilan ng kanyang pagkakatawang-tao upang mapalaya sa kadena bilang mga alipin, na naghahanap ng kaligayahan sa mga lugar kung saan hindi ito matatagpuan. Upang magibgay buhay at walang hanggang kaligayahan sa mga taong ito kaya siya namatay at muling nabuhay.

  • Ang kaligayahan sa mundong ito ay wala sa mundong ito. Kung mula ka sa mundo, dito ka lamang mananatili.
  • Ang kaligayahan ay wala sa mga bato. Ang mga bato ay hindi nagbibigay ng kaligayahan. Bakit naghahanap ang tao ng ginto? Upang bigyang halaga ang sarili? Mas higit na mahalaga ang tao kaysa ginto, ang tao ay anak ng Diyos; ang halaga niya ay likas. Hindi kayang palayain ng ginto ang tao mula sa kanyang mga kadena; kaya lamang nitong pakintabin ito.
  • Ang kaligayahan ay hindi din matatagpuan sa ibang tao, dahil hindi nila kayang ialay ang kaligayahan na hindi nila taglay, at walang makapagbibigay ng hindi nila pag-aari.
 
Tanging si Hesukristo lamang ang makapagbibigay ng tunay na kaligayahan. Subalit, naging hambog ang mga tao, nakatira sa aspalto at semento. Ang mga isip nila ay naging aspalto, at ang kanilang mga puso, semento. Nagbubunga lamang ang mga isip nila ng madidilim at malalagim na kaisipan, at ang kanilang mga puso ay naging matigas, malupit, at walang pagmamahal. Naging bagay na lang ang mga tao na walang espiritu, at iba sa kanila ay mga batong kumikilos na naghahasik ng mabahong amoy. Naging hambog ang mga tao at pinipilit nilang makatagpo ng kaligayahan sa kasalanan. Ang kasalanan ay nagbibigay lamang sa kanila ng pagkabagabag, kalungkutan, paghihirap, at kawalang-laman. Ang mga tao ay naging hambog; nagyayabang sa sarili nila, nagyayabang sa iba at nagyayabang sa Diyos. Hindi kaya nila alam na kaya silang gawin ng Diyos na alabok sa isang kislap ng kidlat?
 
Subalit dakila ang pagmamahal ng Diyos. Lubhang mahal tayo ng ating Panginoon dahil tayo ay mga anak Niya, at ginawa Niya tayong ilaw ng daigdig.
 
Bawat tao ay isang sulo ng liwanag; nilikha siya ng  Panginoon upang tanglawan ang daigdig. Bawat tao ay isang lamparang gawa ng ating Panginoon upang magningning at magbigay ng liwanag. Sinumang tumatanggap ng lampara, tumatanggap nito upang tanglawan ang kadiliman. Ang lampara ay ginawa upang tanglawan ang kadiliman. Subalit ang mga lamparang ito ay abala sa kanilang panlabas na lalagyan; kinukulayan nila ang kanilang lagayan, pinipinturahan ito, pinapalamutian ito, at pinagaganda ito. Ang mga lalagyang ito na ginawa ng ating Panginoon na manipis at malinaw upang pangalagaan ang liwanag, ay naging makapal at matigas, at humaharang sa liwanag, at kaya nalublob ang daigdig sa kadiliman. Ang mga lamparang ginawa ng ating Panginoon na magdala ng liwanag, at tumanglaw sa daigdig, ay naging mga likha ng sining, may dekorasyon, may palamuti, at nakulayan subalit hindi na kayang magbigay ng liwanag. Ang ang saysay ng isang lamparang hindi kayang magpailaw sa dilim? Hindi makikita ang lampara sa dilim kung hindi ito magniningning ang ilaw nito. Anumang ganda ng lampara, higit na maganda ang ilaw.
 
Nalulublob ang daigdig sa dilim, at nagaganap ito habang kayo ang liwanag ng mundo. Ang salamin ninyo ay dapat mabawi ang linaw upang makapagbigay kayo ng liwanag sa daigdig at makamit ang hangarin kung kaya kayo nilikha ng Diyos.
 
Nilikha ng Diyos ang bawat nilalang upang tumupad ng layunin ng pag-iral nito. Masdan mo ang mga nilalang ng mundong ito; bawat isa ay tumutupad sa tungkulin nito na may tumpak at buo, at wala isa man ang kulang-palad. Ang pinakasawimpalad na nilalang sa balat ng mundo ay mas masaya kaysa sa makasalanan. Sa araw ng pagtutuos, ang makasalanan ay hindi mag-aalala sa matinding  pagtutuos kundi mapapahiya siya sa harap ng kadakilaan ng pag-ibig ng Diyos, ang pag-ibig na lumikha sa sansinukob at nagbigay buhay. Ang pag-ibig ang tanging kayamanan na inipon mo sa mundong ito, at nananatili sa iyo hanggang sa kabila.
 
Lahat ng kayamanan, salapi, luwalhati, at tagumpay na akala mo ay sa iyo sa mundong ito at pinaniwalaan mong pag-aari mo ay mananatili sa mundong ito; kahit ang mga buto mo ay hindi sa iyo. Tanging pag-ibig lamang ang sasama sa iyo sa kabilang buhay, at sinumang haharap sa Panginoon na walang pagmamahal ay mamamatay sa hiya, at iyon ang magiging sandali ng kanyang tunay na kamatayan.
 
Namamatay ang tao kung hindi siya nagiging pag-ibig, dahil ang Diyos ay pag-ibig, at tanging pag-ibig ang walang hanggan. Maghari nawa ang pag-ibig sa inyong mga puso at ang kababaang-loob ang gumabay sa inyong mga isip. Manalangin at magsisi. Manalangin kay Hesukristo at diringgin Niya kayo; buksan ang inyong puso sa Kanya, at papasok Siya dito, at daratal ang kapayapaan doon. Subalit manalangin nang buong puso. Huwag umusal ng mga salita mula sa mga labi gayong ang puso ninyo ay nasa ibang lugar. Batid ng Panginoon ang nasa puso ninyo at nais Niya ang ang mga puso ninyo.
 
Huwag magpagod sa paghahanap ng katotohanang malayo kay Kristo. Walang katotohanan maliban kay Kristo. Si Kristo ang katotohanan, at kapag kilala ninyo si Kristo makikilala ninyo ang katotohanan at lalaya kayo, at gusto ni Kristo na lumaya kayo. Huwag matakot; maging matapang at maging tiyak at malakas ang loob na nilupig na ni Kristo ang daigdig.

Comments are closed.

    Mga Karanasan

    Ang Karanasan Ni Raymond Nader Kay San Sharbel
    Unang Karanasan
    Ikalawang Karanasan
    ​Ikatlong Karanasan
    Ika-Apat Na Karanasan
    ​Ikalimang Karanasan
    Ika-Anim Na Karanasan
    Ikapitong Karanasan
    Ikawalong Karanasan
    Ikasiyam Na Karanasan
    Ika-Sampung Karanasan
    ​Ika-Labing-Isang Karanasan
    ​Ikalabing-Dalawang
    Karanasan

    ​Ikalabing-Tatlong Karanasan
    ​Ikalabing-Apat Na Karanasan
    Ikalabing-Limang Karanasan
    Ikalabing-Anim Na Karanasan
    ​Mga Sipi Mula Sa Nalalabing Lima Pang Mensahe

Pamilya ni San Sharbel USA
​9340 Braymore Circle, Fairfax Station, VA 22039
  • San Sharbel
    • Talambuhay
    • Mga Himala
    • Mga Patotoo >
      • ​Patotoo Ni Maria G. Foley
      • Patotoo Ni Olivier Giroud-Fliegner
      • Patotoo Ni Georgette Larose
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Margaret Bieser
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Homer Wiggins
      • Ang Himalang Pagpapagaling Kay George Pospisil
    • Mga Panalangin
  • Mga Karanasan
  • Tungkol sa Amin
    • Paliwanag sa Logo
  • Mag-donate
  • Mga wika1
    • English
    • Español
    • Português