The Family of Saint Sharbel-Philippines
  • San Sharbel
    • Talambuhay
    • Mga Himala
    • Mga Patotoo >
      • ​Patotoo Ni Maria G. Foley
      • Patotoo Ni Olivier Giroud-Fliegner
      • Patotoo Ni Georgette Larose
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Margaret Bieser
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Homer Wiggins
      • Ang Himalang Pagpapagaling Kay George Pospisil
    • Mga Panalangin
  • Mga Karanasan
  • Tungkol sa Amin
    • Paliwanag sa Logo
  • Mag-donate
  • Mga wika1
    • English
    • Español
    • Português

Ikalabing-Dalawang Karanasan:  Si Kristo Ang Pundasyon Ng Giusali

7/11/2024

 
Picture
​Kapag nagdidilim na ang lampara, nilalagyan na ito muli ng langis. Ngayon ang lampara ay pumapanglaw, ang ilaw ay lumilipas, at ang kadiliman ay sobrang dilim. Punuin ang lampara ng langis bago ito tuluyang mamatay at mapalibutan ka ng kadiliman.
 
Asikasuhin ang langis ng lampara, sa tulong na Liwanag na nagpapagising sa iyo. Asikasuhin ang lamparang nagpapaliwanag sa iyong mga gabi. Bantayan ang lamparang nagbabantay sa iyo. Ang lampara mo ay namamanglaw, at ang ilaw ng iyong tahanan ay nagdidilim. Binabalot ka nito, nakatingin sa harapan, binabalewala ang ilaw na tumatanglaw sa iyong kadiliman.
 
Liwanagan ang kadiliman sa tulong ng lampara mo habang gabi; huwag matulog sa kadiliman habang naghihintay ng liwanag ng araw na sisikat. Kapag sumikat ang liwanag ng araw, magsisimula ang isa nan namang gawain, at tatanungin ka tungkol sa gawain sa nakaraang gabi. Kapag ang liwanag ng ilaw mo ay nagdimdim dahil kulang sa langis, punuin ito, huwag manatili sa ilalim ng liwanag ng kapatid mo at pabayaang mamatay ang iyong lampara. Tatanungin ka tungkol sa sarili mong lampara, na ikaw lamang ang may pananagutang mangalaga. Hayaan ang liwanag na umilaw sa lahat ng lampara hanggang sumikat ang umaga. Puno ng langis ang lampara; hindi ito puno ng mga kahilingan o pinabayaang magkatubig. Alagaan ang liwanag ng iyong lampara bago magtrabaho at bago simulang gumawa.
 
Suriin muli ang iyong mga pinahahalagahan. Baligtad ang hagdanan mo. Ang maliit na baytang ay nasa ilalim at ang malaki naman ay nasa itaas. Tingnan mo kung paano matayo ang gusali ng marunong na manggagawa; ang pinakamalaking bato sa ilalim at ang pinakamaliit sa itaas. Maraming tao ngayon ang nagbubuo ng kanilang bakod pabaligtad; hindi na nila alam ang malaki sa maliit, ang una sa huli, at ang pinaka-hindi importante sa pinaka-importante. Ang bakod na may pinakamaliit na bato sa ibaba at pinakamalaki naman sa itaas ay guguho, at ang gusali ay babagsak. Marami ang mga bakod na bumabagsak, at ang pagkakadikit ay nasisira dahil sa kamangmangan ng mga manggagawa at sa kahambugan ng mga tagapagtayo.
 
Ikaw, itayo ang gusali na may karunungan. Magbuo ng pundasyon kay Kristo, ang mahalagang bato para sa lahat mong mga gusali na nagtataguyod sa iyong mga landas. Ilagay ang mga malalaking bato sa pundasyon at ang mga maliliit naman sa itaas; at kung sa isang pader ng iyong gusali may makita kang malaking batong nasa itaas at isang maliit na batong nasa pundasyon, sirain ang buo mong pader at magbuo nang panibago. Kahit gaano kalaki o kataas ang iyong gusali, mas mabuti na magbuo muli mula sa pundasyon kesa hayaan itong bumagsak, gumuho at madaganan ang ulo mo, o ang ulo ng mga kapatid o mga anak mo.
 
Makakatiyak kang kung hindi si Kristo ang pundasyon ng bawat gusali, guguho ito. Huwag masilaw ng mataas na istrukturang gawa ng tao, dahil guguho ito kahit pa gaano ito kataas, at malilimutan ito ng panahon. Kung nagawa mo na ang iyong gusali at natuklasan pa na hindi ito natatag kay Kristo, was akin at buuin ulit ito. Ang landas na itinatag kay Kristo ay mas mainam kaysa mataas na tore na ibabagsak ng malakas na hangin. Si Kristo ang pundasyon ng gusali ng Panginoon; kayo ang mga buhay na bato; at ang Espiritu Santo ang panulukang bato. Si Kristo ang nagdadala ng buong gusali, at ang Espiritu ang nagtitipon ng lahat ng mga bato ng haligi at nagtutukod sa mga pader. Ang Espiritu ang espiritu ng pag-ibig. Pag-ibig ang batong-sandigan. Kapag inalis mo ang Espiritu, inalis mo ang batong-sandigan; ang haligi ay makakalas, ang mga bato ay maghihiwalay at ang buong gusali ay guguho.
 
Ang Espiritu Santo, ang espiritu ng pag-ibig, ay ang sandigang-bato na nagtatago ng tipan. Bawat bata sa gusali ay may kanya-kanyang lugar; bawat bato sa itaas ay suportado ng mga bato sa ibaba, at suportado ng mga bato sa gilid, na tinutukuran din nito. Sa ibabaw nito, ang mga bato na tinutukuran. Bawat bato ay tapyas para magkasya. Ang batong nawawala sa gusali ay hindi lang nag-iiwan ng puwang sa lugar nito, kundi nagtatawag ng ulan, hangin, alikabok, at malakas na hangin din. Huwag mag-iwan puwang sa pagitan ng isang bato at ng isa pa, dahil pahihinain nito ang gusali. Huwag mag-iwan ng buhangin sa pagitan ng mga bato, dahil pag lumakas ang ulan at namuo ang yelo, lulusot ang buhangin at babagsak ang gusali. Ang kapangyarihan ng Espiritu ang pumipigil sa mga bato ng gusali at hindi ang buhangin, na siyang nagdidikit sa kanila.
 
Manatiling matatag sa gusali ng Panginoon. Magsumikap na magbuo ng kaharian at maging mga batong buhay sa templo ng Panginoon. Ang batong wala sa templo ng Panginoon ay nananatiling bato sa umpukan ng mga bato, may bigat pero walang hugis, lugar o gampanin, isa lamang batong itinapon sa umpukan ng mga bato.
 
Isuko ang sarili sa mga kamay ng Panginoon, ang marunong na tagapagtayo. Pabayaan Siyang pakinisin at ukitin ka, pabayaan Siyang alisin ang sobra sa iyo at buuin ang kulang, pabayaan ang Panginoon na bigyan ka ng hugis, laki, at lugar. Kahit nakatakda ka pang maging malaki o maliit na bato, may lugar ka at inukit upang magkasya.
 
Pabayaang ang Panginoon na buuin ka at magkakaroon ka ng lugar sa iyong landas. Huwag mong ilagay ang sarili sa lugar na umaakit sa iyo. Kung pupuwesto ka sa lugar na mas malaki para sa iyo, magiging nakausli ka at maghihiwalay ang buong pader. Kung pupuwesto ka sa mas maliit para sa iyo, magkakaroon ng puwang sa paligid mo. Punuin ang lugar mo, suportahan ang nasa ibabaw mo, ang nasa paligid mo, at sumandal sa nagdadala sa iyo. Si Kristo ang nagdadala ng lahat ang Espiritu ang nagbibigkis at gumagabay sa iyo.

Comments are closed.

    Mga Karanasan

    Ang Karanasan Ni Raymond Nader Kay San Sharbel
    Unang Karanasan
    Ikalawang Karanasan
    ​Ikatlong Karanasan
    Ika-Apat Na Karanasan
    ​Ikalimang Karanasan
    Ika-Anim Na Karanasan
    Ikapitong Karanasan
    Ikawalong Karanasan
    Ikasiyam Na Karanasan
    Ika-Sampung Karanasan
    ​Ika-Labing-Isang Karanasan
    ​Ikalabing-Dalawang
    Karanasan

    ​Ikalabing-Tatlong Karanasan
    ​Ikalabing-Apat Na Karanasan
    Ikalabing-Limang Karanasan
    Ikalabing-Anim Na Karanasan
    ​Mga Sipi Mula Sa Nalalabing Lima Pang Mensahe

Pamilya ni San Sharbel USA
​9340 Braymore Circle, Fairfax Station, VA 22039
  • San Sharbel
    • Talambuhay
    • Mga Himala
    • Mga Patotoo >
      • ​Patotoo Ni Maria G. Foley
      • Patotoo Ni Olivier Giroud-Fliegner
      • Patotoo Ni Georgette Larose
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Margaret Bieser
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Homer Wiggins
      • Ang Himalang Pagpapagaling Kay George Pospisil
    • Mga Panalangin
  • Mga Karanasan
  • Tungkol sa Amin
    • Paliwanag sa Logo
  • Mag-donate
  • Mga wika1
    • English
    • Español
    • Português