The Family of Saint Sharbel-Philippines
  • San Sharbel
    • Talambuhay
    • Mga Himala
    • Mga Patotoo >
      • ​Patotoo Ni Maria G. Foley
      • Patotoo Ni Olivier Giroud-Fliegner
      • Patotoo Ni Georgette Larose
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Margaret Bieser
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Homer Wiggins
      • Ang Himalang Pagpapagaling Kay George Pospisil
    • Mga Panalangin
  • Mga Karanasan
  • Tungkol sa Amin
    • Paliwanag sa Logo
  • Mag-donate
  • Mga wika1
    • English
    • Español
    • Português

Ikatlong Karanasan: Ang Gawain Mo Sa Mundong Ito

7/11/2024

 
Picture
​Si Kristo ang daan; manatiling matatag kay Kristo at sundan ang daan, at huwag pabayaan ang anuman na maglayo sa iyo sa Kanya.
 
Tumigil para sa bawat kapatid mo, kahit na sandali, ituro sa kanya ang daan, ituro sa kanya ang liwanag. Kung piliin niyang sumabay sa iyo, pabayaan mo siyang mauna, at kung hilingin niyang hawakan ang iyong kamay, hawakan mo ang dalawang kamay niya. Kung subukan niyang ilayo ka sa daan, o itulak ka pabalik, iwanan mo siya, dahil mahaba ang lansangan at marami ang gampanin; ang gawain mo ay maghasik sa mundo ng panalangin at insenso. Maghasik ng pag-ibig sa mundo. Maghasik sa bato dahil ang mga halaman ay tutubo sa anumang baton a may kaunting lupa. Durugin ang baton a dapat durugin. Patuloy mong basagin ang bato at huwag manghinawa, dahil kung hindi ito mawawasak matapos ang una at ikalawang hampas, mawawasak ito matapos ang isandaan. Huwag mapagod o maiwan sa huli, dahil kung gagawin ito, iba ang dudurog sa bato, mag-aararo, at maghahasik. Naghahasik kapag panahon na at umaani kapag panahon na.
 
Hampasin ang bato at huwag matakot, dahil sa iyo ang braso, subalit ang lupa ay hind isa iyo pati na ang martilyo. Huwag mangyamot, magmaktol, maglikot, o magreklamo. Ang trigo na ginigiik para mahiwalay sa ipa ay hindi nagrereklamo sa bigat ng pang-giik o dahil sa tigas ng lupa, dahil ito ay inihahanda na maging tinapay at pagkain. At ang mga ubas ay hindi naglilikot habang dinidiinan, pinipiga, dinudurog sa mga bato ng pigaan, dahil sila ay nagiging alak at galak. Kung wala ang krus, wala din ang tinapay o alak. Sinumang nais maging tinapay at alak ay dapat magpasan ng krus. Pasanin ang krus at lapitan ang liwanag. Sa mundong ito, kumikilos ang tao mula sa pampang ng kadiliman at kawalang-buhay tungo sa pampang ng walang hanggang liwanag, at dumadaan siya sa mga dagat ng mundo lulan ng isang barko. Ang mga barko ng mundong ito ay marami.
 
1 – Ang ibang barko ay napakaganda, marangya, at kumportable, dahil ang mga layag nito ay humihilig sa hangin at ang mga dambaan nito ay sumasabay sa mga alon. Hindi sila nakaharap sa hangin man o mga alon. Wala silang direksyon man o destinasyon. Maraming tao ang nagmamadaling sumakay sa mga barkong ito, dahil wala na silang nakikitang iba sa mundong ito kundi ang paglalakbay, at ang tanging nais nila ay ang paglalayag nila ay maging kaaya-aya at ang kanilang paglalakbay ay maging maginhawa. Subalit walang paglalakbay sa dagat na ito na nagtataglay magpakailanman; natatapos ang paglalayag, at ang mga pasahero ng mga barkong ito ay humahantong sa ilalim ng dagat, malapit sa pampang kung saan sila umalis.
 
2 – Isa pang uri ng barko ay ginawa mula sa manipis na layag at mahinang kahoy. Ang mga barkong ito ay nasisira agad kapag nasa gitna ng dagat, kung saan ang mga alon ay matataas, at ang mga bagyo ay nagiging malakas, at ang mga pasahero ay humahantong sa isang lugar sa ilalim ng dagat.
 
3 – Ang ikatlong uri ay mga barkong ginawa mula sa matibay na kahoy at buong layag na tila maganda at kaakit-akit. Subalit ang kapitan ay isang impostor na nagdadala sa mga pasahero mula sa isang pampang ng kamatayan tungo sa iba pa. Kaya, ang mga pasahero ng mga barkong ito ay humahantong sa pampang ng kamatayan kung saan hindi na sila makababalik.
 
4 – At nariyan ang barko ng Panginoon, na mayroong matibay na kahoy at makapal na mga layag, at ang kapitan ay puno ng karunungan, lakas ng loob, at pagmamahal. Ang barkong ito ay naglalayag sa malalim na dagat nakaharap sa mga malalakas na bagyo at hangin, at sinasagupa ang mga matataas na alon sa laot. Ang paglalakbay sa barkong ito ay magalaw, subalit ang pagdating naman ay tiyak.
 
Kumapit sa barko ng Panginoon; huwag matakot sa mga bagyo at matataas na alon. Huwag hayaang maakit ng mga marangya at kumportableng barko na sumakay dito, dahil hindi sila nakararating sa paroroonan. Isipin lamang ang destinasyon at hindi ang paglalakbay. Huwag hayaang maaliw sa pusod ng dagat at mahila pababa. Ang dagat ng mundong ito ay para maglayag at hindi para sumisid. Hindi ka maaaring sabay na nasa barko at nasa ilalim ng tubig dagat, o nasa dalawang barko nang sabay.
 
Kumapit sa barko ng Panginoon at tulungan ang iyong mga kapatid na kumapit din kasama mo: Sa bawat pantalan na mararating, anyayahan ang mga tao na makilakbay sa iyo upang maibahagi mo sa kanila ang pagdating sa paroroonan. Sabihin mo sa kanila ang iyong barko at kapitan at ang pampang ng liwanag. Subalit, maging tiyak na hindi ang sasabihin mo ang siyang magpapasakay sa mga tao sa barko ng Panginoon, kundi ang iyong pagmamahal sa bawat isa at ang iyong pagmamahal sa kapitan at ang iyong tiwala at pananalig sa Kanya, at ang kalagakan sa inyong mga mukha.
 
Maging tiyak din na ang paglalakbay sa barkong ito ay magtatapos lamang sa pampang ng liwanag upang magpatuloy kasama ng liwanag, dahil ang tao ay nilalang-kosmiko na ang hangganan ay ang liwanag, at hindi nilalang-makamundo na ang hangganan ay lupa at tubig. Ang tao ay alabok at liwanag: Sinumang namumuhay sa alabok ay babalik sa alabok at mamamatay sa alabok. Sinumang nabubuhay sa liwanag, magbabalik sa liwanag at mamumuhay sa liwanag. Huwag magpakulong sa mundo, dahil ang dulo ng iyong tinubuang-bayan sa mundong ito ay ang dulo ng dagat at ang simula ng langit. Huwag paalipin sa mundo; maging malaya. Ang kalayaan ay tanging iyong kalayaan sa kasalanan; kung ikaw ay malaya sa kasalanan, ikaw ay malaya, at walang makapang-aalipin sa iyo. Subalit kung ikaw ay alipin ng kasalanan, ikaw ay laipin kahit pa hawak mo ang tungkod ng hari sa iyong kamay.
 
Panatiliin ang biyaya ng pagmamahal at ang tanda ng pagpapakumbaba. Maging tunay ng mga saksi ni Hesukristo. Harapin ang kasamaan ng pagmamahal, subalit huwag gamitin ang pagmamahal na dahilan upang iwasan ang kasamaan; ang magsasaka ay hindi tumitigil sa pag-aararo dahil mabato. Huwag matakot, sisirain ng kasamaan ang sarili nito.
 
Ganap na italaga ang sarilii sa Simbahan at sa kanyang mga turo, at magpunyagi sa panalangin. Igalang ang ating Ina, ang Mahal na Birheng Maria, at kasangkapanin ang Rosaryo, dahil ang pangalan ng Birheng Maria ay nagpapalayas ng kadilimin at dumudurog sa kasamaan.
 
Maging tila monghe sa inyong puso sa mundong ito, kahit na wala kayong suot na abito. Maghasik sa mundo ng panalangin at insenso. Maging mga banal at pabanalin ang mundo. Ang daan ng kabanalan ay mahaba subalit tiyak na kung ang mga kaisipan ng Diyos ang nasa inyong isip at ang pagmamahal ng Diyos ang nasa inyong puso, ang lakas ng Diyos ay mapapasainyong mga bisig at kayo ay makararating sa hantungan. Mapanatag na anumang ang iyong dasalin, ipagdarasal ko kayo, upang kayo ay maging banal, at ang pangalan ng Panginoon ay luwalhatiin.

Comments are closed.

    Mga Karanasan

    Ang Karanasan Ni Raymond Nader Kay San Sharbel
    Unang Karanasan
    Ikalawang Karanasan
    ​Ikatlong Karanasan
    Ika-Apat Na Karanasan
    ​Ikalimang Karanasan
    Ika-Anim Na Karanasan
    Ikapitong Karanasan
    Ikawalong Karanasan
    Ikasiyam Na Karanasan
    Ika-Sampung Karanasan
    ​Ika-Labing-Isang Karanasan
    ​Ikalabing-Dalawang
    Karanasan

    ​Ikalabing-Tatlong Karanasan
    ​Ikalabing-Apat Na Karanasan
    Ikalabing-Limang Karanasan
    Ikalabing-Anim Na Karanasan
    ​Mga Sipi Mula Sa Nalalabing Lima Pang Mensahe

Pamilya ni San Sharbel USA
​9340 Braymore Circle, Fairfax Station, VA 22039
  • San Sharbel
    • Talambuhay
    • Mga Himala
    • Mga Patotoo >
      • ​Patotoo Ni Maria G. Foley
      • Patotoo Ni Olivier Giroud-Fliegner
      • Patotoo Ni Georgette Larose
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Margaret Bieser
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Homer Wiggins
      • Ang Himalang Pagpapagaling Kay George Pospisil
    • Mga Panalangin
  • Mga Karanasan
  • Tungkol sa Amin
    • Paliwanag sa Logo
  • Mag-donate
  • Mga wika1
    • English
    • Español
    • Português