The Family of Saint Sharbel-Philippines
  • San Sharbel
    • Talambuhay
    • Mga Himala
    • Mga Patotoo >
      • ​Patotoo Ni Maria G. Foley
      • Patotoo Ni Olivier Giroud-Fliegner
      • Patotoo Ni Georgette Larose
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Margaret Bieser
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Homer Wiggins
      • Ang Himalang Pagpapagaling Kay George Pospisil
    • Mga Panalangin
  • Mga Karanasan
  • Tungkol sa Amin
    • Paliwanag sa Logo
  • Mag-donate
  • Mga wika1
    • English
    • Español
    • Português

Ikapitong Karanasan: Ang Paglalakbay Mo Sa Mundong Ito Ang Iyong Biyahe Tungo Sa Kabanalan

7/11/2024

 
Picture
Lahat ng tao ay binigyan ng tainga upang makarinig, subalit ang nakikinig ay kaunti, at sa mga nakikinig, ang nakauunawa ay kaunti, at napakakaunti sa mga nakikinig at nakakaunawa ang nagsasabuhay ng kanilang narinig at naunawaan. Ang mga patungo sa kaharian ay kaunti, at ang pinto ay makipot.
 
Makinig, unawain, at maging mga saksi. Makinig sa tinig ng Panginoon, at unawain ang katotohanan, at saksihan ang katotohanang nadama, at isabuhay ito. Manahimik upang makarinig, at makinig sa tinig ng Panginoon. Subalit mag-ingat na iwasang makinig sa mga umaalingawngaw sa iyong mga kaisipan. Lampasan ang mga kaisipan mo, at pabayaang ang salita ng Diyos ang magpadalisay sa mga ito, burahin ang anumang dapat na alisin at itala ang dapat na isulat muli.
 
Ang tao ay bahagi ng kabuuan, at ang bahagi ay dapat makinig sa kabuuan. Tulad ng ang patak ng tubig ay sa ilog, ang patak ng tubig ay hindi maaaring maging ilog, kahit na taglay nito lahat ng nasa ilog; subalit ang ilog ay mga patak ng tubig na sabay ang daloy. Ang isang patak ng tubig sa ilog ay ilog, subalit ang patak ng tubig sa labas ng daloy ng ilog ay isa lamang patak ng tubig. Makinig sa daloy ng sansinukob, dahil bahagi ka nito.
 
Ang buong sansinukob ay nasa paglalakbay tungo sa puso ng Ama, tulad ng ang dalaoy ng mga ilog ng mundo ay patungo sa dagat. Huwag magkamali sa pagsunod sa paglalakbay na ito; ang patak ng tubig sa labas ng ilog ay hindi makararating sa dagat.
 
Makinig, unawain ang katotohanan at bayaan itong manuot sa iyong espiritu. Sirain lahat ng panlabas na mga suson at sirain lahat ng mga naipon na ibinalot sa iyo ng mundo at nagtatakip sa iyo ng mukha ng Diyos. Magpakumbaba at iwaksi ang mga kaisipang humaharang sa iyo sa tinig ng Diyos, kahit pa ang ilan dito ay naghubog at gumawa sa iyo. Makinig nang may kababaang-loob at bayaang ang puso ay lumambot at ang isip ay lumaya. Ang pakikinig na may kababaang-loob at pagsisisi ay tulad ng isang alingawngaw na nawala sa mga lambak; kahit gaano kalakas ang alingawngaw, ang bundoy ay nananatiling bundok, ang lambay ay lambak at ang bato, ay bato. Makinig nang may kababaang-loob, unawaaing malalim ang katotohanan, at magbigay saksi na may katapangan.
 
Makinig upang makaunawa at makaalam, at mabuhay ayon sa katotohanan na iyong nabatid; hindi sapat sa iyo na malaman ang landas, dapat mong tahakin ito.
 
Lilinawin ng Diyos ang mga pahina, subalit kailangang ikaw ang magbasa; tatanglawan ng Diyos ang daan, subalit ikaw ang dapat maglakad. Sinumang umaakyat, umaakyat gamit ang kanyang mga paa at sinumang bumababa, bumababa gamit ang kanyang mga paa.
 
Saanman ikaw makarating, ang mga paa mo ang nagdala sa iyo doon. Maging palaging nakikinig at laging nagsusuri ng budhi. Ulit ang mga pagtantiya bawat araw, baguhin ang iyong buhay at panibaguhin ito. Kung makikinig kang may kababaang-loob maririnig mo at mauunawaan ang katotohanan at ang katotohanan ang magpapalaya sa iyo. Kalagan ang sarili sa mga lubid na nakatali sa iyo: ang iyong mga kaisipan, ang iyong mga sariling paniniwala, at ang iyong mga masidhing damdamin na nagtatali sa iyo tulad ng lubid na nagtatali sa bangka sa pampang. Ang bangka sa pampang ay isang pantalan na nakatali ng mga lubid, na nagbibigay ng kaligtasan subalit pumipigil sa paglalayag. Bayaan mong ang salita ng Diyos ang kumalag sa mga lubid mo, at pumutol sa mga dapat putulin, lubid pagkatapos ng lubid, kahit magdusa ka. Huwag mabuhay sa loob ng iyong mga damdamin at kaisipan, kahit pa nagbibigay ito sa iyo ng kapahingahan at kasiguruhan.
 
Ang kasiguruhan ay isang ilusyon na walang kapayapaan ni Kristo. Ang pahinga ay isang panlilinlang kung hindi ito nasa puso ng Diyos. Huwag matakot na pakawalan ang sarili sa pampang at umalis sa pantalan. Bayaan mong palayain ka ng Diyos, ang Kanyang salita ang maging gabay mo at ang Espiritu ang pumuno sa mga layag mo. At mararating mo ang pampang ng liwanag. Ang bangka ay dapat maglayag sa dagat at hindi manatili sa pampang. Para ang bangka ay makarating sa gitna ng dagat, dapat makalag ang lahat nitong mga lubid, at kahit isang lubig lang ang nakatali, mananatili ito sa pampang.
 
Itago lamang ang mga lubid na pangtali sa iyong mga layag at gagabay sa iyo, kasama ng mga lubid ng pag-ibig at pagsasama na nag-uugnay sa iyo sa iyong kapatid sa sangkatauhan. Ang paglalakbay sa mundong ito ang biyahe tungo sa kabanalan. Ang kabanalan ang kalagayan ng palaging pagbabago mula sa bagay tungo sa liwanag.
 
Manalangin upang makinig, manalangin upang makaunawa at manalangin upang isabuhay ang pananampalataya, ilapat ito at magbigay saksi. Manalangin upang magpanibago sa liwanag. Makinig kalakip ang panalangin, unawain ang katotohanan kalakip ang panalangin, mabuhay at magbigay saksi kalakip ang panalangin. Ang buong buhay mo nawa ay maging panalangin at paglilingkod. Kung magdarasal kang walang paglilingkod, ginagawa mo ang Krus ni Kristo na isang pirasong kahoy lamang sa buhay mo; ang kung maglilingkod na walang panalangin, pinaglilingkuran mo lang ang iyong sarili. Magdasal sa iyong silid. Magdasal kasama ng pamilya mo, at magdasal sa pamayanang ng Simbahan. Magdasal sa silid na kaulayaw ang Diyos; at maililigtas mo ang iyong kaluluwa at bubuksan ang isip mo sa hiwaga ng Diyos. Magdasal kasama ng pamilya mo; at mapangangalagaan mo sila at mailalagay sa puso ng Santissima Trinidad. Magdasal kasama ng Simbahan; at mapangangalagaan ka ng Simbahan at madadala palapit sa kaharian. Ang personal na panalangin mong mag-isa kasama ang Panginoon ang maglalagay sa iyo sa puso ng Diyos , ang panalangin mo sa puso ng pamilya ang maglalagay sa iyo sa puso ng Santissima Trinidad, at ang panalanging pam-pamayanan sa puso ng Simbahan ang magbibigay katibayan sa iyo sa katawan ni Kristo.
 
Ang taong nagdarasal ay nabubuhay sa hiwaga ng pag-iral, samantalang ang taong hindi nagdarasal ay halos hindi nabubuhay. Masanay sa katahimikan; ang uri ng katahimikan na nakikinig, buhay, at malayo sa katahimikan nang kawalan. Masanay sa katahimikan; pandayin ang sarili sa pagmamahal, lumago sa kabanalan. Makinig upang makarining, magpakumbaba upang makaunawa, manalig, at maging matapang na sumaksi, at magmahal upang maging banal.

Comments are closed.

    Mga Karanasan

    Ang Karanasan Ni Raymond Nader Kay San Sharbel
    Unang Karanasan
    Ikalawang Karanasan
    ​Ikatlong Karanasan
    Ika-Apat Na Karanasan
    ​Ikalimang Karanasan
    Ika-Anim Na Karanasan
    Ikapitong Karanasan
    Ikawalong Karanasan
    Ikasiyam Na Karanasan
    Ika-Sampung Karanasan
    ​Ika-Labing-Isang Karanasan
    ​Ikalabing-Dalawang
    Karanasan

    ​Ikalabing-Tatlong Karanasan
    ​Ikalabing-Apat Na Karanasan
    Ikalabing-Limang Karanasan
    Ikalabing-Anim Na Karanasan
    ​Mga Sipi Mula Sa Nalalabing Lima Pang Mensahe

Pamilya ni San Sharbel USA
​9340 Braymore Circle, Fairfax Station, VA 22039
  • San Sharbel
    • Talambuhay
    • Mga Himala
    • Mga Patotoo >
      • ​Patotoo Ni Maria G. Foley
      • Patotoo Ni Olivier Giroud-Fliegner
      • Patotoo Ni Georgette Larose
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Margaret Bieser
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Homer Wiggins
      • Ang Himalang Pagpapagaling Kay George Pospisil
    • Mga Panalangin
  • Mga Karanasan
  • Tungkol sa Amin
    • Paliwanag sa Logo
  • Mag-donate
  • Mga wika1
    • English
    • Español
    • Português