The Family of Saint Sharbel-Philippines
  • San Sharbel
    • Talambuhay
    • Mga Himala
    • Mga Patotoo >
      • ​Patotoo Ni Maria G. Foley
      • Patotoo Ni Olivier Giroud-Fliegner
      • Patotoo Ni Georgette Larose
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Margaret Bieser
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Homer Wiggins
      • Ang Himalang Pagpapagaling Kay George Pospisil
    • Mga Panalangin
  • Mga Karanasan
  • Tungkol sa Amin
    • Paliwanag sa Logo
  • Mag-donate
  • Mga wika1
    • English
    • Español
    • Português

Mga Sipi Mula Sa Nalalabing Lima Pang Mensahe Ni San Sharbel

7/11/2024

 
Picture
​Ang tungkod ng pastol ay gamit upang gabayan at pangalagaan ang kawan laban sa mga lobo at mga hayop sa gubat. Ang tungkod ng Mabuting Pastol ay mistulang tungkod subalit sa katunayan it ay isang setro o baston ng hari. Ang kahoy na bakulo sa kamay ng Mabuting Pastol ay nagiging setro, at ang napapalamutiang setro ay nananatili sa kamay Niya bilang isang kahoy na bakulo.
 
Magkahawig lamang ang munting sisidlan at malaking palayok na kapwa puno. Munting sisidlan ka man o palayok, ang mahalaga ikaw ay puno. Sikapin na laging maging puno, anuman ang laki mo. Huwag mabagabag ng mga panlabas na bagay. Ang mga nakapalibot sa iyo, sa harap at likod mo ay hindi kasing halaga ng nasa loob mo. Ang Kanyang katotohanan ay laging lumulutang kahit pa bumagsak ang mundo. Hindi kailanman nagbibigay sa iyo ang mundo, subalit nagkakautang ka pa dito. Ang Diyos lamang ang nagbibigay.
 
Hindi mo kayang buhatin ang mga taong mataas pa sa iyo, subalit kung si Kristo ay nasasaiyo, maaari kang umakyat at hilahin sila papalapit sa iyo. Kapag umakyat kang mataas, hilahin mo ang mga kapatid mo tungo sa iyo. Itinaas ka ni Kristo noong Siya ay itinaas, kaya itaas din ang iyong mga kapatid, dahil itinataas kayo sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Kristo. Habang ikaw ay naaakit patungo kay Kristo, maaakit mo din ang mga tao sa palibot mo.
 
Huwag ipagbili ang kaluluwa sa mga pamilihan ng mundong ito. Ang mga kaluluwa ninyo ay lubhang mahalaga. Anuman ang halagang ibayad sa iyo ng mundo, napakaliit nito kung ihahalintulad sa tunay na halaga ng inyong kaluluwa. Huwag ipagbili ang mga kaluluwa dahil hindi mababayaran ng mundo ang tunay nitong halaga. Ang tunay na halaga ay nabayaran lamang sa dugo ni Kristo, buong-buong nabayaran sa Krus. Ang Kaharian ng Diyos ay hindi isang hantungan kundi isang paglalakbay na magaganap sa sarili mo sa kapangyarihan ng Espiritu Santo. Dahan-dahan, araw-araw, sa mga maliliit na detalyeng pumupuno sa mga sandali ng buhay mo, bawat segundo. Ang pagninilay ay ang masdan ang mga bagay kung ano talaga sila, hindi kung ano ang akala mo sa isip mo, o kung ano ang nais mong sila ay maging.
 
 
Mahal mo ang ideya tungkol sa tao, hindi ang tao mismo. At suklam ka sa ideya tungkol sa tao, hind sa tao mismo. Mag-ingat, huwag humusga. Huwag mag-isip ng mga namuong ideya at hatol sa kahit sino. Ang  ang pagtatangi sa mga tao ay mga lenteng inilalagay mo sa mata kung saan nakikita mo ang bawat tao sa kulay ng iyong lente, at hindi sa tunay nilang kulay.  Ilagay sa isip mo ang karunungan ng kalikasan, sa puso mo ang kagandahan at sa espiritu mo ang kapangyarihan ng palaging pagbabago.
 
Kapag nagkamali ka, aminin mo. Kapag inamin mo ang pagkakamali, ikumpisal ito, at ituwid hanggang kaya mo. Ang pagtanggap ng mali at pagtutuwid dito ay nakakapagtataas at hindi nakapagbababa sa atin. Ayusin ang kaya mo at ilkumpisa sa Diyos ang hindi mo kayang ayusin. Siya ang mag-aayos ng hindi mo kaya at magpupuno ng hindi mo kayang punan.
 
Huwag mangatwiran sa pagkakamali dahil sa mabubuting intensyon. Ang mabubuting intensyon ay hindi sapat na magdala sa iyo sa langit, dahil kailangang ang iyong mga gawa ay kasingbuti ng iyong mga intensyon. Ang mahalaga ay ang mga bunga ng iyong pagpapagod at ang mga kahihinatnan ng iyong mga salita. Ang mabuting intensyon ay ang katuwiran ng mangmang at ang kamangmangan ay tila pagtulog. Hindi mo alam na ikaw ay tulog kung hindi ka gigising. Gisingin ang mga natutulog. Kapag nagising, mauunawaan nilang nakatulog pala sila. Huwag makipag-usap sa tulog; hindi ka niya madidinig. Gisingin siya at saka makipag-usap sa kanya.
 
Lalong lumalago ang tao sa kabanalan, lalong hindi niya ito nakikita. Kapag napapansin niya ang kanyang kabanalan, doon ito maglalaho.
 
Isipin mo ang salitang sasabihin mo tulad ng isang naghahagis ng bato sa tirador. Ang naghahagis ng bato ay hindi kikilos hanggang hindi sigurado ang puntirya niya. Ang salita sa bibig mo ay parang bato sa tirador, kapag pinakawalan na ay hindi na mababawi pa. Kung hindi nito mararating ang puntirya, huwag nang ihagis pa dahil baka makasakit. Ang hindi kaaya-ayang mga salita ay nakapananakit. Iwasang gumamit ng salitang may ibang kahulugan at piliin lamang ang mga salitang may isang malinaw na kahulugan. Maging mabuting halimbawa sa halip na magbigay lamang ng mabuting payo. Kapag may nakitang mali, ituwid nang tahimik, sa halip na manisi nang malakas.
 
Ang bato sa ilang sa ilalim ng araw, na inilublob sa ilog, binuhusan ng mga langis na mabango, ibinabad sa insenso, o binalutan ng mga kulay ay mananatiling isang bato. Tanging durog na bato, katamtamang bato, maliliit na bato, at buhangin ang manggagaling sa malaking bato, at kapag lumambot ito, nagdudulot lang ng alikabok. Ang pagiging santo ay kakaibang-kakaiba sa pagyayabang na santo ka; iyong una ay posibleng mangyari kahit na wala iyong ikalawa.
 
 
Palaging suriin ang pagkakaiba ng iyong mga pagnanasa at ng iyong mga pangangailangan. Nagnanais ang tao ng mga bagay na hindi niya kailangan, at nangangailangan ng mga hindi naman niya ninanais. Ang kayamanan mo ay masusukat sa pagkawala ng iyong mga kailangan, hind isa pagdami ng iyong mga ari-arian. Lahat ng iniisip mong pag-aari sa mundo, sa katotohanan, ang nagmamay-ari sa iyo. Anuman ang sa isip mo’y nasa ilalim ng kapangyarihan mo sa mundo, sa katotohanan, ay siyang may kapangyarihan sa iyo. Lahat ng mga bagay sa mundo na nais mong kontrolin ay gumagawa sa iyo na katambal ng masama. Umiiral ka sa mundo upang magbigay at maglingkod, at hindi upang magmay-ari at mag-utos.
 
Malaki ang pagkakaiba ng pagsangkot at ng pagtatalaga ng sarili. Isabuhay ang pagtatalaga sa Simbahan at hindi ang pagsangkot sa pamayanan. Ang direksyong tatahakin mo ay mas mahalaga sa bilis ng pagkilos. Ano ang mapapala ng bilis at tulin kung mali ang direksyon? Huwag magsimula ng anuman sa lupa kung hindi naman ito hahantong sa langit. Huwag tahakin ang landas sa daigdig na hindi magdadala sa langit.
 
Ang limang pandama ay hindi kumpleto, ang iyong pandamang espirituwal ang kumukumpleto dito. Hindi ka makararating sa kabanalan nang hindi dumadaan sa pagkatao. Ang mga nagaganap sa loob mo ay mas mahalaga sa mga nagaganap sa labas mo.
 
Laging kilatisin ang pagkakataon at ang tukso. Ang sunggaban ang pagkakataon ay iba sa pagsuko sa kasalanan. Dahil ang pagtatangkang kunin ang pagkakataon ay isang pagkukusa sa mabuti, samantalang ang tukso ay isang pababang pag-ikot tungo sa kasamaan.
 
Ang kasalanan ay tila lason. Kapag nagkasala ka, para kang nakainom ng lason; ikaw ang siyang malalason, kahit paano mo pa ito ininom o sino ang nagbigay sa iyo nito. Walang magagawa ang pagsisi sa iba kapag nalason ka at namatay.
 
Ang taong mangmang ay kumakapit sa alikabok hanggang siya ay maging alikabok; ang marunong at maingat na tao ay kumakapit sa langit hanggang makarating siya sa langit. Mapapabilang ka sa lugar na kinakapitan mo.
 
Anumang papasok sa katawan mo at tatanggapin mo ay hindi iyo at anumang lalabas sa iyo at ibibigay mo ay sa iyo. Hindi ka susuriin sa anumang papasok sa iyo kundi sa anumang lalabas sa iyo. Anumang papasok sa iyo ay hind isa iyo, anumang lalabas ay sa iyo. Sa kapangyarihan ng Espiritu na iyong tinanggap sa pamamagitan ng mga panalangin, ay magbabago ng lahat ng papasok sa iyo na hindi mo naman pag-aari, tungo sa kabanalan na nagniningning sa iyo at kikilos upang lahat ng bagay maging iyo.
 
Sa landas ng Panginoon, kapag umusod ka ng isang hakbang pabalik, gagawin ng Demonyong sampu ang hakbang na ito. Subalit kapag umusad ka naman ng isang hakbang pasulong, tutulungan ka naman ng Panginoon na umusad pa ng isangdaan.
 
Sinumang gumugugol ng buhay niya sa pagtugtog ng kampana ng Simbahan ay hindi nangangahulugang siya ding papasok sa langit at maliligtas ang kaluluwa. Mas mabuti pang makinig sa kampana ng budhi niya kapag naghahayag ito ng kasalanan. Marami ang mga bumabatingting ng kampana ng simbahan upang hindi madinig ang sarili nilang budhi.
 
Huwag magpakabusog, kumain lamang para mapawi ang gutom. Dahil alam ng tao kung hindi na siya gutom subalit hindi niya alam kung kailan siya busog na. Ang pagkabusog ng tao ay walang limitasyon. Ang lasa ng kalinisan ng puso ay may masarap pa kaysa sa lasa ng sekswal na ginhawa. Hindi alak ang nagpapalasing sa tao; ang tao ang siyang nalalasing.

Comments are closed.

    Mga Karanasan

    Ang Karanasan Ni Raymond Nader Kay San Sharbel
    Unang Karanasan
    Ikalawang Karanasan
    ​Ikatlong Karanasan
    Ika-Apat Na Karanasan
    ​Ikalimang Karanasan
    Ika-Anim Na Karanasan
    Ikapitong Karanasan
    Ikawalong Karanasan
    Ikasiyam Na Karanasan
    Ika-Sampung Karanasan
    ​Ika-Labing-Isang Karanasan
    ​Ikalabing-Dalawang
    Karanasan

    ​Ikalabing-Tatlong Karanasan
    ​Ikalabing-Apat Na Karanasan
    Ikalabing-Limang Karanasan
    Ikalabing-Anim Na Karanasan
    ​Mga Sipi Mula Sa Nalalabing Lima Pang Mensahe

Pamilya ni San Sharbel USA
​9340 Braymore Circle, Fairfax Station, VA 22039
  • San Sharbel
    • Talambuhay
    • Mga Himala
    • Mga Patotoo >
      • ​Patotoo Ni Maria G. Foley
      • Patotoo Ni Olivier Giroud-Fliegner
      • Patotoo Ni Georgette Larose
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Margaret Bieser
      • Himala Ng Pagpapagaling Kay Homer Wiggins
      • Ang Himalang Pagpapagaling Kay George Pospisil
    • Mga Panalangin
  • Mga Karanasan
  • Tungkol sa Amin
    • Paliwanag sa Logo
  • Mag-donate
  • Mga wika1
    • English
    • Español
    • Português